37 Closer

36 0 0
                                    

--

"D-dont" Umiiling iling na sabi ni Craig habang nakahawak sa braso ko. Hindi ko napansing nakasunod siya. Nagtaka naman ako sa inasta niya.

"Ha?" Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin din sa akin.

" What do you mean?" Paninigurado kong tanong. He's freakin' me.

"Ahm, I mean where are you going? I need a company." Walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya kaya hindi ko malaman kung nagjojoke lang siya.  But on the other side hindi mapagbiro si Craig kaya maaring nagsasabi siya ng totoo. I tried to look at his eyes. May kakaiba akong naramdaman ng pinagmasdan ko iyon. Given na maganda talaga ang mga mata niya but I think there's something behind those eyes.

"Ahm. Actually Prof. Kang want to talk to me." I finally said. Hindi ko pwedeng palampasin ang sasabihin sa akin ni Prof. dahil maaring magkaroon ako ng mas maraming kaalaman mula sakanya. And if si Louise na nambwibwisit sa akin talaga ang bagong chief, ibig sabihin ay maaring spy siya. Ngunit wala pang kasigaraduhan iyon dahil wala naman sa mukha non ang pagiging Yusil.

"Okay, Im sorry" Binitawan na niya ang braso ko sabay tinalikuran ako. Nagtaka naman ako sa ikinilos niya. May problema kaya siya at kailangan niya ng kasama?

When I entered the room it was quiet. The room is an office-like maliban lang sa mga nakadikit na cardboard sa dingding na mukhang mga formulas or what na hindi ko maintindihan. Nakaupo naman sa dulong upuan si Prof. at nakapatong ang kamay sa mahabang mesa sa gitna ng kwarto. Nakaramdam naman ako ng pagkairita. Masyadong tahimik ang lugar na mas lalong nakakapagparamdam sa akin ng pagod mula sa klase kanina.

"Sit" Ukol niya sa upuang katapat niya. Dali dali naman akong umupo. Gumawa ng ingay iyon. Prof. Kang face is dead serious you can't see a hint of joy in his face. Kinabahan tuloy ako parang nagsisi ata akong tumuloy pa ako dito but then there was a thing that urge me to know what he wanted to tell me.

He was silent for awhile finding for the right words to start his matters.

"I will agree sa suhestiyon mo in one condition" Seryoso ang pagkakasabi niya non.

"And what's that condition?"

"You'll need to get close with Louise" Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya?

"Are you serious with that Prof?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Baka nagkamali lamang ako ng rinig.

"I want you to get close with that guy and know his doings and I will help you in the screening" Seryoso pa rin ang mukha niya na ipinaparating sa akin na hindi siya nagbibiro.

"Why Louise? How can I be close to him?" Marami pa akong tanong ngunit iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

"I have doubts on him. I saw you too awhile ago. Mukha namang magkakilala kayo kaya magiging madali lang iyon. Baka isa siyang yusil." Tama nga ako ng hinala. Maari ring Yusil nga talaga si Louise. So should I take the challenge. Iniisip ko pa lang na kakausapin ko siya ay naapangiwi na ako.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. I will do this for the ville. Hindi dapat ako nagdadalawang isip.

"Okay, I'll do it"

"Good, I want you to report every detail na malalaman mo mula sa kanya." Napansin ko ang eagerness sa boses niya na gustong gusto niya talagang malaman kung spy si Louise.

Bukas magsisimula akong turuan ni Prof. Kang para sa screening sa Friday. Magkikita kami every after class at kasabay non ay ang dapat kong gawin na maging malapit kay Louise.

Napatitig ako sa kisame ng aking kwarto habang nakahiga. Nahanap naman ng kamay ko ang leeg ko kung saan nakabitin ang kwintas ko. Mayroon din akong napansing kakaiba pa sa kwintas. Pag naitatapat ito sa araw ay nagiging invicible ito which is amazing. Nang tuluyang nahawakan ko ang mismong pendant ay napapikit ako.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon