32 The Aliens start

81 2 3
                                    

Thank you!

--

Pagkalabas ko ng klase ay sobrang pagod na pagod ang katawan ko.Ang lagkit lagkit ko na rin dahil sa pawis mula sa mga larong ginawa namin.But I know worth it naman yung mga pagod namin kasi nakuha namin ang pangalawang pwesto.I admit kulang na kulang pa ako sa kakayanan kumpara sa iba pero sa araw na ito ay napatunayan ko namang may ibubuga ako.

Hindi ko naintindihan pero hula ko na ang Achilles Section ay hindi lamang isang espesyal na klase ngunit ito'y isang kompetisyon.Kompetisyon na kung saan mahirap pasukan pero pag nakapasok ka na kailangan maging magaling at matatag ka para matira ka sa laban.Now, I understand the hidden agenda Cm and Cl told me.Hwag na hwag kang magpapahuli sa laban.You need to survive every battle.Not only physically but mentally and emotionally.Wala kang kwenta kung mahina ka.

I heavily sighed on my own thoughts.Naisipan kong magpunta sa library para magbasa.Feeling ko kasi marami pa talaga akong dapat malaman.And I think library is the best place to go.

"Catt" Nabosesan ko naman kaagad si Craig.Hindi na kami nagkausap kanina dahil nagsasaya ang grupo nila sa pagkapanalo.Inaasahan ko nang mananalo sila.Sa mga kilos pa lang ng bawat miyembro ay makikitaan ng galing.

"Congrats pala" Bati ko sakanya nang tuluyan na syang nasa tabi ko sa paglalakad.

"Mmm.Congrats too" Walang emosyon ang tono ng salita nya at paniguradong pati ang mukha nya ay blangko rin as usual.

"Let's go home together" He said when we entered the elevator.

"Ahm, kasi-.You can go first. I have somewhere to go pa." Pahina ng pahina ang boses ko.Hindi ko alam kung kelan pa kami naging close pero nararamdaman ko namang kaibigan na ang turing namin sa isa't isa at nakakatuwa iyong isipin.At nahihiya ako kasi kailangan kong tumanggi sa offer nyang magkasama kaming uuwi.

"Ah yeah." Yun lang ang naging sagot nya at hanggang sa nakalabas ako sa second floor ay walang umiimik sa amin.

Pinagpapawisan tuloy akong nagtungong library.Naging awkward ang tagpong yun.

Nagpasalamat naman ako dahil bukas pa ang library na naabutan ko.Dali dali akong nagtungo sa section tungkol sa Achilles.

Bago pa man ako makarating sa tutunguhan ko ay naririnig kong may mga nagbubulung bulungan.Ang alam ko ay may system sa school na tinatanggal ang effectiveness ng enhanced sight at hearing namin.Kaya maaring nasa malapit ko lang ang mga naguusap usap dahil hindi namn namin magamit ang enhanced hearing namin.

Ilinibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko napansin ang dalawang babaeng naguusap sa gilid ng bookshelf katabi ng Achilles Book Section.Hindi ko alam pero nacurious ako sa pinaguusapan nila.May narinig kasi ako about sa missions.

Lumapit ako sa sa kabilang side ng bookshelf na kinaroroonan nila.I feel doing eavesdropping today.

"Meron daw kasing mga nawawalang yukon na pinadala sa misyon sa lugar na iyon" Bulong ng boses ng babae.

"Ibig sabihin kaya doon pinadala sila Dix dahil totoo ngang nawawala ang mga pinapadala doon.Oh my!"

"Exactly, kaya nagaalala ako kina Kiel e." Nagpantig naman ang tenga ko nang narinig ko ang pangalan ni Kiel.Si Kiel ba na bestfriend ko ang tinutukoy nila?

"This will be my biggest and toughest mission.And it will be really dangerous.I dont know kung makakabalik pa ako"

Biglang nag pop out sa utak ko ang sinabi sa akin ni Kiel about sa mission nya.So meaning si Kiel nga talaga ang tinutukoy nila.Then that mission is really dangerous.Gosh! Kamusta na si Kiel? Sa isip ko ay sana hindi si Kiel na kilala ko ang tinutukoy nila pero my guts tell me its my bestfriend.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon