Caron's POV
Hindi ito ang inaasahan ko sa lugar na 'to. Hindi kagaya sa mga disenyo ng mga tahanan sa bawat district na may makikita kang simbolo ng bawat pamilya.
Parang isang pangkaraniwang bahay lang na katulad ng nasa tunay na mundo.
Naglalakad kami ngayong dalawa ni Chlorine at hindi ko alam kung paikot-ikot lang ba kami o sinusunod niya lang ang sinasabi sa wireless niyang earphones.
Bagot na bagot na ako sa kakahintay kung malapit na o malayo pa ba kami.
Binasag ko ang katahimikan at tinanong siya.
"Diba may kapangyarihan kang maging vapor?"
"Uh huh.", tumango siya tanda ng pakikinig niya sa tanong.
"Bakit hindi ka nalang mag-evaporate papunta dun sa pupuntahan natin?", tanong ko ulit sa kaniya.
Naririnig ko rin yung pinapatugtog niya sa earphones. Ang ingay. Siguradong naka-full blast yun. Parang post-hardcore yata yung mga kanta niya. Yun pa naman yung mga kantang nakakabwisit pakinggan. Yung tipong parang halimaw yung boses.
"Hindi pwede.", matipid niyang sagot. Mukhang busy siya. Hindi ko alam pero parang may something sa salamin na suot niya.
"Bakit?"
"Edi kapag nag-evaporate ako, tatakas ka dito. As simple as that."
Duhh. Alam ko namang may bantay sa bawat labasan so why waste my time with escaping if I can use someone to get me out of this hell. Pero mamaya ko na yan isasagawa.
Lumingon ako sa gawi niya.
Nakatingin lang siya nang diretso pero hindi sa dinadaanan namin. Feeling ko talaga yung salamin yun eh.
Agad kong inagaw sa kaniya yung salamin.
"Hoy! Ibalik mo yan!", sabi niya nang magsink-in sa kaniyang utak na naagaw na pala yung glasses niya.
"No. I'm just thinking of what would I see when I wear this thing.", pang-aasar ko sa kaniya habang dahan-dahan kong isinusuot ang mga salamin.
"Akin na yan!"
I kept on running and running on the hallways.
Huminto ako at nagpahinga. Gayundin siya.
"Do you want me to melt this thing?", sabi ko sa pagitan ng aking mga hingal.
Gotcha. Siguradong hindi na niya to hahabulin pa.
"I can melt that thing too.", sagot niya.
Oh. So hinahamon niya ako ngayon.
"Okay. Let's have a deal. If I win this match, the glasses are mine. And oh, you'll get me out of this place."
Yan nasabi ko na yung kondisyon ko.
"And if I win this game, you'll join US."
Natahimik ako. Pinag-isipan ko ang kondisyon niya.
I don't want to join Nitrougal. He's a devil.
"Hayaan mong magsample ako para may idea ka naman sa kakayahan ko."
Dinuraan niya ang isang halaman at ito'y umusok. At kalauna'y natunaw na.
Ohh. Kaya pala siya si Chlorine.
"This is what I call Spacid Trick. Gets mo? Spit? Acid? Spacid?"
Oo na. Gets ko na. Hindi naman ako bobo para hindi makuha yung derivation mo ng trademark attack mo no.
"Mag-sasample pa ba ako? Simulan na natin!", pagyayabang ko.
May plano kasi ako sa mokong na to eh.
Pinagliyab ko na ang aking mga palad na nagbabadya nang sumugod.
Ang kaniya namang katawan ay nag-anyong tubig at kumalat na sa hangin.
Nasaan na ba siya?
Bwisit. Hindi ko siya makita.
Inamoy-amoy ko ang paligid. Pero wala ni kahit anong bakas niya.
"Aray!"
Oh my God! Umuusok yung kaliwang braso ko!
Tinamaan niya ako bwisit.
Magbabayad siya ng mahal.
"So how's my Spacid trick? Does it hurt?", rinig ko sa iba't ibang sulok ng lugar.
Nakakainis. Bakit ba ang galing niyang magtago?
Think of something, Caron. Think.. Think...
*ding
Yan. May nagflash nanaman sa utak ko.
Thank you, chemistry class!
I love you!
Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagconcentrate. Alam kong hindi ko pa nagagawa to.
Please, katawan ko, makisama ka naman. Mga elemental genes, tulungan niyo ako dito.
Sama-sama tayo. Damay-damay tayo dito.
Finally, I can feel the heat throughout my body. It's not the typical feeling whenever I let out a fire on my hands. It's not fire, nor any other. It's just thin air coming out through the pores of my body.
It's white and continues to scatter all over the place.
Until I heard a sound.
"Help! Nasusunog ako! Caron! Tama na!"
Napahinto ako sa paglalabas ko ng weird smoke sa katawan ko.
Lumingon-lingon ako hanggang sa makita ko siyang nasusunog sa isang sulok sa tabi ng garbage bin?
Bakit parang air vent to?
Tapos pataas? Paano maididispose ng maayos yung kapag pataas?
"Hoy! Tutulungan mo ba ako dito o ano?", nagulat naman ako nung sabihan niya ako sa kalagitnaan ng pang-uusisa ko sa kakaibang garbage bin nila.
Nakikita kong unti-unti nang kumakalat yung apoy.
Nagpapanic na ako dito.
"Magpagulong-gulong ka, dali!"
Pinahiga ko siya at pinagulong sa sahig.
"That's useless."
Ang arte naman nito! Siya na nga tong tinutulungan!
"Eh anong gusto mong gawin ko?", natataranta kong tanong sa kanya.
"Try to suck in all you released earlier."
"What?!", teka. Ano ba yung pinagsasasabi niya?
"Just do it! I'm burning here!"
Okay. Magconcentrate ka nalang ulit Caron. Breathe in, breathe out.
Phew.
I held his hands and my body started to feel the same heat again. I can feel it was no ordinary fire. It's white fire.
Natahimik kaming dalawa. Muli kong ibinukas ang aking mga mata at bumalik na siya sa dati.
"What did you do? I almost died earlier."
Agad siyang tumayo at pinagpag ang damit niyang parang kamukha ng nasa pelikulang matrix.
"Simple. White phosphorus burns spontaneously in Chlorine so I tried to release white ones instead of red that reacts sensitively in oxygen to produce fire. The white phosphorus (P4) reacts to you and it burns white and has a different reaction compared to red phosphorus.", pagpapaliwanag ko. Ganito pala yung feeling ng isang genius, parang si Enriquez lang.
"And how'd you come up with that idea, eh?", grabe ha. Kanina pa ako nakikipagbarahan ng English dito. Buti nalang hindi pa ako masyadong nose bleed.
"I just listened to my Chemistry teacher, dimwit."
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Science FictionElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...