Para sa mga hindi girlfriend jan...pero naghahangad..
Friday. Sobrang kinakabahan si Zarren sa presentation nya sa mga big boss ng auditing firm na pinapasukan nya..Hay, ang Friday na sinabi nyang date nila ni Francis, ang totoong event pala ay ang presentation nya. Tsk, magdamag din syang tinext ng hudas na Anghel na yan. Napakawalang kwenta naman ng mga texts, kesyo umuulan daw ba dun, naamoy daw nito ulam nya ang bango daw (putek), napanood daw ba nya yung balitang may nalason sa spaghetti, yung mga ganon..Hay bwiset, kung anu-ano nalang eh noh, may matext lang..Hehe. Syempre ganon talaga, intindihin nalang natin si Anghel, eh kung ako nga yun baka naitext ko pa sa crush ko kung ano sa palagay nya ang mangyayari sa ekonomiya ng pilipinas eh, kung tataas ba presyo ng gasolina, bigas, galunggong, basta kung anu-ano pa.. Wahehe, ganon talaga diba, iisip ka ng paraan para mapansin lang nya... tsk. Ayun, di nalang nireplyan ni Zarren. Storbo pero in fairness, natuwa rin sya kasi naaalala parin sya kahit ganon.
Ayun, nung dumating yung oras na magpepresent na sya, (grabe ang jabar nya nun, pero naitago nya. Buti nalang di bakatin ang hot spring sa damit nya. nyahaha) todo kaba nya. Buti nalang nairaos nya. Kaso bigla nalang syang sinumpong ng sakit ng ngipin nun pagkatapos. Biglaan, eh bakit ba, walang pakielamanan kung bakit sa dinami-dami ng pedeng sumakit ay ipin pa.. tsk eh mas marunong pa kayo, sabi kaya ni Zarren nung isang linggo pa daw yun sumasakit, pero ngayon talagang di na nya mapigil..Nag undertime sya. Syempre kelangan nya na yun ipabunot.
Sakto lang na tumawag ang anghel ng buhay niya..
Tatlong ring bago nya sinagot. Paepal lang.
“Tagal mong sagutin ah. Anong oras labas mo?”-Anghel feeling boyfriend lang.
“Lumabas na ko. Uwi na ko.”
“Oh bakit? Kala ko ba may date kayo ni pulubs?”
“Pulubs?sino?”
“Ibig kong sabihin si Francis.”
Oo nga pala..Isip, isip. Bilis “Ah, oo nga. Cancel muna. Sakit kasi ng ipin ko. Papabunot ako ng ipin. Sige na, wag mo na kong sunduin ngayon. Day off mo muna. Bye.”
“Wait lang. Samahan na kita. Jan ka lang, antayin mo ko sa Jollibee jan. 20 mins lang. bye..”
(Zarren’s pov) Naku naman, paantay pa talaga. Sobrang sakit na di ko na matiis to.. hay badtrip mukhang di ko maeenjoy ang araw kasama si Anghel.
Ayun, nagmamadali syang sinundo ni Anghel. Buti nalang mejo malapit lang dun ang work ni ANghel. Tsk, alang basagan ng trip eh sa ganon talaga eh. .malapit lang eh.
After 20 mins..of long waiting…hehe
“Tagal mo. Tara na at di ko na kaya to.”—nice. Parang ang dating eh manganganak lang ako ah. Waaah, first baby natin Anghel. Wahaha, landi lang. Ayan na lalabas na!-filengerang Zarren. Bwiset.
“Panong sakit ba? Patingin nga?”-weh, ano yan bakit may patingin-tingin pa. Kakahiya naman, makita pa nya ang bulok..waaah..
“Ayoko nga. Tara na. Ang sakit na talaga” Humihilab na, lalabas na si junior. Nyahaha! Love it. Concern ka sakin..haha
“Sige na nga. Tara may alam ako.”
“San yun?”
“Basta magaling yun. Siguradong walang sakit yan pag binunot nya.”
“Sige tara. Siguraduhin mo lang ah. Awww. Wag mo na nga akong kausapin. Sakit eh.”
Tiktaktiktak..after ng mahabang katahimikang pagddrive, narating din nila ang dental clinic na sinasabi ni Anghel…
BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...