35 My mother

34 2 0
                                    

--
Wala akong ginawa ng buong maghapon kahapon. Napakaraming nangyari ng nakaraang linggo at naubusan na ata ako ng gagawin ng sabado. Hindi natuloy ang lunch na pinagusapan namin ni Prof. Kang. Iyon ang balita ni "Ares" pangalan ng home administrator namin. Yung bumati noon sa amin noong unang punta ko dito. Yes hes like a robot. Gustong gusto ko pa naman ng malaman ang importanteng sasabihin niya.

Si Cm at Cl ay nasa mission kaya magisa lamang ako sa bahay. Ayoko namang lumabas mag-isa pero ngayong araw, Linggo, ay talagang bagot na bagot na ako at kailangan ko na talagang lumabas dahil mababaliw na talaga ako. Lumabas ako ng bahay, maalinsangan ang panahon kaya nagdala ako ng payong. Alas dyes na ng umaga ngunit marami pa rin ang mga yukong palakad lakad sa paligid.  Bagama't maraming yukon ang nakakalat ay tahimik ang lugar. Mahangin din kahit na tirik ang araw. Marami akong nalalampasang mga yukong nagaayos ng kani kanilang plant boxes sa harapan ng kanilang mga bahay.

Nang makarating ako sa station ng mga sasakyan ay nagdadalawang isip ako kung saan ako pupunta. Sumakay ako ng jeep. Mukhang wala na din ako sa tamang pag-iisip dahil tulala ako sa buong byahe. Hindi ko rin alintana ang malakas na hangin na humahampas sa mukha ko. Ang katahimikan ay nakakapagpaginhawa ng pakiramdam ngunit hindi mapanatag ang isip ko't parang ilinilipad ng malakas na hangin.

Nang bumaba ako ng jeep ay napatingin ako sa lugar kung saan ako bumaba. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Alam kong wala akong dahilan para magpunta dito. Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo.

Bagama't nagdadalawang isip akong magpatuloy ay might as well ituloy ko na lang tutal andito na ako. Napatingin ako ulit sa arkong nakatayo sa harapan ko. Ito pa lamang ang bayan na napuntahan ko sa ville. Gaya pa rin ng dati ibang iba ang aura ng paligid. Simple ang mga nakatira dito maliban na lamang sa isang bahay.

Tinuloy ko na ang paglalakad at pumasok na sa Bizzle Town. Sa paglalakad ko ay naalala ko si Kiel. I hope nasa mabuti siyang kalagayan. I always pray for him at night.

Gaya ng inaasahan ko, karamihan sa mga taga rito ay simple lang ang buhay. May mga batang nagtatakbuhan sa masikip na kalsada. Hindi mo aakalain na may ganitong simpleng lugar dito sa ville dahil sa downtown ay ang mga naglalakihang gusali at mga kagamitang pinaghusay ng siyensa. This town is far different from the heroes villa. Ang mga tao ditoy simple ang kasuotan. Mas lalo kong napagmamasdan ang ganda ng lugar.

Lumiko ako sa kanto sa kaliwa at bumungad sa akin ang tahimik na kalye. Kung kanina sa bungad ng bayan ay may makikitang mga bata at mga yukon pati na rin ang kanang parte. Ang nga bahay sa kalyeng ito ay mukhang sarado. Hindi ko ito napansin sa mga nakaraang pagpunta namin dito ni Kiel siguro ay dahil may kasama ako. Bihira talaga pag mag-isa ka marami kang napapansin at kinakain ka ng sistema ng paligid.
Ilang metro naman sa harapan ko ay ang napakalumang bahay na dalawang beses ko ng napuntahan. Ganoon pa rin ang idinudulot nitong pakiramdam sa akin. Chills run down my spines. Everytime I set my foot on this street I feel alertness.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa bahay. Habang palapit na palapit ako sa bahay ay ang paglakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko aakalaing pupunta ako dito na hindi kasama si Kiel. I remember I said I have no reason to come here. Its true I don't have a reason to come but look at me now, Im one step closer to the door.

Kumatok ako ng tatlong beses sa lumang pinto ng bahay. Aakalaing mong sa isang suntok mo lang dito ay bibigay na. Tumingin ulit ako sa mga bahay na kalapit nito. Wala atang nakatira sa mga iyon. Naala kong isarado ang payong na dala ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad bumungad sa akin ang magarang disenyo ng bahay. The house never failed to amaze me. Kahit ilang beses na akong nakapasok dito ay hinahangaan ko pa rin ito. Nakakabingi ang katahimikan sa loob na parang walang naninirahan sa lugar.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon