Ano na? Bakit nakay Zarren bigla ang diary??Pano nangyari yon? Kusa bang nilagay ba ni Anghel sa bag nya? O talagang magaling lang sya kaya napasakamay nya ulit? Tsk, Tsk, dami namang tanong oh, Bahala na nga si Zarren magpaliwanag nyan. Oh eto, tignan natin kung pano nya kausapin sarili nya..
"Wahaha! Sa wakas nabalik din sakin tong diary na to. Tsk, pag nagkataon, kakahiya talaga. Yiii, buti nalang nakuha ko sa cabinet ni Anghel nang walang kahirap-hirap. Haha, di ko talaga sinabi sa kanya, kasi mangungulit yun. baka tignan pa niya. hehe, mahirap na baka mabasa nya pa. I'm sure naman na di nya to nabasa..buti nalang magaling ako. hehe"
Ayun. Binuksan nya. Trip nyang magsulat eh. Syempre, dun nya agad nilagay sa mga bandang last page. Literal na lumaki ang mga mata nya nung may makitang kakaibang sulat...Hindi daw pang grade 3, pang college daw, parang steno eh. hehe.
Balikan nalang natin ang nasa chapter8:
Dear Diary ni Zarren
Hindi ko talaga maintindihan yang amo mong si Zarren. Kung may gusto sya sakin, bakit nya ko ginaganito? Hindi ba nya napapansin na gusto ko rin sya? Magtya tyaga ba kong sunduin sya araw-araw kung wala akong nararamdaman para sa kanya? Matapos kong ialay ang mga itlog kong nananahimik…sa ref para lang sa kanya. Hay,manhid talaga sya. Tapos ngayon umalis pa sya nang di nagpapaalam. Ang masakit nyan kasama pa nya yung Francis. Badtrip talaga..Pano ko pa masasabi sa kanyang mahal ko sya??
Zarren- naispatan nya yung stabilong kulay green kaya hinaylayt ang word na ‘mahal ko sya’. Tapos, hindi pa nakontento, nakangiti rin nyang hinaylayt ang word na ‘itlog’. Hehe, malay ko kung bat nya yun ginawa. Tsk tsk tsk, Initial reaction, syempre napangiti. At nagtitili.. Landi lang eh. ayaw papigil sa pagtili. Hay.
"Yiiii, mahal nya ko??Di nga??bwahaha, sabi na eh. Kaya pala iba sya makatingin kanina. Siguro miss na miss ako nun. Nagpagupit pa talaga at nag ahit ha. In fairness, loveee itttt!!! Waaah, Hindi sya prepared na uuwi ako. Haha.Tsk, kaso nga lang bakit ang torpe nya? Waaah, kinikilig naman ako. I love you too.. mwah! Tsupzz!"- tsk, hay mga babae nga naman. may tsupz pa talaga. haha.
Ayun. Akala nya yun lang ang sulat. Kaso paglipat nya sa kabilang page, may nakasulat ulit.. Eto, basa..
Dear Zarren,
Kala ko matitiis kong wala ka. Hirap pala. Miss na miss na kita. Umuwi ka na nga. I love you.
-Anghel
"Waaaah, shet naman. Mashado naman tong si Anghel. AHihihi. Naiinlove na talaga ko sayo. Di ko na mapiglil shocks.(hinighlight ulit nya dito yung i love you. baliw talaga)"
May Isa pa.
Dear Zarren, Mahal ko.
Balak na talaga kitang sundan jan. Mamamatay na ko kakaisip sayo. Kala mo ba madali ang maghintay. Umuwi kana please. Promise di na kita aasarin. Magpapakabait na ko.
-Anghel
"Di ko na kaya. Waaah. Fano fa ko makakatulog neto? Waaah, teka, ivig savihin, navasa rin nya ang mga sulat ko?? (mahipan ka sana ng hangin, bwiset) Naku naman. Alam na pala nya ang feelings ko.. Pano to??Nu gagawin ko. Baka di na ko makatingin ng direcho sa kanya ah. Wiiiiiii"
Ayun. Kinilig na talaga ng tuluyan. Hay. Yaan na nga natin sya. Pagbigyan natin. Sya bida eh. Ako man naiinggit din. Nyahaha. Ganyan talaga, panapanahon lang yan. Ngayon sya bukas makalawa tayo naman. Diba. tsk..bitter lang. hehe
Yun.Kinabukasan, kahit na pagod pa rin si Zarren ay kailangan pa rin nyang pumasok. Hinanda nya mga gamit nya. Sabi nga nya, kalimutan na nya lahat , wag lang ang diary nya. Syempre, trip nyang lagi yung nakikita. Inspirasyon daw. Hehe. Nga pala, kahapon, hindi na sya nagsulat dun. Bakit? Ewan. Gusto ata nyang si Anghel ang huling sulat. Ewan ko dun baliw nga diba kaya wag na nating intindihin.

BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...