Nu nga ulit nangyari sa chapter9? So sila na ganon? Waaaah, selos naman ako. Waaaah, bilang isang indibidwal (hehe) nakakainggit lang. Bakit si Zarren meron, tas tau wala? Asan na po Lord?? huhu
Sige na nga, pinapatawad na kita Zarren, sa pang aakit mo kay ANghel. Haha. Gigil mode lang. Hmm, ngayong sila na.. Nu na kayang mangyayari? Nu kayang magiging set up ng relasyon nila.. Well, asakin parin ang desisyon.. Gantihan ko kaya si Zarren dahil naiinggit ako?? Haha..Pwede..tsk..
Sige na tama na ang segwey. eto na ang mga sumunod na nangyari....
Fastforward.. Uwian na ulit ni Zarren. Syempre gaya ng nakagawian, susunduin na naman sya ni Anghel. Hay di na kayo nasanay..tsk.. At syempre, eto ang unang beses na susunduin sya na ganap na sila na..
Palabas pa lang si Zarren ng pinto ng office nila ay nabungaran na nya kaagad si Anghel sa lobby, kausap si Francis at ang iba pa niyang officemates...Syempre, nagtaka sya kung bakit..Naisip niya na baka naghahamon ng suntukan tong si Anghel ah. Sabihin na nating mejo kinabahan sya.. Kaya dali-dali syang humakbang palapit sa kanila..
Biglang bati lang ni Anghel nang nakangiti. "Hi Mahal ko.." waaaah
Di nya alam sasabihin. Syempre, daming nakatingin eh.. wahaha, tinutubuan din pala ng hiya ang isang Zarren Balabis.. hehe..
Yun. inisip nyang maigi ang isasagot nya. Kasi diba, di pa nga alam ng mga yun na sila na nga ni Anghel...
"Hi.." -hiya mode lang. Tsk tsk, sa una palang alam ko ng hindi sya mabuting girlfriend. haha. Kinakahiya ba nya si Anghel dito?
"Hi lang??san yung karugtong nun?"-Anghel, parang di affected sa pagkakaila ni Zarren sa kanya. Tuwang tuwa pa eh. Trip parin talaga nyang mang asar kahit sila na..
Napatingin si Zarren kila Francis at iba pa. tas sabay sagot.."mahal ko.."
waaaah. yun oh.. nilunok na ang lahat ng malulunok nyang laway . haha. Ang lahat kasi sa ayaw nya at di nakasanayan, ay yung pag nilalagay sya sa alanganing sitwasyon sa harap ng maraming tao.. yun.
Tuksuhan session. "Uyy, Zarren, kayo na pala ha, di mo manlang sinabi. Kanina pa tayo magkasama eh.." -Melody umeepal lang.
"Bakit tinanong nyo ba?Tsaka private ang relation namin ni ANghel.."- private daw, nu yun, nasa showbiz ba sya at gumaganon pa? hehe.
Sabay pinandilatan sya ni Anghel. Parang pinaalala ang nakalimutan nanaman nyang term. haha. Kulet lang.. Pero syempre di nya inulit. Nasa harap sila ng madaming tao eh.. tama na yung isa lang.. Yaan nyo, mamaya ay pagsasabihan nya yang si Anghel. Hehe
"Mahal ko, bakit naman di mo kinukwento sa kanila na tayo na.. Hmp, kakatampo naman."- bwiset na Anghel talagang ayaw paawat. Gustong gusto nya nya tong kurutin sa tagiliran eh.
"Eh, basta. Malalman din naman nila eh. Kita mo nga alam na nila ngayon. Chinismis mo pa.."
"Syempre naman dapat malaman ng buong mundo yan. Diba pare?"-sabay baling lang ni ANghel kay Francis..
Siniko ni Zarren si Anghel. Syempre, nakakahiya kaya kay Francis noh. Hay...
"Oo nga pare, congrats. Napasagot mo si Zarren."-Francis. Di halata ang pagkabitter. Magaling lang ba syang magtago o ano?
"O sige na, mauna na kami.."-Zarren halatang umiiwas sa tuksuhan. Yun. sabay talikod at hila ng kamay ni Anghel.. Haha, iba na talaga ngayon, babae na nanghihila. hehe.
"Sige guys, una na kami nitong mahal ko.. Hehe, excited tong masolo ako eh."-Anghel, bwiset lang sa mga banat. Yun oh, piningot pa sya ni Zarren.
BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...