II

231 13 0
                                    

--

Araw -araw akong sinusundo ni mommy simula ng pumasok ako ng eskwela. Ayaw nilang maghire ng driver o kahit katulong man lang sana. Hindi ko alam ang dahilan. My dad has work and Mom too but they didn't want to hire one. I think naman may panswesweldo kami. Ang weird lang. Hindi naman ako kumbinsadong dahil mahal nila ako or what. I don't feel any importance in everyday of picking me up in school. I never felt they love me because they never said it to me.

"Kumusta klase Catt?" pormal nyang tanong. Hindi ako sumagot kaagad at pumasok na sa kotse.

"Ayos lang" I answered coldy.I know we have this gap on our relationship since forever. We dont have that cool bond which most teens have with their parents. I never know why? Maybe because they are busy or Im not really important to them.
Tumingin sya sa rearview mirror at nakita ko syang nakangiti. Nagtaka ako sa kinilos ni mommy. This is like the first time she did smile to me since the day I started getting into fights. Matter of fact.

"Well good!" Nakangiti nya paring sabi na nakakapagtaka at nakakapakunot ng noo ko. Shes acting weird. Kahapon lang nung galit na galit siya sa akin dahil sa pambubugbog ko.

Is she sick?

Liniko ni mom ang kotse sa may kanto na dapat ay deretso lamang. Teka sang daan to? Hindi naman to daang pauwi a.

"Where are we going?" Takang tanong ko ulit.

"Lets go shopping?"
Wait? Shopping? Seriously? Tell me she's joking.

"Are you sick or something mom?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. Baka kasi namamalik-tenga lang ako.

"HAHA.No Catt!Im giving you a favor here!" Natatawa nyang sagot. Mesa baliw din to e. Kailangan ko na bang tawagan si Daddy?

Im speechless. Nakanganga lang ako. This is the first time. This is really unbelievable.

"Wow!" nasabi ko  na lang. Hindi ako makapaniwala.

Tama firstime ko magpupunta sa mall. Honestly, Ive never been somewhere except school. Ayaw nilang pumupunta ako kung saan saan kaya nga hatid sundo ako lagi. Kaya din siguro feeling ko ang boring ng buhay ko. No malls, parks and galas. Im totally stuck in school and house. Hindi din naman ako makapuslit magpunta sa mga lugar na iyon dahil pati si Ezk ay pinagbabawalan ako at lahat ng guard sa school bantay sarado ako. Isang araw nga ng sinubukan kong tumakas ay hinabol ako ng mga guard pero natakasan at nabugbog ko sila pero in the end Ezk caught me and forced me to go back.Lagi akong nagaatempt tumakas pero kahit isa don ay wala akong napagtagumpayan. Hindi ko naman magamit ang kakaibang lakas ko sa pagtakas. Hindi ko alam kung bakit sa bugbugan naman ay natataglay ko iyon. Hindi ko magawang magalit kay Ezk sa pagpipigil din sa akin because I know how he really cares for me. But for a teenager like me? Parang ang weird. Me againts the world ganun.

"Baka sakaling magtino!"

Narinig kong masigla nyang sagot. Her tone was different from the usual. Our usual convo is " How's class?' or "Did you behave?'. This is really different to me.
Siguro suhol niya to para hindi nako mambugbog.

Maybe.

"Wag na wag kang hihiwalay sakin Catt."  She held my hand as we enter the mall. I look at our hands and I felt the akwardness.
Ang oa ni mommy.

Para akong ignoranteng manghang-mangha sa nasasaksihan ko. Natatawa rin ako sa sarili ko dahil feeling ko ay nagmumukha nakong tanga sa likot ng ulo ko sa kakatingin sa paligid. Nawawala din ang coolness ko at basagulera poise ko dahil dito.

"Dun tayo sa salon!" Sabi ni mom at hinila nako kung saan. Somehow I felt the excitement and the urge to take this opportunity to close the gap. Maybe may pag-asa pang maging malapit kami.

"Gusto mo bang magpakulay ng buhok?"
Tanong ni mom sakin. I nodded my head as a response.

"So what color do you want ha?" tanong ulit niya.

Nagisip naman ako. I think of a celebrity then first who pop out is Justin B. His new hair color is ash gray with a touch of purple.

"Mom.I want combination of ash gray and a little purple shade on it?" I smile widely. Not the usual me. Excited talaga ako e. Hindi naman mahaba buhok ko. Hanggang balikat lang and honestly si mom ang laging naggugupit ng buhok ko. Its my first time also in a salon.

Pagkatapos  ay nagsimula na yung beautician na ayusin yung buhok namin ni mom.
Aftet 1 hr and 30 minutes. Its almost done.

Pinatuyo pa konti yung hair namin bago makita tung totoong result ng hair namin.

Wow!As in wow! Hindi nako magmumukhang basagulera.

Grabe ang ganda namin ni Mommy. Kay mommy kasi brown sakanya. Yun ang bagay sakanya kasi mestiza sya.

Ako? Hindi naman sa maitim ako ha.Maputi naman ako e.
Hindi lang yung sobrang puti gaya ni mommy na parang snow white ang balat. Anak ba nya talaga ako?

I look intently at the mirror.
We're beautiful yet calling us monsters. Ganitong mukha ba ang mukhang aswang o halimaw? Nevermind.

Tumingin ulit ako sa salamin. Ang ganda nung hair ko kasi ash gray at may touch of purple.Ang cute. Mas lalo ata akong gumanda ha? Thats a joke by the way.

Nagshopping pa kami ni mommy ng damit and shoes. Then naggrocery na rin. Tapos umuwi na kami. This day is just so incredible! Since birth ito pa lang ata ang masasabi kong naging masaya ako. Well,as i remember. 'Cause I dont want to go back from the past.

Napapasmile na lang ako sa loob ng kotse pauwi. Hindi ko talaga inaasahan tong moment na to. Ngayon ko lang nakabonding si mom ng ganito. Maybe I will start to break my walls from them.
So,I think magpapakabait na talaga ako? I'll try.

11pm na pero hindi parin ako makatulog. I just cant believe what happen awhile ago. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko kung saan tanaw ang madilim na gubat sa likod ng bahay namin. Ewan ko ba? I feel something weird 'nung naisip ko yung nangyari kahapon sa gubat. Im so curious about the gate I saw yesterday. Para bang gusto kong malaman kung ano yon and whats inside that gate?
Tulog naman na siguro sila mom and dad.

Dahan dahan akong bumaba at dumaan sa fire exit ng bahay. Madilim ang gubat pero hindi man lang ako makaramdam ng takot. Lakad lang ako ng lakad. Dirediretso lang.
Asan na ba yung gate na yun?
Nagulat ako sa isang kaluskos. Hindi ko alam pero madilim ngunit  nakikita ko parin ang dinadaanan ko. Siguro dahil sa buwan. Pinakiramdaman ko kung san nanggaggaling ang kaluskos. Habang tumatagal palakas ng palakas ang kaluskos at maririnig mo na rin ang hakbang ng mga paa. Shit!Anong meron dito?

Dali dali akong nagtago sa puno na pinakamalapit sakin. Sumilip ako para tingnan kung anong nilalang ang palapit sa kinatatayuan ko. Malay ko ba kung ano na yun. Ito na ba yung sinasabi nilang "Curiosity kills a cat" I washed that thought and calmed myself.

Naaninag ko siya. Habang palapit ng palapit, isang hubog ng tao ang nakikita ko mula sa kinaroroonan ko.Lalaki siya.
'Nung mismong dumaan sya sa puno na pinagtataguan ko ay parang tumigil ang oras. My heart stops. Tama ba tong nakikita ko? Bakit sya nandito?

--

Thankyou. Vote po niyo if nagustuhan niyo 😊😊

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon