Jealous

57 20 0
                                    

Enriquez' POV

District 5. Tahanan ng mga Early Transitions, Late Transitions at Actinides.

Naglalakad lang ako sa kawalan dahil gusto ko lang makita ang ipinagbago ng lugar na ito matapos akong mawala ng tatlumpung araw.

"Hey, 92. You're back! I really missed you so much!", agad niya akong sinalubong ng yakap na sobrang higpit. Masyado naman yata niya akong namiss.

"Vanadium, let me go. I c-cant breathe. Ugh.", alma ko. Hindi na talaga ako makahinga.

Agad naman niya akong binitawan mula sa pagkakayakap.

Nakita kong nasa likuran niya pala sina Centaur at Caron na magkasamang naglilibot sa kabuuan ng District 5.

Teka? Centaur? Bakit nandito sya?

"Hey Vanadium, why's he here? He's not like us, right? Why is he not on the 4th dimension?", pagtatanong ko. Nakakapagtaka. Bakit kaya hindi siya napunta sa 4th dimension? Baka naman may sira na ang portal at kailangan ko nang kumpunihin.

"Can't you see it? He's with us because he has powers too."

"But why? How?", nagugulo na ako.

Eh bakit nasa eskwelahan siyang pinag-aaralan ni Caron? Kung may kapangyarihan talaga siya, bakit hindi ko man lang naramdaman? Mukha lang naman siyang normal?

"He's from the Lanthanides. Your uncle, Neptunium, told Carbon that she must hide the child (Centaur) for he has an exceptional ability for neutron absorption. The Chalcogens built some kind of macro equipment connected in his nerves to limit it. When Carbon wants to find Caron for she will be her successor, she commanded Europium because she knows that he can protect Caron. And in no time, Nitrougal will find out that Caron existed in the real world."

Pero hindi parin kapani-paniwala. At pareho pa talaga kami ng kakayahan? Mas malawak lang ang range ng kapangyarihan ko dahil isang buong atomic nucleus ang kaya kong kontrolin, samantalang siya naman ay neutron lang. Tingnan mo nga naman oh.

Nakakaasar.

Nakita kong inilagay ni Centaur yung mga kamay niya sa balikat ni Caron.

Para-paraan nga naman oh.

Napansin kong kinurot ni Caron si Centaur sa tagiliran at napahiyaw ng "Aray!".

Buti nga sa kaniya.

Nag-iba ang ihip ng hangin kaya ipinasya ko nalang na pumunta sa District 1 kung nasaan ang mga Noble at si Beige Rogers o mas kilala rito bilang Carbon.

Ang sadya ko lang naman ay upang pag-usapan ang tungkol sa Maximus Orvium na hiningi ko kapalit ng aking serbisyo.

Sabi nila, susumpain ang sinumang gumamit nito gaya ng nangyari kay Etticus. Pero naniniwala akong buhay pa siya. Hindi man nakikita pero nasa ibang dimension siya na hindi kayang abutin ninuman.

"Pasensya ka na, gusto ko mang ibigay sa iyo ang Maximus Orvium, pero inirekomenda sa akin ng mga Noble na mas makabubuting nasa kamay namin ang Maximus Orvium dahil lubha itong mapanganib. Isa pa, marami ring mga piyesa ang nawawala na hindi nabibili sa anumang parte ng mundo. Tanging si Etticus lang ang gumawa ng lahat.", pagpapaliwanag sa akin ni Carbon.

"Ako na ang bahala sa mga Noble. Basta ibigay mo sa akin ang eksaktong lokasyon ng Maximus Orvium."

___________________

"Bakit ka nandito, Uranium? May kailangan ka ba?", tanong sa akin ng matandang si Krypton.

Kilala niya na ako dahil suki ako dito sa kanila dala ng lagi kong pagliban sa mga klaseng pangmilitar (training para maging legionnaire) dahil ayoko ngang magaya sa mga kamag-anak ko na nakadestino sa iba't-ibang distrito. Ang tatay ko na nasa District 1 at ang kapatid kong nasa District 4 kung nasaan ang portal at ang Alkaline Earth at ang kamag-anak ni Carbon.  Kung sa isang pangkaraniwang eskwelahan, si Krypton siguro ang guidance councilor ng buong lugar.

"Gusto ko lang ipagpaalam sa inyo na gusto kong kuhanin ang Maximus Orvium para isaayos muli.", diretsa kong sinabi na wala man lamang pasumandali.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at nerbyos.

"Hindi mo ba alam na isusumpa ka ng bagay na iyon? Hindi mo alam kung ano ang taglay na kakayahan ng bagay na iyon at yoon ang sisira sa buhay mo!", pagbabanta niya sa akin.

"Wala akong pakialam. Walang makakapigil sa akin. Isa pa, ipinaalam ko lang naman sa inyo na balak ko itong kuhanin."

"Gusto mo bang matulad kay Etticus na namatay nalang sa limot?"

"Hindi siya patay! Alam ni Phosphorus na hindi pa siya patay! Buhay siya, naiintindihan mo? Humihinga, nagsasalita, gumagalaw!"

"S-si Etticus? Ang anak sa labas ni Richard? B-buhay?", mautal-utal na tanong ni Krypton.

"Oo. At kailangan niya ako ngayon.", sabay tinalikuran ko siya at lumabas na ng District 1.

Bumalik akong muli sa District 5 kung saan nandoon ang mga kapwa ko Actinides na sabik sa aking pagbabalik.

"Welcome home, 92!", bati sa akin ni Curium. Ang Human Generator ng mga Actinides. Kaya niyang magsupply ng kahit anong uri ng electricity.

"Sorry, Curium. Duon muna ako sa loob. Magpapahinga lang ako. Napagod lang sa biyahe."

Agad ko na silang nilayuan at bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"Anong nangyayari sa kaniya? Hindi naman siya ganyan ah?", sabi ni Thorium. Tapos na kasi yung shift niya sa pagbabantay ng District 1.

_____________________

"Caron...", sambit ko.

"Caron...", sambit kong muli.

"Uy. Ang sweet mo naman. Napapanaginipan mo pa siya. Sayang lang, kase mukhang may gusto na siyang iba."

May naririnig akong boses.

"Boom!", isang malakas ng pagsabog sa kwarto ko.

Agad akong napabangon sa kama.

"Plutonium, tss. Anong kailangan mo?", isa nanaman sa alagad ni Nitrougal. Bakit ba pinagdidiskitahan nila ako ngayon? Una, si Chlorine. Tapos ngayon, si Plutonium? Ano bang pinaplano nila?

Nanduon naman si Caron sa District 1. Bakit?

"May gusto ka na sa kaniya no?", pang-uusig niya sa akin.

"W-wala. Umalis ka na dito."

"Sus. Itinatanggi mo pa. Eh halata naman. Bakit hindi mo tingnan kung sino yung kasama niya sa kama ngayon? Diba may monitor ka?", para siyang demonyong nag-uudyok sa akin na gumawa ng mali.

Ayoko mang pakialaman ang privacy niya pero sa loob-loob ko, gusto ko talagang makita kung kasama niya talaga yung lalaki na yun.

Dinukot ko ang cellphone ko at napatingin ako sa kanya.

"Ano pa hinihintay mo? Dali na!"

Tiningnan ko nga ang monitor ng camera ni Caron.

Tama nga siya.

Magkatabi silang natutulog.

"Eh ano naman ngayon kung magkasama silang matulog?", pagkukunwari kong walang pakialam.

"Ows. Talaga? Bakit namumutla ka dyan? Wag mo nang itanggi.", pang-uudyok niya.

"Umalis ka na o baka naman gusto mong matikman tong..", agad kong binuo sa mga palad ko ang hugis bilog na nuclear power na inipon ko mula sa iba't-ibang sulok ng katawan ko. Tiyak na mamamatay siya, tutal at alagad lang din naman siya ni Nitrougal at punung-puno rin siya ng kasamaan.

"Oy! Wag muna yan.. Alam ko kung paano mapapaalis sa landas mo yung pesteng si Europium."

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon