29 (Macau Escapade)

126 4 2
                                    

--

Magkakaroon kami ng fieldtrip sa Macau for our reward at buong klase iyon for two days. At this moment pasakay na kami ng 'transpoplane' at yung mga mukha ng mga kaklase ko ay hindi ko na madrawing. Sobrang nakabungisngis ang lahat at nagniningning ang mga mata nila sa sobrang excitement. Honestly, siguro ganun na rin itsura ko ngayon. Konti na nga punit na labi ko dahil sa lawak ng ngiti ko.This will be my first out-of-the-country tour.

Malaki ang transpoplane na sinakyan namin, kasinlaki ito ng bus, mas mahaba lang ito ng konti.Hindi kagaya ng airplane ay hindi patulis ang nguso ng transpoplane dahil parisukat (square) ito. May dalawang triangular na buntot naman ito na napakaganda ng pagkakasalinsin.Kakaiba talaga ang sasakyan, mababa lang ito at maliliit ang gulong.Para syang sasakyang pandigma. Ang pintura naman ay kulay abo at puti naman ang mga pakpak nito. Ang mga bintana ay sinlaki ng isang Bond paper.

Sa mga napapanood ko sa t.v. ay ganun rin ang napansin ko sa loob ng transpoplane. Maraming upuan, maaliwalas ang loob at napakalinis.

Naupo naman ako sa tabi ng bintana sa kanang bahagi ng plane sa parteng gitna. Katabi ko si Airam na halatang excited dahil kanina pa pisil ng pisil sa braso ko. Maingay narin sa loob dahil kanya kanyang usap ang mga kaklase ko.Magulo at maingay dahil sa excitement.

Ilang sandali pa ay nagappear bigla si Ma'am Happy sa harapan.Medyo nasa bandang gitna kami kaya ulo nya lang ang kita ko.

"Hep! Keep quiet!" Malakas nitong sigaw dahil sa ingay ng iba.

Tumalima naman sila at nagsiayusan ng upo at tumingin sa napakaseryosong mukha ni Ma'am.

Kinabahan tuloy ako.

"I want to give the rules before we go to our destination"

Wala namang umimik dahil sa seryosong mukha ni Ms. Happy.

"Well, pagkababang pagkababa natin sa Macau. Never use your powers there. Oo, hindi nakikita ng mga ordinaryong tao ang mga kapangyarihan natin pero mararamdaman nila iyon at may epekto sa kanila.At ang higit sa lahat nagiingat lang tayo mula sa nga Yusils.If they tracked us, manganganib tayo and worse ang Ville.So I order you, dont use your powers. Isa pa, walang hihiwalay sa grupo. Mamasyal tayo doon na parang normal na nagfifieldtrip lang.Don't talk about Yukon.Is that clear to you?" Mahabang litanya sa amin at napatango na lamang kami.Pagkatapos ay may pinasukan syang pinto.

Tama hindi makikita ng mga ordinaryong tao ang paggamit namin ng kapangyarihan but they can feel it.Kagaya ng sa school ko dati, the water boy na ako at si Kiel lang ang nakakita.

Sa unti unting pagtaas ng plane ay nakaramdam ako ng chills.I don't know if Im excited or not. Again it will be my first time to go out of the country.

Wala na ring nagingay ng lumipad ng napakabilis ng plane.Ramdam namin ang pressure sa bilis nito. Si Airam naman na katabi ko ay nakaheadphone at nakapikit na.

Sa kalagitnaan ay nagtatawanan na ang mga lalaki sa likuran. At si Dino na naman ang nagsisimula ng ingay doon.

"Grabe guys ha, kasi ganito dinownload ko yung pokèmon go sa TAB ko. Syempre linaro ko, grabe para akong tangang paikot ikot sa kwarto ko at sa buong bahay.Wala nga akong mahanap. Ang sarap pa kaninang ibato yung tab ko.Pero guys ito ha, sobrang laki ng pokèmon na nahuli ko.Sa Cr.Akalain nyo poke stop sa may cr ko.Grabe nakahuli ako-"

"Hep! Hep! Wag mo nang ituloy pakiusap?" Pagpuputol ni Calum sa kwento ni Dino na sya namang ikinatawa ng iba pa naming kaklase.

"Nag' aladora ka na naman kasi!Explore ng explore" Sigaw pa ng isa naming kaklase at napatawa kaming lahat dahil doon.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon