(KURT POV)
.
Siguro kailangan ko ng mag pacheck up sa Doctor. Medyo nagiging abnormal na naman ang puso ko. And I find it really weird kasi kapag kaharap ko lang si Stephen saka lang nagiging abnormal ang puso ko. Baka allergic ako sakanya. Hahaha. Ano daw?
-----------------------
Naglalakad ako sa tabing dagat. Palubog na ang araw at namumutawi na kulay pula at dilaw na sinag ng araw sa bughaw na dagat. (Pucha! Nanonosebleed ako! -.-) Hindi pala ako nag iisa. Pagtingin ko sa katabi ko, hawak-hawak ang kamay ko, iniharap niya ako sa kanya at niyakap. Tinignan ko siya at medyo blurred pa ang mukha niya kaya di ko maaninag. Umupo kami sa buhangin at magkahawak parin ang mga kamay.
.
"Kurt."
.
"Hmm?"
.
"Salamat at minahal mo ako."
.
"Walang anuman. Salamat at nandiyan ka parati sa tabi ko kapag kailangan ko ng karamay. Salamat sa lahat." di ko macontrol ang sinasabi ko at yan na lang lumabas sa bibig ko. Para akong nanunuod ng isang teleserye sa ABS-CBN (KAPAMILYA AKO NOH!)
.
"Sadyang mahal lang talaga kita at walang magbabago dun."
.
"Sana walang magbago...
.
.
.
.
.
MAZE."
-----------------
TOK! TOK! TOK!
"ANAK! DI KA BA PAPASOK? ALAS 7 NA!"
.
Nagising ako dahil sa malakas na katok ni Nay Lita sa labas ng kwarto ko. Sht! Ano kaya yung panaginip na yun? O.o Tsaka, si MAZE?! What the? Teka laaaaang. DI KO MAINTINDIHAN NANGYAYARI!!! T___T Pero bakit parang bitin?
.
TOK! TOK! TOK!
"KURT ANAK! BANGON NA!"
.
"ETO NA PO!"
.
"MABUTI NAMAN. READY NA ALMUSAL MO SA BABA."
.
"SIGE PO!"
.
Kinuha ko ang phone ko na nasa side table ng kama ko at tinignan kung anong oras na.
.
FOOOOOOOHHHHHTTTTTAAAAHHHH! ALAS 7 NA! LATE NA AKO! MAY 7 AM. CLASS AKO!
Dali dali akong bumangon at dumiretso sa CR para maligo! And in just 10 mins. natapos na ako at bihis na bihis na. Basang basa pa nga ang buhok ko eh. Eh kasi nga 10 mins. late na ako sa 7 am-12 noon. class ko! At late ako, kase nga nagpaalarm ako tapos nakasilent pala phone ko e di hindi narinig alarm! .Idagdag mo pa na kasalanan din nung panaginip ko na yun! Yung dapat 1 hour na preparing time ko naging 10 mins. lang. (Bangon-Ligo-Toothbrush-Bihis) in just 10 MINUTES! Dali dali akong bumaba.
.
"ANAK! DAHAN-DAHAN LANG!" - Nay Lita
.
"NAY LATE NA LATE NA AKO!" sigaw ko habang nasa sala ako at sinusuot sapatos ko.
.
"ANAK KAIN KA MUNA."
.
"SA SCHOOL NA LANG AKO NAY KAKAIN. BYE!" hinalikan ko siya sa pisnge saka kumaripas na palabas ng bahay. DEYM! WALA YUNG KOTSE! BAKA DALA NI KUYA! NO CHOICE TAYO! E DI MAMASAHE!!!
.
MAY FOREVER SA EDSAAAAAA! Whooooooooh! POREBER TRAPIK! Time Check 30 minutes late!
.
Pagkababa ko sa jeep takbo agad ako papunta sa room namin. Nakita ko na may 2 akong kaklase na nasa labas ng room at di pa pumapasok.
.
"Hey, anyare? Ba't di pa kayo pumapasok?"
.
"Nako Kurt wag ka na pumasok kasi di ka lang din naman papapasukin kasi late na tayo. Beastmode ngayon si Madam. Pero kung gusto mo pumasok pwede din pero marked as absent ka daw tapos tiisin mo litanya ni Madam sa loob. Sermon na naman yan. Pero ok lang naman na di pumasok nanunuod lang naman sila ng movie sa loob. Boring yan for sure! Hahaha"
.
"GANUN BA? T.T" Sinusumpa ko na talaga ang EDSA!
.
Sinilip ko sa maliit na bintana sa may pinto kung ano ginagawa nila. Tama nga. Nanunuod ng movie. Pero parang wala lang sakanila yung pinapanuod nila kasi yung iba hawak phone nila siguro nagtetext, may nakita nga ako nag coColor Switch, yung iba tulog. Si Tristan binibraid ang buhok ni Kath. Nakita ko naman si Stephen na may pasak na earphones sa tenga at nakatingin sa malayo. Tss. Hambog talaga! Feeling ko boring ang pinapanuod nila.
.
Napaupo na lang ako sa may bench sa gilid ng pinto ng room. Pano ba yan? San kaya ako pupunta.
.
ALAM KO NA!
.
Dali dali akong pumunta sa likod ng Mgt. Building sa lugar kung san kami nagkakilala ni Maze my loves. Hoho. Ano daaaaw?!! XD Gusto ko dun pumunta at magpalipas ng oras. Kaya pagdating ko dun naupo agad ako sa may lilim ng puno at nakasandal sa malaking ugat nito. Ang saya ng ambiance, malamig at fresh ang simoy ng hangin, naririnig mo pa mga huni ng ibon. Kunuha ko phone ko at earphones sa loob ng bag ko at nagpatugtog na lang ng music. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ilang sandali may naramdaman akong kaluskos ng dahon. Pagbukas ko ng mga mata ko.................
.
"Bakit ka nagcucutting class?"
.
.
.
.
(MAZE POV)
.
"Bakit ka nagcucutting class?"
.
"HUY HINDI AH!" sabi niya tapos biglang nagpout. Cute :3
.
"Then what are you doing here Mr. Mendez?"
.
"Ah ano kasi. Late ako -.- Di na nagpapapasok si Madam eh."
.
"Hmm. Ok :D Here :) " inabot ko sakanya ang isang burger at isang C2.
.
Nakita ko kasi yan kanina si Kurt na tumatakbo sa Corridor. Tama nga hinala ko, base sa mga kinikilos niya halatang late na to'. Sinundan ko siya. Naita kong may kausap siyang dalwang lalake, might as well classmate niya to'. Imbes na pumasok sa room umalis siya. Nagtaka ako kung san to' pupunta. Sinundan ko ulit siya and based sa dinaraanan niya alam ko kung san siya pupunta. At tama nga ako :) Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng pagkain.
.
"Thanks Maze :) Magkano to'?" Nilabas niya wallet niya.
.
"lol. Treat ko na yan sayo." from happy parang nag-pokerface siya.
.
"Baliw. Bayaran ko na. Oh" Inabot niya sakin ang 50 peso bill.
.
"Treat ko na nga. Pasaway talaga."
.
"Kunin mo na Maze. May utang pa nga ako sayo dun sa Foodlane sa Freshmen Party eh. Tsaka ayoko lang isipin mo na tinitake advantage kita."
.
"What? No. Hindi ko naman iniisip yun eh."
.
"Kahit naaaa. Kunin mo na kasi to' Pleeeeeeease." Ugh! Napakapersistent talaga nitong si Kurt. No choice baka magalit pa to' sakin kaya kinuha ko na lang yung 50 pesos.
.
"Good :) "
.
"Pasalamat ka malakas ka sakin :)" kinakain niya na ang dala kong burger.
.
"SOLOMOT MOYZ!" punong-puno ang bibig niya ng kinakaing burger.
.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." he looked at me with a puzzled expression.
.
"Oy anyare sayo. Tumatawa ka na lang mag isa diyan Maze."
.
"Basta :))))) Dahan dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka."
.
"Ok ok." Tinuloy niya lang pagkain niya na parang walang tumitingin sakanya. Iba talaga tong si Kurt :) Wala siyang pake eh. Hahahaha. Napansin ko na may smudge siya ng sauce ng burger sa may gilid ng bibig niya.
.
"Wait don't move." masunurin naman siyang bata. Linapitan ko siya at tinanggal yung smudge. Tulala lang siya pagkatapos nun.
.
"Hey! Kurt! Ok ka lang?" wala siyang imik.
.
"HUY! OK KA LANG?! PARANG NAPARALYZE KA NA DIYAN!"
.
"Ha?! Ah oo? Mahal din kita.".
.
"What? What did you just say?"
.
"Ah ano sabi ko ano, ano kasi, siguro ano mahal! mahal tong burger kaya masarap noh? Hehehe."
.
"Uuuuuuh hindi naman. Yun ba talaga sinabi mo?"
.
"Oo. Hehe. Bakit ano ba narinig mo?"
.
"Ah wala nevermind." He finished off his food tapos sumandal sa may puno. Magkatabi na ngayon kaming nakaupo. Kuwentuhan lang kami. Tawanan din. Napakagaan talaga sa feeling kapag kasama ko si Kurt. Parang nawawala mga problema ko.
.
Ilang sandali lang ay may naramdaman ako sa balikat ko. Pagtingin ko nakasandal na yung ulo ni Kurt sa balikat ko at tulog siya. :)))))) Sino ba naman ang hindi makakatulog kapag ganito ang ambiance :)))) Medyo inaantok na rin nga ako eh. Inayos ko muna ang posisyon ni Kurt, inakbay ko yung isang kamay ko sakanya para mas maging komportable siya. Iidlip din muna ako :)))))
.
.
(KURT POV)
.
"Ooouch Ooouch. Dahan dahan lang."
.
"Wag ka masyadong gumalaw Maze."
.
"Dahan dahanin mo lang kasi Kurt. Masakit eh."
.
"Ayan, ok na ba?"
.
"Oo ok na wag mo munang alisin."
.
"Sige sige. Gusto mo diinan ko?"
.
"Wag, mas masakit yun."
.
"Ok fine fine."
.
"Teka, may dugo pa ba?"
.
"Ah meron ng konti."
.
Wag kayong chupols. Nasa clinic kami ginagamot si Maze. Naguguilty ako T.T OK na sana kanina eh. Ang ganda na ng eksena namin ni Maze. Kaya lang nakatulog pala ako, tapos bwisit na panaginip yan kasi may kasuntukan daw ako. Tapos ayun, habang nanaginip ako na upper cut ko si Maze :'((( Ayun dumugo yung gilid ng bibig niya. EPIC KURT! EPIC! TURN OFF NA YAN POR SYUR!
.
"Hey, smile naman diyan :)" sabi niya sakin. Nakangiti na siya.
.
"Pano naman ako ngingiti eh nakakaguilty eh. Ayan nasaktan kita."
.
"Nah it's ok. Di naman halata yung sugat eh. And it will just heal in no time. Kaya ngiti na :) Pero you owe me one :D " ayan na naman yung Maze's Killer Smile. Diyos ko nagwawala ang mga sperms ko!
.
Naalala ko tuloy yung panaginip ko.
.
"Hoy tulala ka na naman."
.
"Ha?!"
.
"Oo na lang." ginawa niya yung signature gesture niya na guluhin ang buhok ko kaya napangiti na lang ako. After ko gamutin sugat ni Maze lumabas na kami sa Clinic. May pasok pa daw kasi si Maze after lunch at ako naman wala na. We exchanged numbers na din <3 Nagpart ways na nga kami ni Maze. Tapos may nagtext sakin.
.
From: Stephen
Parking Lot. NOW!
.
Ano problema nito? -.- Tss. Makautos wagas. Pinuntahan ko na lang siya baka binubugbog na pala yun eh papatayin ako ng konsensya ko.
Pagdating ko dun nasa harap siya ng kotse niya.
.
"Oh problema mo?!"
.
"Nasan kotse mo? Sabay ako pauwi."
.
"Di ko dala kotse, ginamit ni Kuya. -.- Ayan naman kotse mo eh."
.
"Walang gas."
.
"Magpagas ka."
.
"Ikaw magpagas."
.
"Anong ako? Kotse mo yan eh."
.
"Sino may utang dito? Ako o ikaw?"
.
"Pakyu. Wag mong gamitin yan sakin para sa katamaran mo DY!"
.
"Manahimik ka na lang kung di ka naman lang makakatulong."
.
"Arte mo. Naaawa naman ako sa mga gaya mo kaya sumabay ka na sakin." I walked passed him.
.
"Eff you. I thought di mo dala kotse mo."
.
"Di nga."
.
"Lakas mo magyaya e wala ka naman dalang kotse."
.
"Nagsabi akong magkokotse tayo?"
.
"So now what?"
.
"Magcocommute tayo."
-------------------------------------------------------TO BE CONTINUED.
BINABASA MO ANG
THE FALL CHRONICLES
RomanceTHE FALL CHRONICLES: Lahat naman tayo naghahanap ng ating #HappilyEverAfter, tama ba? Pero sa mundong kinagagalawan ng mga Bisexual eh tunay bang may #HappilyEverAfter? This is not an ordinary story. Madaming twists madaming turn of events. Let's FA...