Theodo

19 0 0
                                    

Little did they know that their long-known Vanadium is the real spy. Tsk.

Alam ko namang hindi ako ganoon katanga para hindi ko mahulaan na pwede ring mapakiramdaman ng ibang tao ang ginagawa ni Vanadium. Kaya nga gumawa ako ng paraan para mapunta ang lahat ng tensyon sa anak ni Actinium, si Uranium na ngayo'y napagkamalan pang kaanib ko.

Pero wala naman akong pakialam kung mahuli yang si Vanadium dahil alam kong makukuha niya ang libro ni Etticus.

*tok tok

Agad kong pinindot ang kulay luntiang buton upang pagbuksan ng pinto ang aking panauhin.

Agad niya akong sinalubong ng ngiti. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero kakaiba. Parang pamilyar. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Tila ba ako'y kinakabahan sa mga susunod na mangyayari. P-paano?

"Nitrougal", sambit niya sa aking pangalan.

Alam kong isa lamang akong kalahating tao at kalahating robot, ngunit posible pa rin kaya? Na ang isang katulad ko ay magkaroon ng isang masamang pakiramdan? Isa pa, mukhang pamilyar siya at matagal kong nakasama noon. Alam kong siya ang nanay ni Caron pero bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya?

Inihakbang niya ang kaniyang paa papunta sa loob ng silid.

"Bakit ka nandito? Hindi ka maaaring pumasok," itinaboy siya ni Chlorine ngunit ako ay tumayo at pinatikom ang kaniyang bibig.

"Pumasok ka", aniya ko.

Enriquez' POV

Alas sais na ng gabi ngunit hindi ko parin alam kung saan kami tutungo. Basta sinusundan ko lang si Tito dahil alam kong alam niya ang kaniyang ginagawa.

Pumasok kami sa isang masikip at madilim na eskinita. Mayroong kakaunting liwanag ang tumatanglaw sa may dulo at nasilayan ko ang isang pigura ng isang matanda.

"Tito, mali yata tong pinuntahan natin," sabi ko at tumalikod na para maglakad palayo. Hindi ko na matiis yung amoy dahil may kung anong umaalingasaw sa lugar na ito, ngunit hinila niya ako pabalik at patuloy kaming naglakad papunta sa direksyon ng matanda.

Tinakpan ko na lamang yung ilong ko para hindi masyadong malanghap ang amoy ng lugar.

Inabutan naming nakayuko ang matanda at nakatalungkong humahagulgol.

Kinalabit ko ito at tinatong, "Manong, anong ginagawa niyo dyan?"

Bigla siyang tumingala at nakita ko ang kagimbal-gimbal niyang mukha na tila ba pinunit na parang papel.

It seemed like he was spilled with acid on his face. Webbed-face.

"Sinira nila ang lahat! Ang lahat!" bigla-bigla na lamang humiyaw ang matanda at hindi namin alam kung bakit.

"Tito nasaan ba tayo?" pabulong kong tanong.

"Hinahanap niyo yung alaga ni Richard diba?" sagot niya sa amin.

Agad naman akong nagtaka sa sinabi niya

"So siya yung alaga?" tanong naman ni Promethium. Tss. Pilosopo.

Agad siyang binatukan ni Tito.

"Tingin mo bibe yan?", tanong sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon