Hala, mukhang may masamang balak nanaman tong si Anghel ah.. tsk.. Arte kasi bat di nalang direchohin si Zarren para matapos na.. tsk, pati mga bata tinuturuan magsinungaling..Hay, mga matatanda nga naman..Sana lang umubra, kasi diba natry na nya yun dati nung proposal nya.. tsk tsk.. Kaya ayun, nagmamadali tuloy si Zarren sa bahay nila..Syempre naman noh,parang totoong pamangkin na rin ang turing ni Zarren sa mga yun. Concern na rin sya kung me mangyayari mang di manda sa kanila..Ang mahirap nga lang nyan, kelangan lang nyang panindigan na ayaw na nyang makita si Anghel.. tsk.. hirap kaya nun diba, lalo na pag talagang labs mo..
Yun. Pagdating nya sa bahay nila Anghel, kala mo walang tao sa sobrang tahimik. Pumasok na sya tutal gawain naman nya yun eh. Hehe..Yun, tanaw nya kaagad ang mga bata.. Grabe lang sa emote yung mga yun. Seryoso ang mga mukha.. tsk. Nakangalumbaba pa..
“Tita Zarren, malungkot po kami kasi namimiss kana namin.”- Raffy, malungkot daw pero nakangiti.. Hay Raffy manang mana ka lang talaga sa dalawang tito mo..tsk
“Talaga?Namiss nyo ba ko kids?”
“Opo. Sana andito si tito Anghel para makita ka nya. Lungkot po sya eh.”Georgina
(Zarren’s pov) Huh? Wala ba sya? Sayang naman. . Pero buti na rin baka uminit lang ang ulo ko.
“Bakit, asan ba sya?”-weh yun oh, nagtanong din. Tsk.. matapos mong pagsalitaan ng masakit si Anghel, may gana ka pang magtanong kung asan.hay
“Nasa kapitbahay po-“-tipong nadulas lang tong si Gab. Sabay takip ng bibig.
(Zarren’s pov) Ah so na kila Jam pala sya.. tsk.. ano ba, wala bang katapusan to ha..ayoko na. badtrip, yoko nang mamroblema sa yong Anghel ka.
“Ahm, ok kids pupuntahan ko lang si Mica ah. Tignan ko lang kung ok na sya.”-Sabay tayo lang at direcho sa kwarto ni Mica.
Samantala, pag akyat ni Zarren sa kwarto ni Mica ay sya namang labas ng old look na Anghel natin.. Long hair nanaman sya. Tsk, ala Nathan look na ulit ah. Hay.
“Oh ano na Raffy, ano sa tingin nyo, namiss ba ko ng tita Zarren nyo ha?”-Anghel, sadyang ginulo lang ang buhok para sana ipakita kay Zarren na desperado na sya sa sitwasyon.
“Hindi po tito, parang hindi ka po nya namiss. Si Mica lang po ata pati kami.”-bad raffy tsk.
“Waaaaah! Yan ba ang sabi nya? Tsk tsk, bakit kasi ang hina ng mga boses nyo kanina ah. Di ko tuloy kayo narinig. Ano pang sabi, tinanong ba ko?”
“Opo.”
“Nung sabi nyo? Sinabi nyo bang andito ko?”-ANghel prinsipe ng mga balisa..
“Si Raffy po, sabi nasa kapitbahay ka!”-Georgie
“Weh…hindi po si kuya Gab po yun tito. Sabi nya kasama mo daw si tita jam!”
“Ay!Hindi po tito sinungaling ka Raffy!”

BINABASA MO ANG
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...