IX

141 7 2
                                    


--

Naglakad kami sa likod ng bahay at nadatnan naming seryosong  naguusap si Dad at Mr.Taylor.

Mukhang hindi kami napansin nito dahil patuloy silang naguusap.

"Sa tingin mo wala na ba talagang ibang kasama si Mauro? Dahil pag nalaman nila kung saang parte ang isa sa mga yukon ville.Ay delikado ito." narinig kong sabi ni Mr.Taylor.
Yukon? Then Yukon Ville?

"Hindi sya panig sa yusil kaya sa tingin ko ay magisa lamang sya tsaka hindi ko alam kung pano nya ako nahanap dito .Last ko syang nakita ay nung pagmigrate nya sa  Australia pa kasama ang anak nito.Pero dahil nasira ang yukon ville doon ay bumalik sya sa Pilipinas pero ang alam nya ay tayo ang sumira ng ville nila don kaya nagbalak syang maghiganti dahil ang alam ko ay nawalan sya ng asawa.Buti hindi nya alam kung saan ang ville natin.Ang ipinagtataka ko lang nung nagkaroon ng pagrescue doon, bakit hindi natin sila nakita.At ang sama ng tingin nya sa ville natin?" mahabang litanya ni Dad.
Tumingin sya sa paligid hanggang napadpad ang paningin nya sakin.Nagulat sya ng bahagya ngunit nakabawi at matipid na ngiti ang binigay nya sakin.
Hindi ko parin maintindihan?

"Catt just come with us and youll know what you want to know" pormal ang pagkakasabing yun ni Dad.
Naglakad na sila sa masukal na gubat at sumunod kami ni Ezk, nasa likod kami nila dad.Naalala ko bigla nung nakita ko si Ezk sa gubat na to.
Sya noon yun hindi ako nagkamali.

"Calm your mind Catt.Just wait and youll know what you want to know" mahinang usal sakin ni Ezk.Habang naglalakad kami ay tumigil sila Dad.Nakayuko ako kaya napatingala ako dahil nakita kong tumigil na  sila.

Pagangat ko ng ulo ko ay napanganga ako.
Eto yun.Ito yung nakita ko nung una akong nagpunta dito sa gubat.Ang gate!.
Malaki ang gate at halos umabot ito sa  langit.
Napapalibutan ito ng halaman at dahon.At nagmumukhang luma ang berdeng gate.
Nung una kong makita ito ay parang simpleng gate lang.
Ang nakapagtataka kung matagal na ito dito bat nun ko lang napansin, kasi since nagkaisip ako ay lagi ko namang tinatanaw ang gubat at wala akong makita na ganito dahil puro puno lang ang nakikita ko.
At sa sobrang taas nito posibleng hindi ko mapapansin.
Its getting more weird.Creepy!

Nakahawak si Ezk sa braso ko at marahan nya tong pinisil.Napatingin ako sakanya at ganun rin sya.

"Because your turning 16 Catt" usal nya sakin.
Ha? Like what Rook said.What about that 16 thingy?

Binitawan nya ang braso ko saka ngumiti.
"You'll know later.Dont be too excited." nakangisi nyang sabi.
Nagawa mo pa talaga akong ngisihan ha.Ang laki ng kasalanan mo!sigaw ko sa isip ko.

Pagkatapos ay nakita ko si Dad na pinatong nya ang kanyang kamay sa gate kasabay ay ang pagbukas ng maliit na parte ng gate na kasya ang isang tao lang.
Lumiwanag sa loob non na nakakasilaw.

Sinilip ko ang pinto at sumakit ang mata ko sa sobrang liwanag.

Ano ba to? Araw naman ata ang laman nito?

"Hahaha" narinig kong tawa ni Mr.Taylor.

Napakunot noo akong tumingin sa kanya.Pero nakangiti lang ito.Pumasok naman si Dad sa nabuksang parte na yun at hindi ko na sya nakita.
Nakapasok na ba sya?

Sumunod naman si Mr.Taylor at gaya ni Dad ay linamon nadin ito ng liwanag.

"E-ezk" kinakabahang tawag ko sakanya.Pero ngiti lang ang tugon nya.Iginaya ako sa harap ng pinto kaya napatakip ako ng mata .Tinulak nya ko at pagkaalis ko ng kamay ko sa mga mata ko ay nasa ibang lugar na ako, ibang mundo.
Ito ba ang loob nung gate?Wow!

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon