XXII

74 4 3
                                    

--
I woke up and its still dark in the room so I thought morning is still far from this time.I woke up in bed and my feet direct me in front of the Comfort room. Silence is eating the room. As my right foot touches the doormat then the door opens after recognizing it.

But I gasped in surprise on what I saw. Instead of the white clean c.r but an open field was in front of me.
H-how?

Wala akong masabi. Hanggang dito ba may ganitong illusions din?
Tiningnan ko ulit ang paligid pero mas ikinagulat ko pa ang paglitaw ng maraming nakaitim na lalaki sa harapan ko.Gaya ng mga kinalaban namin kanina.Marami sila at tansta ko ay nasa mga sampu sila.Nakamaskara sila ng itim rin at mga mata nilang nanlilisik at nakakatakot ang nakikita ko sa mukha nila.

Naghuhurmentado ang puso ko sa kaba.Namalayan ko na lang nasa open field na ko at wala na ang kwarto sa likod ko.
Ano na namn ba to?

Hindi nila tinatanggal ang mga masasamang tingin nila sakin na para bang papatayin nila ako.Halos manginig ang buong katawan ko dahil sa pinaghalong kaba at nerbyos.Natuod ako sa pwesto ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko? Kung tatakbo ako ? Marami sila maabutan rin nila ako.

Mas ikinagulat ko ang paglabas ng mga sandata ng mga lalaki.Iba iba ang hawak nila at pawang nakaamba itong lahat saakin.May mga metal weapons at kakaibang sandata na ngayon ko lang nakita.

Mas lalong lumakas ang dagundong ng puso ko.Nanlalaki ang mga mata ko at gusto ko ng maglupasay sa lupa.
Katapusan ko na ba? Ganun na lang ba kadali ang buhay ko?

'You need to be strong'

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni Mama.Parang nabuhayan namn ang loob ko.Napakuyom ako ng kamao at tiningnan ang mga lalaking nasa harapan ko.
Tama hindi dapat ako naduduwag at dapat maging matapang ako.Pero pano?

Hindi ko alam kung pano nangyari pero biglang lumitaw sa harapan ko ang isang espada.Tinaas ko ang kamay ko at nasummon ko yun.Nagulat lang ako ng ang espadang yon ay ang espadang ginamit ko kahapon sa klase.

Nang walang kagatong gatong ay iniamba ko na rin ang hawak kong espada sa kanila.Hindi ko maiintindihan ang sarili ko kung san ko ngayon nakukuha ang lakas ng loob ko pero ang mahalaga ay hindi ako magpatalo.Kailangan kong sumubok lumaban bago ako sumuko.
Tama.Kaya ko to.Nakaya ko kanina dun.

Pinapalakas ko ang loob ko kahit sobrang bilis na kabog ng puso ko.
Nakalimutan ko atang marami sila at magisa lang ako?

Lumapit ang isang lalaki sakin at mabilis na umatake.Espada ang hawak nitong sandata.Nakaiwas din namn ako ng mabilis sa pagsugod nya.At ako naman ang umatake sakanya pero gaya ko ay mabilis din itong nakailag.
Arhg.

Nagsasanggaan lang kami ng espada gaya ng ginawa ko sa klase ay naghahanap lang ako ng tyempo para matapos ko sya.

Nagulat ako ng sinipa nya ako sa tagiliran ko.Naramdamn ko ang sakit sa parteng yun pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa espada ko.Inatake ko sya at winasiwas ang espada ko pero nasangga nya yon.

Hindi ko tinatanggal ang tingin sa lalaki dahil baka maisahan ako nito.Paulit ulit kong iwinasiwas ang espada ko sakanya pero panay din ang sangga nito.

Habang magkalapat ang espada namin sa isat isa ay sinubukan kong sumuntok ng malakas sa mukha nito.Hindi naman ako nabigo dahil napaatras ito.
Kung hindi ka madaan sa espada.Edi sa sapak na lang kaya?

Nakabawi naman agad sya sa pagkakasapak ko pero mas sumama ang tingin nito sa akin.Napaatras pa ako ng kaunti.

Iniaamba ko ulit ang espada ko.Nagiikutan pa kami, naghihintay kung sino ang unang aatake.Nagdesisyon na akong sumugod at dineretso ko ang espada ko sa sikmura nya pero laking gulat ko ng pagkatapos kong masaksak ng espada ang lalaki ay nagsilapitan lahat ng kasama nya.
What? Nakalimutan ko hindi pala sya nagiisa.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon