3rd FALL

116 3 0
                                    

(Kurt POV)

Naging maganda ang takbo ng istorya namin ni James. And we are on our 8th month together.

Until sumapit nga ang pinaka kinatatakutan kong mangyari.

Last day na ng Second Sem. That means Summer Break na. 1 year na lang ang bubunuin ko bago ako makapagtapos ng kolehiyo. Konting kembot na lang mga teh!

Tapos na ang last subject namin for this semester. Nandito kami ngayon sa tambayan namin, isa siyang coffee shop malapit sa school.

*toot toot*

"Ehem. Boyfriend Alert. Sagutin mo na yan Kurt."- Tristan

"Ok sige wait lang ah."

Pumunta ako sa isang gilid para kausapin sa phone si James.

Hello Babe?

Hello, asan ka?

Coffee Shop kasama ang barkada. Asan ka? Ikaw na lang wala dito.

Pwede ba tayo mag usap? Puntahan kita diyan.

Ok sure. San ka na ba?

Malapit na ako.

Ok magtext ka na lang pa---

*toooooot*

Ay, binabaan ako! That's weird.

Bumalik na lang ako sa barkada at hinintay na dumating si James. After 5 minutes dumating na nga sya. Nagpaalam na ko sa barkada kasi since Summer Break medyo matatagalan kami bago magkitakita kasi may kanya-kanya naman kaming agenda.

Sumakay na nga ako sa kotse ni James. Walang imikan. Medyo kinakabahan na ako sa nangyayari. Ipinark niya ang kotse niya sa isang park na wala masyadong tao. Dun nga kami umupo sa isang bench malapit sa Fish Pond.

"Uhm Babe? May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik parang di ik--"

"Kurt, let's break up."

Buffering......

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

80%

90%

BUFFERED!

"WH-WHAT!?"

"Let's break up."

"HAHAHA. Ok James. Nice joke. :D"

Tinignan ako ni James. Halatang seryoso siya sa sinabi niya.

"I'm serious Kurt. Magbreak na tayo."

I froze. It was like I was stabbed over and over again :'( I didn't expect na ganito pala ang mangyayari.

"But wh-why? May nagawa ba akong mali? Please tell me :'( "

Umiiyak na ako habang kinakausap siya.

"No no no Kurt. It's not you it's me."

"TANGINA NAMAN JAMES! GASGAS NA YANG LINYA NA YAN!WAG MO NAMAN AKONG GAGAMITAN NG DIPLOMASYA!SAWANG SAWA NA AKO SA MGA LITANYANG YAN!"

Tuluyan na ngang umagos ang mga luha galing sa mata ko. I regained control and umupo. He remained still and nakita ko din na may namumuo na ding mga luha sa mga mata niya. Tumingin ako papalayo sa kanya.

"Sino?"

"Wh-what are you saying Kurt?"

"Sino ang bago mo?"

"Wala. Wala akong bago. Ikaw lang talaga. It's just that hindi ko na maintindihan ang sarili ko this past few days."

"I want the truth. Don't play dumb with me."

Hinarap na nga ako ni James sakanya ang lumuhod siya sa harap ko. That time umiiyak na din si James. Hawak hawak niya ngayon ang aking kamay.

"Listen Kurt. I'm saying the truth. Wala akong iba. Ako lang ang may problema. Ayokong pati ikaw ay mamroblema sa problema ko that's why I came to the point to break up with you. Yun lang alam kong solusyon. Ayaw kitang masaktan."

"EH GAGO KA PALA E! AYAW MO AKONG MASAKTAN EH ANONG TAWAG MO SA GINAGAWA MO SAKIN NGAYON?!" I then forced a smile.

"Alam mo James. Mahal na mahal na mahal kita. And I didn't expected na sa sobrang pagmamahal ko sayo e ako ang masasaktan ng ganito. If gusto mo makipag break then magbreak na tayo. Wish granted. Sana maging masaya ka na."

I forced a smile then kinuha ko na bag ko and umalis na ako without even looking back at him. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko. Pero di ko na siya nilingon. Baka kapag lumungin pa ako e lumuhod pa ako sa harap niya para lang makipagbalikan siya sakin. HELL NO! Hindi ako ganyang klaseng lalake!

Tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang naglalakad ako. Di ko alam kung san ako pupunta. Then an idea popped on my mind.

Kinuha ko phone ko and nagsend ng group message sa barkada.

"Bar tayo. My treat. Sa dati. See you."

Sent............

All I want to do now is to forget. Forget that happened. Forget everything about US.

--------------------------------------------------

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W

-MISTER ANDROGYNOUS

THE FALL CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon