XXV

70 1 0
                                    

--
Nakaamerikana ang lalaki.Pormal ang tindig at propesyonal ang kanyang katangian.
Base sa mukha nya ay nasa trenta pataas na ang edad nya.

He has a perfect features.He is indeed tall, dark and handsome.As he walks toward us, he displays a wide smile on us.I feel my heart skip fast.He have an aura I can't explain, its giving me goosebumps all over my body and make me shivers to the bones.

"Good afternoon sir, this is Catt, the one I mentioned last time we talked" Wala ng mas pormal sa pagsabi non ni Kiel.I look intently to the guy and he keep smiling.Like he is seeing a goddess now? Masyado ba akong maganda?

"Hahaha" Mahina nyang tawa na akala mo ay nababasa nya ang
isip ko.

"Hey Catt, bat ganyan naman mukha mo?" Pigil na tawa naman sa akin ni Kiel.May nakakatawa ba sa mukha ko?

Kunot noo akong nagpapalipat lipat ng mukha sa kanilang dalawa.

"Masyado kang kabado iha.Tara nakalimutan ko tuloy na paupuin kayo"

Pinaupo nya kami sa bandang kanan ng bahay kung saan may malawak na salas.Malaking kulay kremang sofa na sosyalin.Umupo kami doon ni Kiel.Lumamig na naman ang pakiramdam ko.Ano bang nangyayari?

Prente namang umupo ang lalake sa harapan naming sofa.Nakangiti parin ito at hindi iniaalis ang tingin sa akin.Parang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko.Naakward tuloy ako kaya napayuko ako.

"Katulad ka talaga ni Lira." Napaangat ako ng marinig ko ang pangalan ni Mama.Bakit andami yatang nakakakilala kay Mama? Famous ba sya sa facebook? Char!

"Po?"

"Kamukha mo ang mama mo, iha." Ngiti nyang sambit.Ako naman ay nagtaka sa kinikilos nya.Para bang kilala na nya ako.

Tahimik lang kami at pawang naghihintay ng unang magsasalita.

"Sir,excuse me po aalis na po kami.Maaga po sya bukas e."  Sobrang galang na sambit ni Kiel sa lalaki.Bakit kaya?

"Sya sige.Balik kayo dito ha?" Tumayo na ang lalaki at ganon din kami.

Yumuko si Kiel kaya ganun rin ang ginawa ko.Medyo nasanay na rin ako sa paiba iba na temperaturang nararamdaman ko.Aalis na kami agad? Umupo lang kami?

E ganun lang?

Paglabas namin ng bahay ay nagulat ako dahil gabi na.Ano na bang oras?

"Ezk bakit tayo nagpunta dito e wala namn tayong ginawa dun.Sino sya? Bakit kilala nya si Mama?"

"Wag mo munang isipin yon.Alas nwebe na kaya uwi na tayo!" Hinila na nya ako sa daan.Alas nwebe ? Alas sais palang ng nagpunta kami dito.How come nagtagal kami ng mahigit dalawang oras sa bahay na iyon.Sa tingin ko nga mga limang minuto lang tinagal namin.

Anong mahika iyon?

Patuloy lang sa paghila sa akin si Ezk hanggang makarating kami sa isang arko. "Bizzle town" yan ang nakamarka don.

Sa bukana ay may nakaparada ng kotseng kulay puti.

Hinila nya parin ako hanggang makasakay ako ng kotse.

Mabilis ang paguwi namin dahil sa power ni Kiel.Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ko kung sino yung lalaki kanina, kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sakanya at kung bakit ganon kabilis ang takbo ng oras kanina.

"Huwag ngang kunot yang noo mo.May praktis ka pa bukas.Matulog ka na."

"Matulog agad di pako kumain"

Tumawa lang sya sa sinabi ko.Tinatawanan naman nito?

"Bakit gutom ka ba?" Oo nga ? Hindi pa ako kumakain pero bakit parang busog nako.Weird.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon