Isang malakas na puwersa ang bumalibag sa aming tatlo palayo sa kompyuter.
"Anong nangyari?", agad kong pinilit na tumayo kahit na sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakabagsak.
"Mas makapangyarihan pa pala 'to kaysa sa inaasahan ko.", lutang na sagot ni Enriquez.
Huh? Makapangyarihan? External? Isang storage; makapangyarihan?
"You must be kidding me, Etticus.", dagdag pa niya. Anyways. Bumalik nanaman siya sa pagiging English-ero niya. Hayy.
"Close kayo?", sabat naman ni David.
"Huh? M-may sinabi ba ko?", parang nagulat pang sagot ni Enriquez.
"Nakadrugs ka ba ngayon, Enriquez? Anyare? Lutang to the max? Humitit ng morphine? Heroin? Ecstasy?", sunod-sunod kong tanong. Pwede na akong mag-apply na paparazzi neto. Haha. Matry nga minsan.
"Sabihin mo na rin kaya yung marijuana. Para more chances of winning.", pataray nitong sagot.
"Wooaah. Beastmode. Chillax ka lang pare. May period ka ngayon? Next week pa ako eh.", asar ko sa kaniya. Sobrang bipolar eh. Kanina sobrang mala-Kuya Kim (sobrang informative), tapos ngayon, para nang kontrabida sa mga teleserye.
Itry ko kayang ibalibag yung ulo nito sa center of the earth? Baka sakaling matauhan ng bongga.
Pero wait. That makapangyarihan thing; ano ba ibig sabihin nung sinabi niya na yun?
"Gill, baka nadetect nung drive yung genes natin. Hindi kasi tayo Coates.", paliwanag ni David kay Enriquez.
"Siguro ganun nga. Siguro nga na defense mechanism lang ng drive yung nangyari kanina para protektahan yung laman niyan.", pagsang-ayon ni Enriquez.
"Kung defense mechanism lang yan ng drive. Try ko ngang isaksak. Tingnan natin kung gagana.", agad silang nagsitabi para bigyan ako ng way. Manginig-nginig kong hinawakan ang plug at unti-unting isinasaksak sa port.
*drum rolls*
Wait! Bakit ayaw?
"Tangeks ka talaga. Syempre, hindi mo maisasaksak yan. Kasi naman, baliktad kaya.", pantataray sa akin ni Enriquez. Hay nako. Magmemenopause yata tong tao na to eh. Beastmode lagi. Hindi pala. Bipolar pala ang tamang term. Minsan patawa, minsan seryoso, pero madalas beastmode. Hay nako.
Hahawakan niya na sana yung plug nang...
"Wag mong hahawakan yan!", agad kaming napalingon. Naks. First time kong narinig na humiyaw si David.
"Huh?", laking taka ni Enriquez.
"Di pa ba obvious? Syempre, sabi mo nga kanina na baka nadetect yung genes mo. Tapos hahawakan mo ulit yan ngayon. Edi tatalsik lang ulit tayo palayo. Ang hina mo talaga, tsk.", paliwanag nito. Eto, isa pa tong mahangin eh. Kamakailan ko lang nadiskubre.
Pero tama naman siya eh. Baka mamatay na kami sa susunod na pagtalsik namin. Baka pati mga baga at balun-balunan namin eh magsitalsikan na din.
"Ako na nga! Tabi kayo. Shoo.", pantataboy ko sa kanila. This time, hindi na ako nag-aalinlangan pa na isaksak yung plug. Basta. Nafefeel ko lang na magtatagumpay kami ngayon. Pwe.
"And voila. Those are just classical movies from '80s.", sarkastikong reaksyon ni Enriquez. Kahit kailan talaga.
"Baka naman may nakatago diyan.", tugon naman ni David.
"Ako na ang hahanap.", at nagmagaling nanaman po si Enriquez. Kukuhanin niya na sana yung mouse nang bigla namin siyang hiniyawan ni David ng, "Sabi nang hindi mo nga dapat hawakan yan eh! Ang kulet!"
Agad niyang tinakpan ang mga tenga niya. Siguro nabingi ng bongga.
Then, ako ulit yung humawak nung mouse.
Naalala ko yung nakita kong note noon. Yung nakasulat lang eh 'STABILIZE'. Nakita ko yun somewhere dito eh.
(Refer to Chapter 1 : Newcomer)
Yun! Yun yung unknown folder noon!
Agad ko itong pinindot.
Naglipana sa screen ang mga numbers na hindi ko naman maintindihan. Ang alam ko lang, 1 at 0 sila.
"Ano to?", tanong ko. Pasensya na. Inosente eh.
"Binary codes yan, Caron. Siguro kailangan natin yang idecode.", sagot ni David.
"May marunong ba sa ating umintindi niyan?", tanong ko ulit.
"Hindi ako."
"Hindi rin ako."
So wala kaming magagawa.
Pero napanood ko yung isang episode ng Jimmy Neutron na parang ganito eh. Maitry nga.
"Oy, nanonood ba kayo ng Jimmy Neutron?"
"Pwede ba Caron. 5 araw nalang ang natitira satin. Wag ka na ngang makipagkwentuhan.", sabi ni Enriquez. Badtrip.
"Ano yung 5 araw? Ano yun?", agad kong tinanong. Bakit may palugit? Huh?
Gill Enriquez' POV
Huminga ako nang malalim matapos kong masabi ang nasambit ko. Siguro dapat niya nang malaman kung bakit ako nandito.
(Refer to Chapter 6 : Reasons. Ifinlashback ng konti yung scenes ni Beige/nanay ni Caron at Gill.)
"Makinig ka muna sa akin. Noong nasa Venice pa ako, ipinatawag ako ng pinuno ng mga Noble kahit na nabibilang siya sa Carbons. At yun ang nanay mo. Si Beige Rogers. Sa pagkakaalam ko, matapos lisanin at kalimutan ng ama mo ang pagiging isang di pangkaraniwang tao, nagkaroon na ng mali. Ang sakim na ama ng iyong ina na si Gregor ay pinamunuan ang nasasakupan ng mga katulad natin. Itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari at nagpakasasa sa kayamanan ng mga tao. Ngunit nag-alsa ang mga tao at siya'y napatay. Pumalit sa puwesto ang kaniyang anak na si Beige. Itinalaga niya ang bawat pamilya sa iba't ibang tungkulin. Ayon narin sa uri namin. Kami ang naging Actinides Family o ang mga legionnaires ng 2nd dimension. Ang imperyo ngayong kaniyang pinamumunuan ay nakaorganisa sa kung ano dapat ang paglagyan. At ngayon, iniutos niya sa akin na ipahanap ka dahil sa hindi ko malamang dahilan. At binigyan niya ako ng tatlumpung araw para maibalik ka sa Italy sa lalong madaling panahon. 5 araw nalang ang natitira. Kailangan na nating maghanda."
"Ahh. So siya pala ang dahilan kung bakit sobrang gulo na ng mundo ko ngayon. Yung tatay nga pala nung sinasabi mong nanay ko. Nanay namin ni Etticus, I mean. Hindi ba siya katulad natin? Pero siguro GM nalang yung ginamit sa kaniya. Yung binary nga pala. Pwede niyo bang iprint yun? May gagawin lang ako.", utos niya sa akin.
Agad ko namang ipinrint ang mga code. Laking gulat namin na ang lumabas ay hanay ng mga salita.
"Tell me what you were once, I'll tell you it's three."
"Putspa. Anong klaseng bugtong to?", ano nanaman bang pakana ni Etticus?
*growls
"Ano yun?", tanong ni Caron.
"Tiyan ko yun. Labas muna ako. Bibili lang ako ng makakain."
Lumabas ako dala-dala ang kani-kanina lamang na inimprentang papel. May napansin akong kakaiba sa papel. Parang may iba pang nakasulat.
Tinitigan ko itong muli. Itinapat ko ito sa araw upang makita kong mabuti. Nagulat ako nang maglipana ang mga letrang hindi ko inaasahan.
B U O H
![](https://img.wattpad.com/cover/53043214-288-k797401.jpg)
BINABASA MO ANG
Noble #Wattys2016
Science FictionElements are the greatest source of power in the universe. But what if suddenly, you got implanted by an elemental gene, Phosphorus? A genetic material that will transfer an element's capabilities to its chosen body. Will you use it for rapacity...