Decrypt

46 22 1
                                    

Enriquez' POV

It's really weird na iniwan ako ni Caron dito sa kwarto niya. It's been two hours simula nung umalis siya.

Baka pinuntahan niya si Carbon at nakipagkwentuhan.

But nah, I don't care either if she looks for Europium.

I am currently finding Etticus' blueprint for the Maximus Orvium.

Tama nga ang hinala ko. Wala sa journal niya iyon. He hid it in their father's book.

At first, I didn't noticed the trick he did.

As I flip the pages of the book, certain chapters have some weird dots scattered.

They are in different sizes of course.

Nang tingnan ko ang likod ng bawat pahinang may mga kakaibang tuldok, napansin kong tumagos ang tinta nito.

Agad kong naisip ang palabas na 'Journey 2'. Kung saan ang iba't ibang libro ay may iisa palang mapa.

Pinunit ng mga bida ang bawat pahina at saka ito pinagbuo-buo.

At nakita nila ang kumpletong lokasyon sa mapa.

Maybe that strategy will work on this thing, too.

I just wanted the blueprint.

Inisa-isa ko ang bawat pahina ng libro at pinunit ang bawat pahinang may kakaibang mga tuldok.

Hindi naman siguro magagalit si Caron kung pinunit ko ang mga 'to.

Nang matapos ako ay binilang ko ang mga napunit ko.

Mga nasa 23 pages ang lahat.

Gaano kaya kalaki ang blueprint na ito at kinakailangan ang 23 pages?

Itinapat ko ito sa lampara pero walang lumitaw.

Bigla kong naalala yung insidente sa binary code.

Itinapat yun ni Caron sa araw at lumitaw ang mga letra. Baka nga ganoon din ang ginawang stratagem ni Etticus.

Itinapat ko sa UV ray ang bawat pahina. Wala kasing araw sa lugar kung nasaan kami ngayon.

Nasa 2nd dimensional phase kami.

Syempre, sinigurado kong magkakasunod ang mga pahina.

Baka yun pala yung rule kung paano mabubuo yung blueprint.

Sa bawat tutok ko sa papel ay wala akong napapansin na kakaiba.

Mga linya?

Wala.

Numero?

Wala.

Letra?

Wala.

This is stupid.

I tear those pieces of paper for nothing. How dumb I am.

Maybe the dots are just printing errors.

Since, baka hindi pa masyadong innovated ang mga printers noon.

Initsa ko ang libro sa sobrang stress.

Flashback...

"Oy! Wag muna yan! Alam ko kung paano mapapaalis sa landas mo si Europium."

"Wala akong pakialam. I want to play fair.", pagtanggi ko sa alok niya.

"So inaamin mo na talagang may gusto ka kay Phosphorus?", pang-aasar niya.

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon