I can barely remember his face...
Puno ng pangamba ngayon ang kalooban ko.
Ang kanyang nakakikilabot na maskarang tumatakip sa kalahati ng kaniyang mukha. Nanlilisik na matang handang pumatay ng sinuman at ang kasamaang nababalot sa kanya.
Sino ba siya?
Anong kinalaman ko sa lahat ng 'to?
Kailangan ko na talagang malaman ang kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko. Hindi ko na kakayanin pa.
Tutal dalawang araw nalang naman ang natitira para dalhin ako ni Enriquez duon eh. Mas mabuti nang ako nalang mag-isa ang magpunta...
Para hindi mahal ang pamasahe!
De joke.
Mas gusto kong ako nalang para wala nang madamay pa. Lalo na't alam kong may binabalak sa akin yung Nitrougal na yun at naghihintay lang siya ng tamang tiyempo.
_______________________
"Manong, magkano ho yung metro?", tanong ko sa taxi driver.
"Ah miss, P2803.72 lang.", sagot nito.
"Ano? Bakit 2000? Eh galing lang naman ako dyan sa bungad ah? Ako ho ba'y pinaglololoko niyo?!", grabe biglang na bad mood ako ngayon.
"Eh yan po kasi yung nasa metro, sumusunod lang po ako.", katwiran pa ni manong.
Habang nagbabangayan kami ni manong eh bigla kong napansin yung piraso ng yero na nakaipit sa metro.
"Kuya bakit may yero dyan?"
"Ah, nakuha ko lang sa upuan. May nakaiwan kasing pasahero eh."
Agad kong hinugot yung yero at biglang nag-iba yung mga numero sa metro. Naging P57.21 nalang.
"Sinasabi ko na nga ba't may daya yang metro niyo."
"Parang awa niyo na po ma'am, may pamilya pa po akong pinapakain. May 3 pa po akong anak na pinag-aaral sa kolehiyo. Nangungupahan lang po kami sa Tondo. Mayroon po akong acute bronchitis. *ubo* Huwag niyo po akong ipapupulis.", nako, grabe naman tong script ni manong. Pwedeng-pwede nang manalo sa Oscar Awards. Talo pa si Leonardo de Caprio sa pagka-best actor.
Agad kong tinitigan yung metro niya at unti-unting kumakawala mula sa mga maliliit na butas ang maninipis na usok. Hindi rin nagtagal ay nagliyab ito ng kumikinang na kahel.
"D-demonyo.", yaon na lamang ang tanging nasambit ng driver at ako'y naglakad na paalis na hila-hila ang kulay abo kong maleta.
_______________
"We may call on the passengers of plane AT-617, the flight will start 30 minutes from now.", sabi ng announcer. Kailangan ko nang magmadali.
*blagg
"Oops.", sabi ng lalaking nakatayo sa harapan ko.
Natapon yung kapeng iniinom ko, bwisit.
"Ano bang problema mo?"
Nang makita ko ang mukha niya ay bigla nalang akong natulala.
"Paanong--", yun na lamang ang salitang nasambit ko nang magtagpo ang mga mata namin.
Ang kaniyang mga matang kulay luntian na mistulang mga damo sa parang at ang kaniyang mga labing maputla.
Ang kaniyang mukhang perpekto ang pagkakahulma at ang pananamit na hindi pangkaraniwan ngunit malakas parin ang dating...
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Ficção CientíficaElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...