Men in Black

66 22 1
                                    

*blag

"Gago! Mannequin yan, tanga! Ang bobo mo talaga!", sabi nung mas malaking lalaki sabay katok sa kasama niya. Hindi ko rin kasi masyadong maaninag yung mga mukha nila kasi madilim sa basement. Eh nakalimutan kong buksan yung ilaw eh!

*sniff sniff

May naririnig akong mga singhot. Ano yun? Aso?

"Boss! May naaamoy ako.", nako patay.

"Ano yun, Conrad. Siguraduhin mong may kwenta yang sasabihin mo!", paangil na sagot ng kaniyang amo. Malamang ameh kanina pa sila naghahanap sa akin.

"Sniff.. Amoy Bench... Parang--"

*bloog!

"Bugok! Sino may sabi sayong humanap ka ng pabango? Ikaw talaga, wala kang silbi!"

"Hindi boss! Babae yung hinahanap natin diba? Malamang nakapabango yun! Silver Dust na Bench/ pa naman yung naamoy ko!", buong pagmamalaki pa na sabi ng aso niya este alalay pala.

Patay! Nakapabango yata ako ngayon! Silver Dust nga yata!

"Talaga ba, Conrad? Siguraduhin mong hindi palpak yan!", aba! Demanding! Sigurista si kuya!

"Sure! 100% Bossing!", sagot pa nito sabay taas ng mga palad at ipinormang pa-tatlong daliri na para bang isang boyscout na namamanata.

Jusko po! Kailangan ko nang tumakas! Kung hindi, mamamatay ako ng tuluyan dito!

Ayoko! Ayoko pa! Masyado pa akong bata! Huhuhuhu!

Ahhh!!!

My savior!

___________________

Gill Enriquez' POV

Oh my stomachs tied in knots
I'm afraid of what I'll find
If you and I talk tonight
Ooh.. Oooohh...

See the problem isn't you
It's me I know, I can tell
I've seen it time through time

And I'll push you away
I get so afraid---


Agad namatay yung cassette. Sayang. Ang ganda pa naman ng tumutugtog. Wala na sigurong baterya.

Agad akong napatingin sa counter ko nang magulat ako na....

"Aysusmaryahosep! 7 days nalang!"

Jusko! Mali ba tong counter ko? 7 days nalang pala para mapapunta ko si Caron sa Italy. Malas!

Bakit ba kasi di ko naalala yung tungkol dun?

Ang tanga-tanga ko! Bwiset!

Agad akong napatingin sa monitor.

Bakit madilim?

Nasa madilim na lugar ba si Caron? Nah. Baka umuwi din siya kanina at natulog.

Galing ko no? Kinabitan ko lang naman si Caron sa mga contact-lens niya ng built-in micro camera na kayang makita 18500x zoom ng isang point/object. Ganyan ako katalino.

(Gets? Camera sa contact lens? Tulog as in nakapikit? Madilim na monitor?)

Pero tama na sa mga pagmamayabang. Pupunta nalang ako sa bahay nila.

Nasa tapat lang naman eh.

Wala ba silang buzzer or doorbell? Paano nila ako maririnig?

Wala naman kasing masyadong gate sa Italy. Pinto na kaagad ang bubungad sa'yo.

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon