Home Again

45 23 0
                                    

Enriquez' POV

Busy ang lahat sa kwarto. Review dito, review doon. Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang graded recitation.

Pero hindi yun ang inaalala ko ngayon.

Bakante nanaman ang upuan ni Caron. Pati rin nga pala yung katabi kong mayabang na may gusto yata kay Caron. Duda ko nga na magkasama sila eh.

Napagpasyahan kong pupunta ako sa bahay nila ngayon. Kaya tumayo na ako.

"Saan ka pupunta, Mr. Enriquez?", tanong sa akin nung teacher namin sa Chemistry.

Tss. Madali lang gumawa ng excuses no. Simpleng "Ma'am, magbabanyo lang po ako sa labas", sapat na eh.

"O sige, Mr. Enriquez. Basta bilisan mo dahil may graded recitation pa tayo. Randomized ang pagtawag ha.", paalala pa sa akin ng teacher.

Para namang may pake ako sa subject niya. Mas marami pa akong alam sa chemistry kaysa sa kanya. Yung mga itinuturo niyang simpleng notations? Basics lang yun eh. Mayabang na kung mayabang, pero totoo naman eh. Nagsimula na akong maglakad sa hallway at binuksan ang smartphone upang makita ang monitor ng contact lenses ni Caron. O ayan, nakabili na ako ng cellphone, kahit hindi katulad nung sa nanay ni Caron. Ang mahal eh. Mamumulubi ako.

Bakit ganun? Parang umuulan-ulan na screen ng TV? Wala kayang signal?

Sabagay, 3 kilometers lang naman kasi yung range ng signal nito kaya siguro malabo.

Bigla akong nilamig.

May paparating...

"Well, tingnan mo nga naman. Andito ka pala Uranium.", bati sa akin ni Chlorine, ang kanang kamay ni Nitrougal.

"Anong balak mo dito? Wala dito si Caron. Subukan mo lang na galawin siya at ako ang makakaharap mo.", banta ko sa kaniya. Hindi dapat nila makuha si Caron.

"Chill ka lang. Alam ko namang wala siya dito eh. Nakabalik na siya. Alam na ng lahat yon. Mukhang late ka yata sa balita, Uranium?", pang-aasar niya sa akin.

Teka...

Nasa Italy na si Caron? Paano?

Bakit hindi man lang niya sinasabi?

"Hindi totoo yan. Pakana mo nanaman yan para mahulog ako sa bitag mo."

"Ede huwag kang maniwala. Tawagan mo siya. Tingnan ko nga kung macontact mo sya.", panghahamon niya sa akin. Aba't sinusubukan talaga ako nito.

Idinial ko ang numero ni Caron atsaka ko siya tinawagan.

"Sorry, hindi sapat ang iyong load balance para magpatuloy sa tawag na ito."

Walang load? Imposible!

"Ano ba yan! Wala ka naman palang load!", pagyayabang ni Chlorine.

"Kala mo naman kung sinong may cellphone. Eh wala naman.", banat ko rito. "Kaya naman pala eh! Sim1 yung napindot ko, Sim2 nga pala yung may load."

"Sus. Engot.", singhal ni Chlorine.

Agad kong tinawagan si Caron at sinagot ako ng "Sorry, the number you dialed is now unattended. Please try your call later. Tooot."

"Kitams? Sabi ko sayo, nandun na sila. Kaya nga walang signal eh.", pagmamagaling niya pa sa akin.

Oo. Alam ko namang walang signal sa lugar na yun. Isa nga sa dahilan ng paglayas ko yun eh. Ang makaranas ng internet connection. Gusto kong maexperiemce ang Twitter, Instagram at Facebook dahil sabi sa akin ni Curium ay masaya daw yon. Para hindi naman ako magmukhang tanga.

"Malay mo naman, nadead bat lang yung telepono niya diba?"

Napailing nalang siya tanda ng di pagsang-ayon sa akin. Agad na nag-anyong hamog at naglakbay na sa hangin.

_________________________

Pumasok ako sa nilikha ko noon na hologram brick wall. Mukha talaga siyang totoo pero light projections lang naman sila na kayang-kayang tagusan ng kahit anong object pero para mas safe, ang sinumang normal na tao ang mangahas na pumasok ay mapupunta sa 4th dimension at makukulong habambuhay.

Isang roller coaster ride nanaman to. Sanay na ako.

Matapos ang ilang minutong makapigil hiningang pagsakay, narating ko na ang 2nd Dimension kung saan naroroon ang mga kauri namin.

"Oy pare! Welcome back!", bati agad sa akin ni Yttrium. Siya nga pala yung tagapagbantay ng portal at tagasabi kay Beige Rogers kung sino ang dumating. Yun kasi ang kapangyarihan niya, ang magtransmit ng soundwaves sa anumang gustuhin niyang lugar. Royal messenger nga ang tawag sa mokong na to eh.

"Dumating na ba yung anak ni Beige Rogers?", tanong ko sa kaniya.

"Oo naman! Kanina pang madaling araw!"

Kaya naman pala kahapon pa siya absent. Bumiyahe na pala.

Naglakad ako patungo sa namumukod-tanging estruktura kung saan nananahan ang namumuno sa aming lahat. Ang dating asawa ng namayapang si Richard Coates.

Naabutan kong nagbabantay si Thorium, second cousin ko. Mula nga pala kami sa Actinides, pero mas kilala kami bilang mga Generals. Dahil narin ang buong pamilya ay kabilang sa hukbong sandatahan at ang karamihan sa amin ay mga heneral ng iba't-ibang distrito. Ang District 1, 2, 3, 4, at 5.

Ang district 1 ay naka-assign sa pagsasanay ng mga baguhan. Ang district 2 sa hilaga, 3 sa timog, 4 sa kanluran, at 5 sa silangan.

Bigla kong naramdaman na may kung anong malamig na nakapatong sa balikat ko.

May masama akong kutob kaya agad kong inipon ang nuclear power ko sa aking kamay at bumuo ng isang bilog na kayang pasabugin ang dalawampung toneladang truck.

"Sino ka?", tanong ko.

Hindi siya nagsalita pero ang biglaan naming paglutang sa ere ang nagsilbing tugon niya.

"David, ibaba mo ako kundi, kukuryentihin kita.", banta ko sa kaniya.

Naramdaman kong napakamot siya sa ulo niya at sinabing, "Tss. Ang kj mo naman."

Unti-unti na kaming bumababa mula sa langit.

"Bakit mo ako sinundan?", tanong ko sa kanya.

"Bakit? Ikaw lang may karapatang pumunta dito? Hindi naman ata tama yon."

Hay nako. Bahala siya.

______________________


"Oh, Uranium. Andito ka na pala. Thank you nga pala sa pagpapaliwanag sa anak ko at pag-udyok na rin sa kanya na pumunta rito.", salubong sa akin ni Beige Rogers o mas kilala bilang Carbon.

"Walang anuman ho."

"Oh, ano ba gusto mong kapalit ng serbisyo? Pwesto sa pamumuno? Pera? Sabihin mo lang.", pang-aalok niya sa akin.

Ayoko ng kahit anong luho at kapangyarihan.

"Wala akong hinihinging kapalit. Basta wag niyo lang idadamay ang mga Actinides.", sabi ko. Basta walang mangyayari sa pamilya ko, okay na yun.

"No, I insist. You know, mahirap ang pinagawa ko sayo lalo na't walang kaalam-alam tungkol sa atin ang anak ko. Pero alam kong ipinaintindi mo sa kanya ang lahat. Kaya ibibigay ko ang kahit anong gusto mo.", pagpupumilit niya.

Sige na nga. Sayang din naman kung tanggihan ko ang grasya diba?

.....

Nakapag-isip na ako.

"Gusto kong ibigay mo sa akin ang Maximus Orvium."

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon