Sobrang sarap ng pakiramdam na mag out of town. Feeling ko sobrang laya ko. Yung pwede kong gawin ang kahit ano. Kahit tumalon mula sa mataas na building na alam kong mamamatay ako.
Sobrang payapa ng lugar na to. Hindi ko akalaing magiging ibang-iba ito kaysa sa bayang pinanggalingan ko.
Nadaan kami sa riverbanks na nasa tabi lang mismo ng kalsada. I saw the colorful gondolas with lovers sitting in.
Nakita ko rin yung sikat na Ponte Vecchio na isang tulay ngunit parang maliit na market.
"Walang forever! Maghihiwalay din kayo!", hiyaw ko sa loob ng kotse kahit hindi naman ako naririnig ng mga tao sa labas. Bitter na kung bitter.
Napansin ko na parang tumahimik sa loob ng kotse. Paglingon ko, tinitingnan na pala ako nung Greek na babae at ni Centaur.
"What did she say?", tanong nung babae kay Centaur habang minamaneho ang kotse.
"Uhh, nothing. She just got overjoyed by the sight.", sagot naman nito.
"Okay. I thought I just heard something like forever.", sabi nung babae.
Minutes later, we stopped over a brick wall. Dead end to ah?
"Hey miss, why did you bring us here?", tanong ko.
"I forgot to introduce myself first. Sorry for my disrespect. My formal name is Vanadium but you can never call me on my real name.", sabi niya. Shit, nosebleed. Hindi ko pa naman kering mag-english like a pro. "Buckle your seats up, guys. For you will experience death."
Bigla tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya.
Sino ba namang hindi takot mamatay diba?
Muli niyang binukas ang makina. Nagsimula ng umugong ang sasakyan, at palakas ito nang palakas hanggang sa mabingi na kami ni Centaur.
Napatakip nalang ako sa aking tainga at baka bukas makalawa ay may nakakabit na sa aking hearing aid.
Nagulat ako nang umabot na ang speedometer sa 220 kph. Imagine, paugong palang ng kotse yun.
At ang ikinatatakot ko pa ay hanggang ngayon, nasa harapan parin kami ng isang pader na gawa sa parihabang mga bato. Hindi kaya mawasak ang pader at mapahamak kami?
Naku naman..
Bakit pa kasi ako nagtiwala sa babaeng to eh.
"Don't worry, Coates. This won't owe you scratches."
Agad kong kinalabit si Centaur na ngayon ay kasalukuyang hinihigpitan yung seatbelt niya. Duwag din pala tong isang to eh.
"Uy, ano daw yung sabi?"
"Engot naman nire. Sabi nung babae, huwag ka daw mag-alala. Hindi ka naman daw mapapano.", pagtatranslate niya. No choice ako. Lagi akong bagsak sa English eh.
Tapos biglang...
"Aaaahhhhhh!!!!!!!", bigla kaming nagtitili sa loob ng sasakyan.
Para kaming nasa roller coaster na iba yung feeling. Parang pinaghihiwa-hiwalay yung laman-loob sa katawan at kaluluwa mo.
Pero biglang tumigil yung sasakyan. Bumagal yung pagtakbo at napansin kong palutang-lutang lang pala kami sa kawalan.
"What happened?", tanong ko sa babae.
"I don't know. We were supposed to be as fast like lightning. What happened? Maybe 92 didn't check the machine before he left.", mukhang wala siyang alam sa nangyayari. Mukhang hindi niya inaasahan.
Lumingon ako kay Centaur na walang karea-reaksyon. Alam kong normal na tao siya na hindi katulad ko pero diba dapat nagpapanic na siya ngayon kasi hindi pangkaraniwan yung nakikita niya ngayon hindi ba? Masyadong ahead sa technology na ipinapakita in public.
"Chill. Makakarating din tayo sa pupuntahan niyo, mag-intay lang kayo."
"Chill-chillin mo mukha mo. Para namang may magagawa ka.", hirit ko sa kanya. Masyadong mahangin, wala namang alam.
"Diba pupuntahan mo yung family friend niyo? Bakit sumama ka pa dito? Siguro may balak kang ipapatay ako kaya mo tinutunton yung address ng tutuluyan ko. Iba ka ring mag-isip eh."
"Oy, ikaw nga tong malawak ang imahinasyon. Kung ano ano naiisip mo. Kaya ko bang ipashoot-to-kill yung future wife ko? Pahug naman diyan oh. Yiieh!", sabay ambang yayakap sa akin.
Agad ko siyang itinulak palayo dahil masyadong nakakaasiwang tingnan. Baka kung ano pa isipin ni Vanadium sa amin.
Napaisip ako na sa tinagal-tagal naming magkaklase ni Centaur, ngayon lang kami nagkasama ng matino. Yung natural lang, walang school atmosphere. Yung feels na dapat ganito yung image mo, walang ganun ngayon.
Totoo kaya yung matagal niya nang sinasabi sa akin? Mahal niya daw ako? Pwe. Mahal mahal. Wala ngang forever diba?
"Oy Centaur, may baon ka bang cand--", naputol ang pagsasalita ko at napatili nalang ako dahil bigla nanamang umandar.
"Hahaha. Ano nga ulit yun?", pang-aasar niya pa.
Patuloy parin ako sa pagtili pero naisingit ko parin yung mga katagang, "Humanda ka sa akin mamaya, tandaan mo yan."
________________________
"We're here.", masiglang sabi ni Vanadium.
Ako naman ay agad na binuksan ang pinto ng kotse dahil hindi ko na kinaya. Nasusuka na talaga ako. Alam niyo yung hudyat na masusuka ka na?
1. Mahihilo at dudukdok nalang para maibsan.
2. Aayaw ka sa mga pagkain at ngunguya nalang ng candy.
3. Malalasahan mo na may pagkamatamis yung lasa ng laway mo.Yan. Yan yung mga naranasan ko kanina. Grabe.
*bwaakk
Sinukahan ko sa damit si Centaur.
"Hoy, ano ba problema mo?", bulyaw niya sa akin. Halatang inis na inis siya kasi mukhang mamahalin yung suot niya.
Buti nga sa kanya. Talagang sinadya ko yun. Gagantihan ko nga kasi siya diba?
Bahala na. Isip bata na kung isip bata. Basta nakaganti ako sa kanya.
Nang punasan ko yung bibig ko ay literal akong napanganga sa nakita ko.
"Where are we, Vanadium?", tanong ko.
"We are in your home, Caron."
Sobrang namangha ako sa nakikita ko.
May iba't-ibang time frame ang bawat lugar. Mayroong umaga at mayroon ring gabi. At ang mga kabahayan ay may iba't-ibang range ng kulay. Color codings? Siguro. Sobrang nakakamangha.
Isang tingin mo palang sa mga tao dito, alam mo na kung sino ang magkakasama. Dahil parang mayroon silang mga pagkakahalintulad sa mga features nila sa katawan.
Kagaya nung isa na yon na may kulay asul na diyamante na nakabaon sa braso, may nakita rin akong isa na nakabaon naman ang asul na diyamante sa batok.
Napansin kong nandito pa pala si Centaur.
"Uhm, Vanadium, is it okay for him to see our place? You know, it's different right? And we have different abilities, he must not see it right?", pagkokonsulta ko kay Vanadium.
"You don't know? He's Europium anyway.", sabi niya sabay turo kay
Centaur?
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Science FictionElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...