Traitor

29 18 0
                                    

Lumitaw sa hologram ang larawan ni Mama na nakahiga sa isang stretcher, na pinalilibutan ng mga taong nakamask at nakasuot ng lab gown.

Biglang nagzoom-in ang camera sa mukha niya.

"Oh ayan na yung anak-anakan mo. Kausapin mo.", dinig ko pang sabi ni Nitrougal.

What the hell are they doing with her?

"Nak, wag kang mag-alala, magiging katulad mo na ako."

What?! This can't happen! Mapapahamak lang siya kung magiging katulad namin siya na may kapangyarihan. I'm now starting to hate Nitrougal. His voice, his creepy face and all!

"Mama, get the hell out of that place."

"Caron, masaya ako kung magiging katulad na rin kita. At ng Dad mo.", yun na ang huli niyang nasambit matapos maputol ang pagpoproject ng hologram.

"Sandali, parang kilala ko yung isa sa kanila.", ani ni Enriquez.

"Uy, madaming connections.", sarkastikong saad ni Centaur. Tss. Pang-asar talaga.

"He's Plutonium, and besides, bakit hindi ko siya makikilala eh alagad ni Nitrougal si Dad."

Sabay kaming napahiyaw ni Centaur ng, "Ha?!" kay Enriquez dahil sa sinabi niya.

"P-paanong alagad ni Nitrougal ang tatay mo?", mautal-utal ko pang tanong.

Hindi siya sumasagot. Malamang ay nagulat din siya sa pagkakadulas niya.

Pero marami akong gustong malaman. Nagagalit ako sa kaniya. So he's a spy? Hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan.

"Kaya ba hindi mo masyadong binabanggit ang tungkol sa tatay mo?", tanong ni Centaur. Sus. Chismoso talaga.

"Oo. Sa ngayon, wala pa namang nagiging problema sa District 1. Siguro ay nagpaplano pa sila ng pagsalakay. Pero hangga't wala siyang ginagawang hakbang na ikasisira ng mga District, mananatili munang tikom ang bibig ko. He's still my dad. I have to protect our family's name. That's my responsibility as an Actinide since I am not a legionnaire.", saad niya.

Nagalit ako sa mga narinig ko.

Steam starts to emerge from the pores of my skin. Until it became a blazing fire that covered up my whole.

So kailan niya balak sabihin na traydor ang tatay niya? Traydor ang angkan niya? Kapag tuluyan nang nawasak ang lugar na to? Kapag namatay na ang lahat ng mga walang kamalay-malay?

Para na akong nagsuSuper Saiyan dahil sa galit ko. Hindi ko makontrol ang mga elemental genes. Gusto ko man silang pakalmahin, pero ano namang magagawa ko? Sadyang namamayani ang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Caron, kumalma ka.", sabi sa akin ni Centaur.

"Wag ka nalang lumapit sa akin Centaur at baka magreact pa ang Europium sa Phosphorus.", sabi ko sa kaniya. Sinunod naman niya ako at lumayo siya ng kaunti sa akin. Naglakad ako palapit kay Enriquez.

I can't see any fear in his eyes. All I can see is his blank expression making me more piqued.

I didn't knew that he still has this intimidating side.

The last time I saw it is when we first met, at the rooftop.

As I walk slowly, my eyes started to became bright orange like the fire I have been casting.

"Ano bang problema?", the serious voice made me shiver but I didn't let him notice that.

"Anong problema ko? Well, ang problema ko ay yung taong pinagkatiwalaan ko pala simula't sapul ay ang taong magtatraydor sa akin! Alam ko kasi na pinagkakatiwalaan ka ng nanay ko, si Carbon. Pero hindi ko alam na ikaw pala yung traydor na magiging daan sa pagtatagumpay ni Nitrougal. Ang galing mo ding magpanggap no? Kayo ng pamilya mo? Si Thorium ba kasabwat niyo rin? Eh si Curium?", hindi ko na mapigilan yung sarili ko sa sobrang galit. Gusto ko siyang sunugin ng buhay katulad ng ginawa ko kay Chlorine noon.

Gusto kong ipalasap sa kaniya kung ano ang kaya kong gawin.

Gusto ko siyang durugin.

Although he holds a portion of my life, I still cannot forgive him.

Actinides are the serpents hiding in Nitrougal's lair, wearing a cloak of faithfulness yet lying beneath the arms of a sinful demon.

Enriquez' POV

Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pero I kept holding onto my emotions.

Nasasaktan ako hindi dahil sa sinasabihan niya ako ng mga masasakit na salita, nasasaktan ako dahil alam kong nasaktan ko ang taong pinakamalapit sa akin.

You heard it right.

Ever since Mom died, hindi ako nakikipag-usap nang matagal sa kahit na kanino, kahit pa sa kapatid ko na si Curium. Siguro si Krypton lang noon ang pinakamatagal kong nakakausap. Simpleng tango at iling lang ang sagot ko. Kapag mahaba yung tanong, nilalayasan ko nalang sila. I was weird but Krypton brought me to Carbon and suggested that she should send me a mission. Para maaliw naman daw ako ng konti. And she gave me the mission that brought me back to my senses.

Hindi ko nga alam kung bakit ang gaan gaan ng pag-uusap namin nung simula palang. Parang hindi ako ang sarili ko kapag kaharap ko siya. Siguro, kasi nahulog na ako sa kaniya noong una pa lang? Pero hindi ko pa makumpirma.

Natauhan ako na hindi ko kailangang makulong sa nakaraan dahil may hinaharap pang naghihintay para sa akin, para sa ating lahat.

I've never betrayed the realm. It's just Dad is still my father and even though he has been making plans with Nitrougal since then, I am still protecting his name, our family. Even if I cursed him many times. I hate him so much for killing Mom, but I still care for him. I know that he still has the Dad that I've been laughing and playing with when I was a kid.

Sige. Treat me as a traitor.

Ako na ang lalayo.

I'll let you have in your minds that I betrayed you all.

Atleast, I lessened your headaches.

Atleast, I gave you a hint in Nitrougal's plan. I think that's the best way I can help you.

I sacrificed for Caron. I sacrificed the most important person in my life.

"Look. Th--"

"Ano pang ipapaliwanag mo?! Ha? Sige. Sabihin mo! Na espiya ka ni Nitrougal at isa ka rin sa kanila?! Alam mo, kung sinasabi mo na yung tatay mo lang ang kasama ni Nitrougal, then why are you trying to protect him? Huh?! Bakit mo pinagtatakpan ang alam mong mali?!"

Sa mga sinasabi niya na iyon, tumindi pa lalo ang apoy na pumapalibot sa kaniya at tumulo nang marahan ang kaniyang mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Bumibigat lalo yung pakiramdam ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako yung dahilan ng pag-iyak ng babaeng pinakaimportante sa buhay ko.

Sana mapatawad mo pa ako, Caron.

(Go back to the upper part of ECCENTRIC NOBLE and in there, it was revealed that Uranium/Gill Enriquez' dad has something to do with Nitrougal.)

Vocabulary:
Legionnaire - synonymous ng SOLDIER. As in sundalo. Pinasosyal lang para fiction na fiction story ang datingan, ganern!

Nga pala, HAPPY 1.3 K READS!!!

Wooh! Magpapamilk tea ako! Charot.

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon