28 (Second Clash)

66 3 2
                                    

--

Bukas na ang ikalawang clash of classes namin.Yes, I am chosen again to represent our class for the weapon category.

Sobrang pageensayo at focus talaga ang ginugugol ko para sa clash ngayon sana nga lang wala masyadong surprise ngayon. Honestly, naiingit kasi ako kay Craig, sa natanggap nyang reward at sa pagpasok nya sa Achilles Section. After he was sent to a mission, we got shocked when they told us he will not be our classmate anymore because he was promoted to the Achilles Section. Sobrang nanghinayang na naman ako but mas namotivate naman akong maging magaling sa susunod. I want to win ofcourse pag nanalo ang class namin may reward kaming lahat. I am also doing this for our class sobra kasing pagsusupport ang ginagawa nila, nageeffort sila ng husto like pagtapos ng practice dadalhan kami ng pagkain and pinapatawa kami.Sa ilang linggo ay nakabuo na kami ng pagkakaibigan at napakasaya ko doon, sobrang saya na kailanna'y hindi ko pa nararanasan ang ganito.Look at me now from basagulera to good girl. Noon akala ko forever na ako sa ganoong buhay, nambubugbog ng mga bullies. But then this ville and my real identity have changed me a lot. I've grown to care those things around me and learned the purpose of everything. I should thank God.

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko.Rest day kasi namin, gusto ko pa talaga magpractice pero ayaw ko namang pwersahin ang katawan ko, kailangan ko ng lakas para bukas.

Sa pagmunimuni ko pa ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Catt, lunch ready!"  Nabosesan ko kaagad si Cm. Yung closeness naming tatlo ay medyo tighter na ngayon.

After preparing myself I immediately went to kitchen.When we started to eat Cm started to tell stories about their trainings.Nakakainggit gusto ko na rin pumunta sa mission at matapos na ang training namin.

"Ahm anong ginagawa nyo sa mission? Like pano?" Tanong ko pagkalunok ko ng pagkain ko.

"May special or non-gov't org. ang binuo ng Yukon sa labas ng ville.International yon.So dahil 17 palang kami so representative kami ng org na yun parang young volunteers ba na tumutulong sa mga victims. If we finish our degrees then we can be professionals when we go out for mission.We will help according to our expertise nga e.And before year end gragraduate na kami sa culinary school ni El.Minsan naman ay may nakakalaban din kaming yusil sa mission.Unlike us, wala silang pakialam sa mga tao. They are greedy. Walang puso pero hindi naman lahat."

Nagtaka naman ako sa naging reaksyon nya sa huling linya. Umiba kasi bigla. Nevermind.

"So kaya pala ang galing nyo magluto kasi pagiging Chef ang pinagaaralan nyo.Wow" Di makapaniwalang usal ko.Now I know.

"Yes, how bout you? Ano sayo?"

"Sundalo?" Nagaalinlangan kong tanong.Kapag naalala ko ang training ko sa military napapangiwi talaga ako.Nagsisi ata akong dun pa ang pinili ko.As in sobrang hirap ng mga pinapagawa nil sa amin pero hindi ko namang maikakaila na nageenjoy ako sa ginagawa ko.Nakakadrain lang talaga ng energy.

Parang natulala naman sila sa sinabi ko.

"Really? Kaya pala every career day ay super tired ka.That explains.Mas magiging mahirap talaga ang mga mission ng mga military e.Nakikigyera sila mga rebelde.Dangerous but ofcourse you're a yukon you can save the world Catt." Kinilabutan naman ako sa huling linya nya.

'Save the world' Keep bothering me.

"Pero bakit pagiging sundalo pa pinili mo?" Napaigtad naman ako sa tanong nya.

"Well, siguro mas gusto ko yung nahihirapan ako.Haha" natawa naman ako sa sagot ko at nawala na ang nasa isip ko kanina.

Tumawa na lang din sila. Pagkatapos kumain ay inaya nila akong magpa-spa tutal kailangan ko daw ng pampering dahil sa stress sa clash. I agreed naman I need relaxation really and this is the right time.I thank them for that.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon