Chapter 2 Part 2

416 12 0
                                    

"DANICA SOLOMON. Seventeen years old. Going on eighteen sa December twenty. Contemporary Literature student. Sa dami ng klase niya ay tatlo lang ang nalaman kong mga kaibigan niya. Dalawang babae at si Eugine. Hindi siya nagpupunta sa mga event at party na inoorganisa ng school. Hindi rin dumadalo sa mga party o lumalabas kasama ng ibang estudyante. Aloof at pagkatapos ng lahat ng klase niya ay umuuwi na agad."

"Kung ganoon bakit sila magkakilala ni Eugine?" takang tanong ko kay William.

Tapos na ang mga klase at ngayon ay nakatambay kami sa isa sa mga paborito naming hang out place sa gabi – ang Magnus Pub. Isa iyong pub na ang target customer ay mga katulad naming college students at maging young professionals.

"Naging partner sila sa isang minor subject noong first year. Buong semester silang palaging magkasama. Pagkatapos noon, kahit hindi na sila magkaklase ay may mga nakapagsabi sa akin na si Eugine daw mismo ang kusang humahanap at lumalapit kay Danica," patuloy ni William. Pagkatapos ay may iniabot siya sa aking isang puting papel na may printed time table. "Ito ang class schedule niya. Hindi ko alam kung saan siya tumatambay kapag free time niya pero siguro naman malapit lang sa classroom kung saan siya nagkaklase."

"Good job," masayang sabi ko at inabot ang papel. Malaking tulong na alam ko ang schedule niya. Para alam ko kung paano at saan susulpot para magtagpo ang mga landas namin. Seducing her will be much easier that way.

Naalis lang ang tingin ko sa papel nang maramdaman ko ang paglapit ng isang grupo ng mga kababaihan sa mesa namin.

"Hi, Thorne! Join naman kami sa inyo. Anong pinag-uusapan niyo?" masiglang bati ni Sabrina at umupo sa tabi ko. Kumapit agad siya sa braso ko, idinikit ang katawan sa akin at mapang-akit na tiningala ako. "And then let's dance later, ha?"

Ngumiti ako pero hindi pumayag at hindi rin tumanggi. Ex-girlfriend ko si Sabrina. At kahit matagal na kaming hiwalay ay hindi niya itinatagong may pagtingin pa rin siya sa akin. Pero may rule ako sa pakikipagrelasyon. Hindi ako nakikipagbalikan sa naging ex ko na.

"Ano iyang hawak mo, Thorne?" tanong ng kaibigan ni Sabrina habang nakatingin sa papel na hawak ko. Itinupi ko iyon at nagkunwang balewalang ibinulsa iyon.

"Just a scratch paper," sagot ko.

"Scratch? Mukhang class schedule ah," sabi ng isa pang kaibigan ni Sabrina na mukhang nasilip ang papel bago ko pa maitago. Nagkibit-balikat na lang ako, inabot ang bote ng San Mig Light sa mesa at uminom. Si Sabrina ay naramdaman kong natigilan at napatitig sa mukha ko.

"Sino na naman ang flavor of the week mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Sabrina.

Umangat ang mga kilay ko at sinulyapan siya. "Paano mo naman nasabing may flavor of the week ako dahil lang sa isang class schedule?"

"I know you. Bago ka lumapit sa isang babae na interesado ka ay inaalam mo muna ang lahat ng tungkol sa kaniya na maaari mong malaman. Tell me. Baka kilala ko," giit pa rin ni Sabrina.

Natawa ako at napailing. "Malabong kilala mo siya. She's not in our circle."

"Sino nga, Thorne?" tanong naman ng mga kaibigan ni Sabrina.

"Si Danica Solomon," si William ang sumagot. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom dahil alam ko namang malabong kilala nila ang babae. Kaya nagulat ako nang manlaki ang mga mata ng tatlong babae sa rekognisyon.

"Danica Solomon?! That bitch is your flavor of the week?" manghang bulalas ni Sabrina.

"Kilala niyo siya?" manghang tanong naman ni Armi.

"Kaklase namin siya sa English Lit. Sobrang pasikat sa prof. Masyadong bilib sa sarili. Hindi marunong makipag-cooperate sa iba. Ugh. The whole class hates her," sabi ng kaibigan ni Sabrina.

"Thorne, bakit siya?! Hindi siya ang tipo mong babae. She's so ugly inside and out," reklamo ni Sabrina.

Muli ay nagkibit lang ako ng balikat. Sinaid ko ang laman ng boteng hawak ko saka iyon inilapag sa mesa at tumayo. "Basta. And she's not my flavor of the week." Tiningnan ko ang tatlong babae at ngumisi. "She's my Dance date."

Napanganga ang tatlo, nawalan ng poise. Ang mga kaibigan ko naman ay napailing na lang. Lalo lang napangisi. Dahil sa totoo lang ay hindi ako na-discourage sa mga sinabi nila Sabrina tungkol kay Danica. Lalo lang tumindi ang kuryosidad ko para sa kaniya. 



CHICKBOY [His Sweetest Mistake] By: Maricar Dizon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon