Enriquez' POV
Mukhang tapos na ako dito.
Hanggang ngayon ay nakikita ko parin sa kaniyang mukha ang masidhing galit.
Tinalikuran ko na sila at ako'y naglakad palayo.
Dumiretso ako sa kalsada at nagpunta sa isang panaderya.
"Oh, Uranium! Tapos na ba yung pinagagawa sayo ni Carbon?", salubong sa akin ni Promethium.
Nandito siya dahil may isa sa bawat Family Nabe na dapat magbantay sa portal para masiguro na rin ang kaligtasan ng mga tao. At para din mamonitor ang mga naglalabas masok sa portal.
Tuwing ika-5 taon silang nagpapalit ng mga tao. At pangalawang taon ngayon ni Promethium.
"Ah oo.", sagot ko sa kaniya at pumasok na ako sa loob.
"Himala yata. Dati eh patango-tango ka lang sa akin ah?", pang-aasar niya.
"Isa ngang kape.", sabi ko sa kaniya.
Pamaya-maya pa ay dumating na siya dala-dala ang kape.
Inamoy ko ang usok nito. Hmmm.
Alam niya talaga ang gusto ko. Amoy na amoy ko yung gatas.
"Ano na nangyari sa anak ni Carbon? Maganda ba?"
Sa sinabi niyang yon ay naibuga ko bigla ang iniinom ko.
Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang lamesa gayundin ang bibig ko.
"Hoy. Anong nangyayari sayo? May gusto ka siguro don hano?", pang-aasar niya sa akin.
"W-wala no. Nagulat lang ako."
"Sus. Ganiyan din yung reaksyon mo nung nabisto kita kay Vanadium eh. Pabula-bulaklak ka pa nga noon. May pasecret-secret admirer ka pa."
"Tsk."
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag-inom ng kape.
"Maiba nga ako, may alam ka bang santo na may hawak na bibe?", sa pagkakaalam ko kasi ay adik siya sa bible at mga controversies tungkol dito. Noong mga panahong hindi pa ako masyadong nagsasalita ay palihim akong sumunod sa kaniya at nakita ko siyang nagnanakaw ng Vatican Files. Napakasaklap ng pinagdaanan ko noon. Sumilid ako sa compartment ng taxi para masundan siya.
"Nagjojoke ka lang diba?", sabi niya sa akin.
"Uhh. Hindi? Mukha ba akong nagbibiro?"
Naging seryoso ulit yung mukha niya nang sabihin ko iyon.
"Hinahanap ko yung blueprint ng Maximus Orvium at may iniwang code si Etticus."
Ibinigay ko sa kaniya yung papel na may code.
Mga limang minuto palang ang nakalilipas nang titigan niya ito ay umusal na sa bibig niya ang mga katagang, "I am hiding the thing in it; your drake Theodo."
"That's exactly what Krypton and I decoded. Ano sa tingin mo?"
Pumangalumbaba siya at nag-isip.
"Hmm. Paano mo naman nasabing ang drake na sinasabi ay hawak ng isang santo?", tanong niya sa akin.
Paano nga ba?
"Wala lang. Naisip ko lang bigla. Baka nasa estatwa. Kasi hindi naman pwedeng ipalunok sa totoong bibe yon diba?", paliwanag ko sa kaniya.
Ngumisi siya sa akin at sinabing, "Hindi nga ba?"
Napaisip ako. Paano kung pwede nga?
"Teka, sa pagkakaalam ko noon ay may alagang bibe noon ang mga Coates. Kwento lang sa akin yon. Kasi bali-balita daw na parang may pagkabaliw si Richard Coates eh."
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Science FictionElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...