XII

111 6 1
                                    


Just Great!
--

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong ingay na batid koy mula sa labas.Panigurado akong  sila Cm at Cl yon.

*Gisingin mo na dali El!" Mimi

"Why me? Youre the one who suggested it"  El

"Arg! Ikaw na. Go ahead!"- mimi

"Ayaw! Dont wanna"- El *

Yan ang naririnig kong dialouge sakanila.Minulat ko ang mata ko.Madilim sa kwarto at muli ay nanibago ako. Totoo ang lahat ng nangyari at walang isa din ang panaginip. Minsan ay nakadama ako ng kaba. Ano ang magiging buhay ko dito?

Narinig ko ulit ang usapan ng dalawa kaya bumangon na ako.

Ano na bang oras? Linibot ko ang mata ko sa kwarto, nakakapanibago talaga.Hindi ko kabisado dito.

Hay! So this is it.Masasanay din siguro ako.

Bago ako lumabas ay inayos ko muna ang nakusot kong damit.

Pagkabukas ko ng pinto ay patuloy parin sila sa pagkukulitan kung sinong gigising sakin .Pagkakita nila sakin ay nagulat sila at biglang napatayo sa sofa.

"Oh Catt weve been arguing here for hours to wake you up.Atlast." Parang gumaan ang loob na sabi nito.Kanina ko pa nahahalata na
english sya ng english.Pero nagmumukha naman talaga syang foreigner dahil sa buhok at mata nyang brown.
Mauubusan pa ata ako ng baong english sa isang to!

"Oo Catt.Ito naman kasing si El.Ayaw.Aayain ka namin sanang kumain kasi di ka pa nagsusupper e" nakapout nitong sabi.

Hindi ako sumagot at nauna na lang akong pumasok ng kusina. Aaminin kong nagugutom na  ako. Hindi ko pa alam kung papaano ko sila pakikitunguhan kasi hindi naman ako friendly lalo na sa mga girls kaya ganoon ang inasta ko.

"Anong kakainin natin?" tanong ko ng binuksan ko ang ref. Trying to be approachable.

"Ahm Ms.Hidge will serve our food for us wait there"  umalis si Cl at naiwan kami ni Mimi sa kusina.
Ms Hidge? May katulong ba sila?

"Inutos ng papa mo na sa unang araw mo dito ay ipagluluto ka muna but next day hindi na." nakangiting sabi sakin ni Mimi.
Sheet!They can read mind too?

Tumawa naman si Mimi sa pagkagulat ko at sinubukang lagyan ng pader ang isip ko.
Now do you read mine?

Parang nagtaka sya bigla sa pagngisi ko pero nakabawi rin at ngumiti.

"Your mind is now close." pagkasabi nya nun ay napangiti ako.Hinila nya ako sa dining table at pinaupo.

Naghintay lang kami doon, walang nagsasalita sa amin kaya napakatahimik ng paligid. Dahil din sa katahimikan ay madali naming narinig ang mga yapak ng mga paparating.

"Theyre coming" napatingin ako sakanya.

"Ahm-"napatigil ako sa pagsasalita gusto ko sanang magtanong pero nahiya ako bigla.

Buti na lang at dumating narin si Cl bago pa sya magtanong.Sa likod ni Cl ay isang babae na nasa around 30's ang age.Makinis ang balat nito at may mapupungay na mata.Nakasuot ito ng white blouse na loose and blue skirt.May tinutulak itong trolley na sa tingin ko ay pagkain ang nakalagay doon.

Ngumiti ito sakin ng sobrang tamis ginantihan ko naman sya ng tipid na ngiti saka nagtuloy sa mesa.

Ilinapag ng babae na sa tingin ko ay si Ms.Hidge ang mga pagkain sa mesa.Sa gilid ko sya kaya nakita ko ang maliit na tattoo sa leeg nya.
YL? Ano naman yun.
Masyado na ata akong curious.Tumingin na lang ako sa mga pagkain. Masasarapa ang mga pagkaing nakahain na mas lalong nagpagutom sa akin.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon