BLAAAG!
BOOGSH!
PAAAK!
PAAAAK!
"Tama na po, Tama na please." pagmamakaawa ng isang batang lalaki sa mga kapwa estudyanteng sinisipa sya habang nakahiga siya sa sahig sa isang parte ng parking lot sa mismong paaralan nila.
May kalusugan ang batang lalaki , may seal siya sa kanyang polo na "3" na ibig sabihin ay Grade 3 na siya sa kanilang pinapasukang paaralan.
"Aray ko po! Tama na!"
"LAMPA! LAMPA! HAHAHAHA! DAPAT SAYO BINUBUGBOG NG GANITO!"
PAK!
"Tama na po!" umiiyak na tugon ng batang lalaki habang umaagos ang mga luha niya sa kaniyang mga mata.
Biglang tumigil ang mga batang sumisipa sa kanya at ng ibukas niya ang kaniyang mga mata ay nakita nya ang isang bata na nakikipag away sa tatlong batang inaaway sya. 1 vs. 3 ang laban. Di niya maaninag ang mukha ng bata dahil sa mga luha sa kanyang mga mata.
"TAKBO NAAAAAA!" sabi ng isa sa tatlong lalaking umaway sa kanya at nagsipagtakbuhan na nga ang mga nambubully sa batang lalake.
"Uy bata tayo na diyan!" sabi ng batang may bandanang gray sa ulo nya.
"Ha?!"
"Ay binge?"
"-__________- Gangshter"
"HAHAHAHAHA. ^__________^ "
At umupo na nga yung batang lalake habang may mga luha pa sa kanyang mata at nakita niya ang mukha ni Boy Bandana. Maganda ang mga mata, mapuputi ang mga ngipin nakacivilian siya kaya baka hindi siya estudyante dito, nag indian sit si Boy Bandana sa kanyang harapan habang nanatiling nakayuko si ang batang lalake.
---------------------------
NOTE:
BOY BANDANA on the LEFT.
BULLIED KID on the RIGHT.
-----------------------------
Nakita niya na may sugat sa kaliwang kamay si Boy Bandana.
"Uy may sugat ka oh!"
"Alam ko ^_______^ "
"Eh ba't nakangiti ka? Hindi ba masakit?"
"Masakit ^_______^"
"Eh bait nakangiti ka?"
"Ang cute ng pisngi mo ^_______^"
"Ha? Ano?" at napatitig siya kay Boy Bandana at bigla siyang namula.
"Wala -__________- Gamutin mo na lang ako oh."
"Aaaah ok sige." kinuha niya ang panyo niya sa kanyang bulsa at itinali sa kamay na may sugat ni Boy Bandana.
"Ok na ba? Masakit pa?"
"Hindi na ^_____^"
KKKKKKRRRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGGG!
"Tayo ka na diyan time na oh. Tapos na recess niyo" Tumayo na si Boy Bandana habang nakatitig si Batang lalake.
"Sa susunod lumaban ka na pag may umapi sayo ah. Wag ka na din iiyak pumapangit ka ^___^ LABAN!" sabay gesture niya ng AJA.
Ngumiti ang batang lalake kay Boy Bandana.
"LABAN!" sabay gesture niya din ng AJA.
Tinanggal ni Boy Bandana ang kanyang bandana at itinali sa noo ng batang lalake at ngumiti. Tumalikod si Boy Bandana at nagsimulang maglakad papalayo.
"BOY BANDANA! SALAMAT!" sabay kaway. Humarap ulit siya sa batang lalake at binigyan niya ito ng matamis na ngiti at naglakad na palayo. Pero may biglang nakita ang batang lalake na nahulog mula sa bulsa ni Boy Bandana. Agad tumakbo ang batang lalake para puutin ang naulog na bagay.
"Teka!" hindi na nakita ng batang lalake si Boy Bandana.
Tinignan niya kung ano ang nahulog. Isang kwintas na may locket ang nakuha niya, nang buksan niya ito ay nakita niya ang picture ni Boy Bandana.
Tumingin siya sa langit at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
"Ano kaya pangalan niya?"
Tinignan muli ng bata ang picture sa locket ni Boy Bandana.
"See you again Boy Bandana. Salamat."
------------------------------------------------------------------------------------
V O T E
C O M M E N T
-MISTER ANDROGYNOUS ❤
BINABASA MO ANG
THE FALL CHRONICLES
Storie d'amoreTHE FALL CHRONICLES: Lahat naman tayo naghahanap ng ating #HappilyEverAfter, tama ba? Pero sa mundong kinagagalawan ng mga Bisexual eh tunay bang may #HappilyEverAfter? This is not an ordinary story. Madaming twists madaming turn of events. Let's FA...