22ND Fall: I like.......you

80 3 0
                                    

KURT POV

.

"Well I guess the two of you are ready. You may now start."

.

Tulala parin ako. Teka pano? I thought.

.

I am still in shock. Akala ko mapapahiya na ako dahil wala yung report namin. But it turns out meron pala. OO HINDI KAYO NAGKAKAMALI NG BASA! MERON KAMING REPORT!

.

Nakapokerface na lang sakin si Dy habang nakatayo sa unahan. Kaya nilapitan ko na.

.

"Pano? San galing yang report na yan?"

.

"Malamang ginawa ko. Duh? Tanga tanga na naman. Akala mo naman ikaw lang may report, di hamak na mas maganda ang report ko kaysa nung sayo. Tatanga tanga ka pa naman burara pa." May binato siya sakin. YUNG FLASH DRIVE KO!

.

"Sa susunod kasi titignan mo ang dinadaanan mo baka may nahulog ka ng bagay ng di mo namamalayan. So, let's get this over with, basahin mo na lang yung slides and if may alam ka sa topic just add up some info, ako na lang sasalo sayo kapag wala ka ng mashare na info."

.

OH MY GOOOOOOOOODNESS!! Di ko alam ang sasabihin ko. Lutang parin ako. Di ko alam kung magiging masaya ako kasi may report kami at nakuha ko USB ko or dapat ako mabwisit dahil sa mga pinagsasabi niya.

.

"HEY. TULALA KA NA NAMAN SA KAGWAPUHAN KO." Nakangisi siya sakin.

.

"Kapal mo Men!" siniko ko na lang siya sa tiyan. Medyo napalakas yung siko ko kaya namilipit siya.

.

"OK the two of you tapos na ba kayo mag warm up diyan? Start na."

.

"Yes Sir." - sabay pa naming sagot. Nagtinginan kami at nagkangitian. Aba! It's a first. Ngumiti si Dymonyo.

.

So ayun na nga nagsimula na kami, nag take turns kami sa pagbasa ng slides and sharing. In all fairness ah, magaling talaga si Dy. Habang nagbabasa nga siya eh nakikita ko yung ibang babae na imbes na magtake ng notes eh nakaharap lang kay Dy at parang kinikilig na ewan! SUS MGA PABEBE!

.

After the report, puro mga magagandang feedback ang nakuha namin galing sa Prof namin. Nuxx. Nabingi ako sa daming postive comments! Hahahaha. Kami na lang ang naiwan dito sa room at ibaik daw nami sa Office yung mga equipment na ginamit namin.

.

"Oy Dy, may report ka na din pala di ka nagsabi!"

.

"Di ka naman nagtanong."

.

"Pilosopo!" medyo napangiti siya. Ok, ikalawa na. Nahihiwagaan na ako dito sa taong to' ah.

.

"Thanks." teka ano daw?

.

"What?"

.

"Wala nevermind. Bawal ulitin." Tama ba ang narinig ko? Nagpasalamat siya? Woooooow. Oh juice ko, anong nangyayari sa taong to'? May sakit pa ba to'? Nilagay ko yung kamay ko sa noo niya.

THE FALL CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon