34 Estoppel

46 2 0
                                    

Just forget about the Chapter Title. Haha
--

Dalawang araw na ang lumipas matapos ang naging practical exam na napagtagumpayan namin. Dalawang araw na rin mula ng tagpo sa kantina. Hanggang ngayon ay nababagabag ako sa presensya ng Louise Granada na iyon. Nang tanungin ko si Craig kung kilala nya ito pero hindi raw. Pero may hinala talaga akong magkakakilala sila. Sa tinginan palang kasi nila ay may kakaiba akong naramdaman.

At sa kasalukuyan ay nandito kami sa isang malawak na kwarto at nageensayo ng aming mga sandata.

Kanina pa akong hindi komportable sa pagensayo sa espada ko sa kadahilanang may nga matang kanina pa nakamasid sa akin. Halos dalawang araw ko na itong nararanasan pero hindi pa rin ako masanay sanay. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ganon nya na lang ako pagmasdan. Sa tuwing nahuhuli ko syang nakatingin sa akin ay ngumingiti sya, na nakapagbibigay sa akin ng kaba. Sa lahat ng klase namin ay lagi na lang syang susulpot bigla. At may malaking tanong talaga sa isip ko. Sino si Louise Granada? Anong dahilan ng mga kinikilos nya tungo sa akin?

Ang katabi ko rin ay kapansin pansin ang pagiging mas seryoso sa buhay pagkatapos ng tagpong iyon. Mas tumipid ang pagbitaw nya ng mga salita. Batid kong may bumabagabag sa isip nya sa mga nakaraang araw. Minsan din ay nahuhuli ko syang tulala.Naisip ko tuloy na may kinalaman ang bagong dating na si Louise sa inaasta nya.

Gusto kong tanungin ang mga kaklase ko about sa Louise na iyon kaso wala pala akong kalapit sa kanila. Si Craig lang talaga.

Natapos ang ensayo namin at nagmadali akong lumabas ng kwarto. Ayokong magpahuli lalo na at nasa loob ang lalaking wagas kung makatingin. Hindi nakakatakot ang mukha nya pero ang kilos nya ang nagbibigay sa akin ng senyales para iwasan sya.

Isa ako sa mga naunang lumabas ng kwarto.Halos takbuhin ko na rin ang elevator para mauna ring makasakay.

Nagpasalamat naman ako ng makauwi ako ng bahay ng hindi nakakasalubong si Louise. Hindi ko na rin nakita pa si Craig dahil sa pagmamadali ko. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanya sa lunes kung bakit iniwan ko siya. Well, lagi narin kasi kaming nagsasabay sa paguwi kaya feeling ko automatic na dapat hinintay ko sya.

Pagkapasok ko sa bahay ay nasa salas si Cm at nakatulala. Hindi nya na rin napansin ang pagdating ko.

Lumapit ako sa kanya at tinapik sya sa balikat. Bahagya syang nagulat ng nakita ako.

Nang makabawi ay ngumiti sya na alam kong pilit. Batid kong may prinoproblema pa syang iba liban sa nakwento nya noong nakaraang linggo sa akin.

"Si El?" Ngayon ko na lang ulit tatawagin si Cl ng El.

"She's still in mission." Napatango tango na lamang ako.

"Ah- ay wala" May gusto sana syang sabihin ngunit binawi nya agad na ipinagtaka ko. Narinig ko na naman ang malalim nyang buntong hininga.

"Tell me the truth, may ibang bagay pa bang bumabagabag sayo?"

Parang nagulat pa sya pagkarinig nya ng tanong ko.

"Ha? Nako Catt.Wala! Magbihis kana dali.Magluluto na rin ako!" Halata sa mukha nya na may tinatago nga sya. Hindi na rin ako nagusisa dahil obvious namang ayaw nya talagang ipagsabi. But kung anuman yun sana mapanatag na sya.

Kinaumagahan pagpasok ko sa military school ay nagsisitakbuhan ang karamihan.

Nagdiretso naman agad ako sa locker room namin. Nadatnan ko ang dalawang babaeng kasama kong aligagang aligaga sa pagbibihis.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon