Chapter 20: Tambalang Nathan at Yanskie

402 7 0
                                    

Chapter 20

 Yun, di nga pumasok na sila ng simbahan, ayun, sobrang init daw kasi mga bandang  10:30 na yun ng umaga eh. Nasa kasagsagan ng kainitan, kaya lahat ay me kanya-kanyang kajabaran. Hehe..Kanya-kanyang ipon sa umagang yon.. Tsk, eh wala eh pasensyahan sa mga bida natin. Buti kamo paligsahan sila sa deodorant na gamit nila.. haha, maipagmamalaki naman kaya kahit papano di tumatagas. Hehe..

Kahit sobrang init ay natiis yun ng bida nating si Anghel, eh pano ganda naman kasi ng view nya.. tanaw na tanaw ng gilid ng mga mata niya ang kanyang iniirog.. tsk.. Giniliran niya ng tingin si Zarren sa buong ceremony eh..Halos din na nga sya nakinig sa buong misa..Bumubuo kasi sya ng plano sa utak  nya..

(Anghel’s pov) Hmmm. Base sa mga tingin ni Zarren my labs kanina, ay tila naibsan na ang galit nya sakin.. Mukhang tinutubuan na sya ng hiya sakin. Haha, pag may hiya ibig sabihin, may pagtingin.. tsk, badtrip kasi back to zero kami.. tsk..Nu kayang magandang sabihin sa kanya?  Kawawa naman sya, malamang nyan ay namimiss na nya ko ng sobra.. hihi.. wag kang mag alala Zarren, di ko tatapusin ang araw na ito na hindi kita nasosolo. Hindi natin hahayaan ang James-Fate love team na matalo tayong dalawa.. Tayo ata ang box office king and queen. Pinagbigyan lang natin ang dalawang yan.. Haha, tayo pa rin ang kakabog sa kanila.. tsk tsk.

“Tol, tigilan mo nga kakatingin kay hipag. Kanina ka pa, nakakailang.  Buti sana kung wala ako dito as gilid eh. Mamaya na pwede. Pagalitan ka pa jan ni father eh.”- Waaaah, tama ba to? Si Nathan umaapila sa utol nya dahil nasa simbahan.. tsk, parang nagkakamali ata akong sabihing si Nathan yun ah.

“Ikaw ang tumahimik. Ang lakas ng boses mo! Bumulong ka lang baka marinig ka pa nila..”-Sabay ngiti dahil tinitigan sya ng masama ni Scarlet.. Para tumahimik lang.

“O sya sya. Wag kang mag alala. Halata naman si Zarren oh. Tumitingin din dito.. Kaso parang sakin ata tumitingin eh. Hala tol, baka nainlab na sakin si hipag ah. Nakow!”

Sabay batok lang ni Anghel ke Nathan. “Sira ulo! Kahit mag kamukha tayo hinding hindi ako pagpapalit ni Zarren sayo noh. Kumpara mo naman ugali mo sakin. Baka umani pa ko ng best in conduct kung ikaw rin lang itatapat sakin.. oh tamo tamo si Yanskie nga ni hindi ka manlang sinusulyapan oh.”

Sabay tingin lang ni Nathan ke Yanskie..”Ano naman? Ang sungit sungit nun eh. Kala mo kung sino sakit pang magsalita.. bakit… me boypren na ba yun?”- yun oh. Kunwari pa kasi ang balbon eh.

“Nyahaha! Sinasabi ko na nga bat tinamaan ka eh. Mabait yun. Kaso nga lang ingat ka dun, maloko yun. Yun ang pinakabaliw sa kanila. Mas baliw pa yun sa leader nilang si Fate. Nasa ibang dimension ang utak nun pag kalokohan ang pinag uusapan. Hehe.”-Anghel, bat nya alam? Ah baka naidaldal ni Zarren dati.. tsk. Tsismoso rin eh noh.

(Nathan’s pov) ibang dimensyon pala ah. Wag kang mag alala yanskie magkita nalang ang mga utak natin sa dimensyong yan. Haha. 

Tsk. Bat ba ang hilig sumingit ni Nathan sa story ng kapatid nya? Hay…. Balik nga ulit tayo kay Anghel at Zarren.

“Zarren, kayo na ba ulit ni Anghel?”-Yanskie

“Ha? Bat mo natanong? Tumitingin ba?”-Zarren

“Oo kaya. Kanina pa. Tignan mo oh, parang tanga nakangaga pa. Nagdadaldalan pa sila ng kapatid nyang eng eng.”

“Haha, Nathan. Yaan mo sya. Wag mo nalang tignan baka akala pinag uusapan natin.”

“Hmm. Nakakainis kasi. Tingin ng tingin eh. “

“Si Anghel o si Nathan?”

“Si Anghel. Waaah. Feeling mo naman crush ko yung isa? Hindi ah.”-Yanskie

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon