Mechanical

132 30 2
                                    

Pupunta ako ngayon sa hideout ni Enriquez.

At eto nanaman yung eskinitang sobrang daming likuan.

"Oh my God."

Shocks. Sobrang daming tao sa sementeryo.

Well, ano bang ieexpect ko eh undas ngayon. Jusko.

Ano ba yan!

Ang hirap naman hanapin nung puntod!

Ang dami kasing tao eh!

Well, bakit nga ba ako nagpapakahirap na magpunta sa kanya???

Gusto kong malaman yung tungkol sa lahat ng kakaibang nangyayari.

Alam kong may kinalaman siya sa lahat-lahat.

"Enriquez!", hiyaw ko matapos makalabas ng tunnel.

"Hmm?", nakita kong abala siya sa pagchecheck sa dugo ni Verdana.

"Pakinggan mo ako."

"To whom can read this,
I felt so sorry for all those hurted by my lost. I am now happy from where I am. I am now about to face eternity. I know it's too early but I thought it would be best for you. I am doing all these things for you. I know I gave you suffering from those who judges who you really are. This is now the right time to travel back and search for your origin. You're no ordinary person, you're special. In this world, only a hundred would be chosen for that fate. And that is where your life will just begin."

Matapos kong banggitin yung sulat ni Verdana ay napahinto siya sa kung anumang ginagawa niya.

"S-sulat ba 'yan ni Verdana?", tanong niya.

Aba. Eh bakit nauutal-utal pa 'to ngayon?

"Uhm. Oo?"

Huminga siya ng malalim at para bang may nakaambang sasabihin na kagimbal-gimbal.

"I think ito na ang tamang oras para sabihin ko sayo ang lahat. Ang lahat-lahat ng nalalaman ko."

___________________

"Caron! Caron!", narinig kong may sumasambit ng pangalan ko mula sa likuran.

Agad akong lumingon at nakita kong tinatawag pala ako ni Viner.

Lumakad ako papunta sa kaniya para alamin kung bakit niya ako tinatawag.

"Bakit ba, Viner?", tanong ko.

"May dapat tayong pag-usapan.", at hinila niya ako agad palayo.

Sumakay kami ng elevator.

Pinindot niya yung 6th floor.

Rooftop yun ah?

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad na kaming tumakbo palabas.

"Anong problema nito?"

Hinila niya ako paupo sa tent ko.

"Ano bang kailangan nating pag-usapan?", inip kong tanong sa kaniya.

Aba'y kailangan kong magreview! May test pa kami mamaya sa Social Studies!

"Yung katawan ni Verdana, nawawala."

Napakatagal bago magsink-in sa utak ko yung sinabi niya.

Noble #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon