XXI

98 5 3
                                    

--

Hindi pa bumabalik si Cm from her mission kaya dalawa lang kami ngayong nag aalmusal ni Cl.

Naalala kong wala pa akong naiisip na paraan para imbestigahan si Cl. Wala naman kasi syang kahina hinalang kilos sa mga nakaraang araw. Last lang ay nung nakitang kong kausap nya si Ms.Hidge and sa party kung hindi malik mata yon.Well, I need to know kung anong kaugnayan nilang dalawa ni Ms Higde.
Cm said Cl was from Australia and Ms.Hidge was from an event in Cebu and just escaped the Yusils.

Malayo ang pinagmulan nila.Kaya hindi mo talagang maiisip na isa si Cl sa mga spy.But is Cl really a spy?.I dont want to conclude things so I need to be careful in my plans.

Maybe I need to talk with Ms Hidge but thats impossible right now.

Walang umiimik hanggang natapos kaming kumain at sa pagpuntang school.

When I enter our classroom again ay nasa ibang mundo na naman ito.We are in an open field.Marami na ang mga classmates kong andito at gaya ko ay maghang mangha rin sa nasasaksihang mahika mula pa noong isang araw.

"Hi!" Tawag sakin ng isang magandang babae at nginitian ko naman ito.Mahaba ang dark brown nyang buhok at may biluging mga mata, matangos ang ilong nito at maputi ang balat.Balingkinitan at hindi naman katangkaran.

"Hi, Im Reesha!" Napaigtad naman ako sa pagpapakilala nya sakin.Inabot ko ang makikinis nyang kamay at nakipagshakehands dito.

"Im Catt" Nakangiti kong sagot pero bago pa man lumalim ang paguusap namin ay dumating na ang pinakamasayang tao sa mundo.Si Ms.Happy.

"So, You've gone to reflectus dream right? And I think you know what weapons you are capable in using.Group yourself according to the class of weapon.In the north side of the field, bladed weapons( dagger,swords,katana,etc) south are the shooting weapons (gun , bow and arrow,etc) east side are the metal weapons, at the west are the special weapon users.Proceed." Nagsilakad na kami sa kanya kanya naming grupo.Syempre ako ay sa north side ako.Sword nga ang weapon ko.Medyo kinakabahan naman ako habang papunta sa pwestong yun.
Kakayanin ko kayang gumamit ng espada?

Halos kami ang pinakamaraming bilang.Mahigit sampu kasi kami ngayong nasa north part.Kagrupo ko rin pala si Hemston boy.Ganun parin ang mukha nya expressionless.

Habang nagmumuni muni kami ay biglang may mga weapons lumitaw sa harapan namin.It is floating infront of us.
Napapanganga na lang kami habang pinagmamasdan ang mga nagsisilutangang ibat ibang bladed weapons.

"Raise your hand." Narinig namin ang boses ni Maam Happy."Every hero has his specific weapons"

Nagsitalima naman kami at itinaas ang mga kamay namin.

Nakakagulat ang sumunod na nangyari.Pagkataas namin ng kamay sa ere ay ang biglang pagsulpot ng mga weapons sa kamay namin.
Wow.How was that?

Hawak hawak na namin ngayon ang mga weapons nasummon namin.
Pinagmamasdan ko naman ang akin.Isang espada.Silver ang hawakan nito at may nakaukit na hugis agila na may kidlat sa ibaba.
Just like Papa's eagle pin.

Ganun na ganun ang itsura ng eagle pin na gustong gusto ko.Sa taas naman ng eagle ay may nakadikit na ruby jade dito.Maganda ang pagkakagawa ng blade nito.Nagustuhan ko na agad ang hawak ko kaya triny kong iwinasiwas ito.
Ang saya naman nito! Parang sa mga action movies!

"Form a straight line everyone.Horizontal facing the center."Sumunod naman kami.

After forming straight line line.Nakita ko ang mga iba naming kasama sa ibang direksyon na nakaform din ng gaya ng samin.Malayo kami sa isat isa pero nakikita sa mga ekspresyon sa mukha nila ang pagkaexcited.Habang ako ay hindi ko alam kung excitement o nerbyos ang nararamdaman ko sa ngayon.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon