Chapter1: Ang muling pagkikita..

769 9 1
                                    

Chapter1

“Peste ka lang talaga Juan Anghel de Guzman!! Sa dinami-dami ng taong pwede kong makita, bakit ikaw pa?!”.  Tsk, parang baliw na nagsisisigaw si Zarren sa loob ng kwarto niya. Highblood lang. Badtrip na badtrip sya habang inalala ang itsura ni Anghel kanina. Nakakaasar ang paghalakhak nito.. Kala mo kung sino kung makatawa. Kung makatingin pa.. tsk, talagang hindi bagay dito ang pangalan nya.

Sising sisi sya kung bakit pa sya sumama kay Fate, yung kaibigan nyang may pakana kung bakit nagtagpo nanaman ang landas nila ni Anghel..Yan tuloy halos hindi maipinta ang mukha nya sa sobrang galit at hiya…Isinumpa pa man din nyang sa oras na magkrus ang landas nila ay gagantihan nya to sa kahit na anong paraan. Kasi naman hindi basta-basta ang nangyari sa kanyang nun… Naupo sya sa kama habang binabalikan ang nakaraan…

Nagmamadali syang makabalik sa classroom dahil isa sya sa mga nagprisintang magcheck ng test paper ng mga grade five.. Nakalimutan nya ang oras dahil nalibang sya sa paglalaro ng pambansang laro ng skul nila, ang 10-20. Kahit na nasa mataas na level na sya ay iniwan niya parin ang laro kasi nga naalala nya yung teacher nyang nagbebenta ng prutos at wonder boy. (dagdag grade din pag bumili, hehe) Ayun, nagpatulong magcheck. Plus grade daw kasi eh. Kaya ayun pumayag sya.

Yun nga tumakbo sya. Kailangan na nya kasing bilisan male late na sya.  Kaso nga lang sa di inaasahang pagkakataon, natanaw pa ng singkit na mga mata nya ang crush niya. Ang mestiso at mejo mahabang buhok na si Anghel. Kastila daw ang lolo nito  kaya astig ang dating sa kanya..Matangos ang ilong, magandang mga mata at higit sa lahat parang ang linis linis tignan.. Stand out nga daw sa mga classmate nya. Ito pa ang pinakamatangkad sa buong klase.

Mejo binagalan nya ang pagtakbo nun kasi nahiya syang bigla. Lam mo na initial reaction pag nasasalubong ang crush. Yung tipong gugustuhin mo munang yumuko, tas iaangat mo ulit ulo mo nang dahan-dahan habang nakatingin sa kanya, para magpacute lang. Kaso nga lang, may biglang dumaan na cute na girl. Matangkad sa kanya kaya naisip nyang baka magustuhan pa yun ng crush niya..Kaya ayun, inunahan nya..Nagkabungguan sila ni crush.. Napa OMG sya nung mahawakan nya ‘to sa balikat. Kase nga diba ma-a out of balance sya kaya ayun naitukod nya kamay nya sa balikat nun. Pakiramdam nya biglang nakumpleto ang araw nya nung tignan sya ni Anghel. Kahit na kasi classmate nya yun ay hindi nya pinapahalatang crush nya..Mahirap na, may iniingatan syang image. Syempre president sya diba, kaya ayun..Pero may pagkabias din sya minsan kasi kahit na nuknukan ng likot at ingay tong si Anghel ay sinusuhulan nya ang sergeant at arms nila para wag lang nitong ilistang noisy ang prinsipe nya.Waaah…

Parang ayaw na nyang gumalaw at manatili nalang na nakatitig dito. Lalo pa syang kinilig nung biglang hawakan nito ang pisngi nya. Kakaiba ang pakiramdam nya nun. Langit daw.. Hahaha! Parang ang lamig nga daw ng pakiramdam ng pisngi nya nun eh.. Parang feeling fresh daw sya.  Parang may kung anong menthol daw..(waaaaaaah, kung alam lang nya..putek)

Matapos magsorry si Anghel ay tumakbo na sya ulit at dumirecho sa classroom kung saan nandun ang lahat ng volunteers sa pagchecheck. Nag gudafternun mam muna sya. Nagulat nalang sya nung bigla syang pagtawanan ng lahat ng bata don..Ewan nya kung bakit.

“Bakit kayo tumatawa ha may nakakatawa ba?”

Sige parin ng tawa ang mga andun.. Hanggang sa may tahasang nagsabi sa kanya.. Na may malaki syang kulangot sa pisngi…

----karog--mga 1 1/2 weeks after ng pagkikita nila sa resto..

"Hi Zarren baby, need help?!"  - Ang laki ng ngiti Anghel habang pinagmamasdan si Zarren na nagpipilit buhatin ang malaking water jug. SInadya nya talagang planuhin ang outing na yon para muling magkrus ang landas nila. Sobrang lakas lang ng trip nya nun. Hindi maipaliwanag ang saya niya nung mabalitaan nya kay Fate na sasama daw si Zarren. Sigurado syang wala itong kaalam alam sa sorpresang hinanda nya, ang pagmumukha niya..  Sinadya talaga nyang hindi mag ahit ng isang linggo, feeling kasi nya isa yun sa mga assets nya. (Hehe, adik na yun.. Balak pa atang gawing kiliti weapon kay Zarren ang bermuda grass nya.). Yun nga nasa isang resort sila sa Bulacan kasama ang barkada niya at ang barkada ni Fate na girlfriend ng tropa niyang si James.. Sobrang nainggit sya sa ka sweetan ng dalawa kaya naisip nyang pasiyahin din ang araw nya.. Kanina pa nya tinititigan si Zarren mula sa malayo.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon