Caron's POV
Hindi na ako matigil sa pag-iyak ko. Para akong namatayan ng anak sa itsura kong to. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiyakan samantalang siya ang tumraydor.
Ni katiting, hindi ko siya pinaghinalaan. Tapos malalaman-laman ko na kaya pala laging updated si Nitrougal sa mga kaganapan dito ay dahil sa kanya?
Tapos pati si Mama, nadamay pa.
Hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko kung isang araw lang ay malaman kong patay na si Mama.
*tok tok
Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at pinagmukhang ayos lang ang lahat.
Inayos ko ang kama, ang mga gamit na nakasabog sa lapag at ang mga contact lenses na ikinabit niya sa akin noon ay itinapon ko na rin sa basurahan.
Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan kung sino man ang nambubulabog sa pag-eemote ko ngayon.
Si Vanadium pala.
"Ang tagal mo naman atang buksan yung pintuan. Ano bang nangyari sa'yo Caron?" sabi ni Carbon.
"W-wala," sabi ko at agad ko nalang siyang tinalikuran para itago ang namumugto kong mga mata.
"Alam ko ang nangyari. Wag mo akong talikuran. Sinabi sa akin ni Europium ang lahat," sabi ni Carbon at iniwan na kaming dalawa ni Vanadium sa loob.
"Napakadaldal talaga ni Centaur. Kainis," bulong ko sa aking sarili.
"Hindi mo naman masisisi kung ganon siya. Actinides are his family. Hindi niya na matatanggal sa dugo niya. Hindi mo siya masisisi kung pagtatakpan niya yung tatay niya kahit alam niyang mali kasi yun ang sa tingin niyang tama. If I were in his shoes, I would also do exactly what he did. May kasabihan ngang blood is thicker than water diba?"
"Marunong ka naman palang magtagalog, pinapahirapan mo pa ako noon!"
Jusko. Marunong naman palang magtagalog. Ginago pa ako.
"Hehe peace," sabi niya sabay peace sign at pacute sa akin.
"Kung di ka lang maganda, baka sinapok na kita eh," biro ko sa kanya.
"Yan, kahit konti lang. Ngumiti ka na rin sa wakas. Kanina kasi parang pinagsukluban ng langit at lupa yang mukha mo e."
"Nah. Wala naman akong pake sa itsura ko e."
At tumahimik nanaman ang kapaligiran. Hindi ko namalayan na nakatayo parin pala kaming dalawa kaya nahiga nalang ako sa kama at sinukluban ng kumot ang buo kong katawan at siya nama'y naupo sa swivel chair sa may lamesa.
Alam ko namang ipinagtatanggol niya lang si Enriquez. Bukod sa malapit sila sa isa't-isa, may gusto rin naman siya dito at pansin ko naman yon.
"Wag mong isiping pinagtatanggol ko siya. Yun ang iniisip mo, tama?"
Paano niya nalaman?
"Halata sa mukha mo na hindi ka naniniwala. Pero trust me, kaibigan rin naman kita at pareho kayong importante sa akin."
Sabagay, may punto siya. Pero hindi ko rin maatim na ang isa sa malapit kong kaibigan ay isa pala sa mga balak pabagsakin ang mundo na to?
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Science FictionElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...