Caron's POV
Nagising ako sa tubig na tumatalsik sa talampakan ko. Sabi ni Carbon, eto daw yung mabisang paraan para kaagad kang magising.
There's some certain machine installed in this bed that spits water when the clock's beeping an alarm.
Grabe. Ang lamig.
Parang nagyeyelo pa yata itong tubig. Brrr.
Agad na akong tumayo at pinahinto ang alarm dahil naliligo na ako sa tubig, literally.
Humikab ako ng konti dahil wala sa oras ang paggising ko. Usually, I wake up at 11:00 AM. And andito ako at gising ng 5:00 AM. Well talagang ganun ako matulog eh. Parang mantika. Parang Centaur lang.
Kukuha sana ako ng pamalit sa tokador na nasa tabi ng pinto ngunit nang mapalingon ako...
May taong nakatayo roon.
Kilala ko ang postura na iyon.
Ang kamay niyang nakahalukipkip sa mga bulsa niya at ang mannerism niya na pagtataas ng salamin niya.
Teka. May iba yata sa kaniya.
"Bagong gupit ka ah.", bati ko. Humarap siya sa akin na blangko ang ekspresyon. Tila iba ang pakay niya dito.
Agad akong tumayo at naglakad papunta sa tokador na umaabot sa kisame sa sobrang kalakihan. Kaagad kong binuksan ang pintuan nito at hinanap ang paborito kong kulay abong pang-itaas at ang kulay itim na pambahay. Pumasok ako sa banyo at siya naman ay tumuloy sa loob ng kwarto nang hindi humihingi ng pahintulot.
Pagkalabas ko matapos magbihis ay agad kong itinanong kung ano ang balak niya.
"Huy. Bakit hindi ka nagsasalita dyan? Nasaan na yung mga nakakanose bleed mong terms at mga deductions?", tanong ko. Parang wala kasi siya sa sarili niya ngayon.
Alam ko namang pagkatapos ng misyon niya na mapapunta ako dito ay wala na kaming koneksyon. Pero hindi pa tapos ang lahat.
"This is all just a beginning.", wala sa loob niyang sinabi.
Mistulang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko. O baka pareho lang kami ng iniisip.
Naglakad siya at tumungo sa swivel chair na malapit sa lamesa.
Naupo siya rito at ipinatong ang kaniyang kamay sa ibabaw.
"Yeah. Nararamdaman ko rin yon. Na parang may umaaligid sa akin. Sa bawat paggalaw at kilos ko. Parang lahat ay recorded. Alam kong patikim palang yun ni Nitrougal.", ani ko. Kahit na awkward at weird ang ikinikilos niya, kinakausap ko parin siya ng normal. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Balak ko kasing hiramin yung libro. I'm planning to rebuilt the Maximus Orvium. Nabasa mo na ba yung chapter ni Nitrougal?", tanong niya sa akin.
Napaface-palm nalang ako sa mukha ko dahil nakalimutan ko ang bagay na iyon.
Marami pa akong kailangang problemahin sa buhay ko. Mga katanungan na kailangan ng kasagutan. At ang pagkatao ko.
Sino si Nitrougal? Kung kauri namin siya, bakit parang siya pa yung balakid sa lahat?
Anong koneksyon ko sa kaniya?
"Nakalimutan ko eh. Sige. Sisimulan ko na ngang basahin habang wala pa akong ginagawa."
Sumang-ayon naman siya at sinamahan akong magbasa.
Kinuha ko yung libro sa bag at binuklat ko ang chapter na Knight in Day.
At sa pangalawang pagkakataon, muli kong nasilayan ang kahindik-hindik na mukha ni Nitrougal.
Ngunit iba ang pakiramdam ko sa pagkakataong ito. Ngayon ko lang napagtanto na ang kaniyang mga mata ay kulay pula na mistulang nag-aalab na apoy.
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Fiksi IlmiahElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...