V

153 11 0
                                    

--

Sinampal sampal ko ang  sarili ko ng limang beses nagbabasakaling nanaginip laman ako. Pagkatapos ay binaling ko ulit ang tingin sa gubat pero wala nakong makita kundi mga puno na lang.
Sabi na e imagination ko lang.

Whats happening to me lately? Especially my vision? Hayss.

(Breakfast)

"Mom,Dad did you go to the forest last night?" may bahagi pa rin sa aking hindi imahinasyon ang nakita at narinig ko kagabi kaya natanong ko na lang bigla sakanila. I want to confirm if its really just me and my imagination last night.

Nanlaki naman ang mata ni Mom and dad pero nakabawi rin at nagsalita.

"What? Ano naman gagawin namin dun Catt?" Pagtataka ang nasa mukha ni dad sa pagsabi 'nun at parang kinakabahan na ewan.

"Yes its so scary and creepy there" maarteng sabat ni Mom na ikinabigla ko dahil hindi naman ganun ang usual na tono ng salita nya.
Nagtinginan saglit sila Mom and dad.

"Okay then,Did you two fight? "tanong ko sabay subo sa hotdog na ulam namin.

"NO!" sigaw nilang pareho sabay nagtinginan pero nagiwas lang ulit ng tingin .

"Weird"  base sa kinikilos nila mukhang may pinagaawayan. Para silang tanga. Bahala kayo dyan.


Pagkababa ko ng kotse ay hinintay ko munang makaalis ang car ni Mom. Kinawayan ko naman sya at umandar na paalis ang kotse niya.

Maglalakad na sana ako papuntang room ng-
Andito na naman to?

Yung lalaki kahapon ay nakaharang na naman sa daan ko at seryosong nakatingin sakin . He's really serious about his revenge?
Seriously? Problema nito sakin?

Binilisan ko ang lakad at umiba ng way. Iiwasan ko na sya bago pa may mangyaring hinding hindi nya magugustuhan.
Baka mabugbog ko to. Iwas ako sa gulo ngayon.

"Wait!"sigaw nya.Sinusundan nya talaga ako?
Hindi ako nagreact at nagpatuloy maglakad.Takbo at lakad narin ang ginagawa ko.
Nako medyo malayo pa naman room namin kasi dito pako dumaan.Aish.
Cant he stop ruining? Hes really getting in to my nerves. Konti na lang talaga.

"Wait nga!"nahabol nya ko at ngayon nakaharang na ang katawan nya sa daan.Hingal na rin siguro sa pagtakbo. Ngunit ang mukha nya ganun parin seryoso.

Gusto ba talaga nitong mabugbog? Mukhang mapagbibigyan ko ata. He's going way too far.

"Yung sinabi ko kahapon seryoso ako dun.Hindi ka normal.Your a-"

Bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay nasuntok ko na sya sa mukha.Napaupo pa sa sobrang lakas ng pagkakasapak ko. Hindi na ako nakapagtimpi pa ng inis ko.

Tumayo sya at hinawakan ang pisngi nyang namumula na ngayon.,Hindi man lang niya ininda ang sakit.

"Hindi ako nantritrip o ano.Malapit ka ng mag 16 diba? Ibig sabihin tumatalas na pandinig at paningin mo." Seryosong seryoso parin ang mukha nya.Nakakainit naman talaga ng ulo. Hindi pa ba talaga sya titigil?

Sobra talagang lakas ng trip nito.San ba nanggaling na planeta to? Ano bang nakain nito at kung anong kalokohan ang lumalabas sa bibig nya.

"E ano kung mag16 ako? Wag mo nga akong idamay sa problema ng utak mo.Shk!" naiinis na talaga ako. To the highest level.

"Isa kang yukon!" sigaw nya sa mukha ko.Uminit lalo ang ulo ko kaya nasapak ko ulit sya, doble sa lakas ng ginawa ko kanina.Pero himalang parang wala lang sakanya 'yon. Ano ba ang gustong mangyari nito at ayaw pa akong tigilan? Ano bang mapapala niya?

"Letse ka!Wag ako.Mabilis uminit ang ulo ko at baka mapatay kita"galit kong singhal sa mukha nya.Nakaclose fist na ako at nagpipigil na talaga ako.
Sumosobra na to.  Nagpapakabait na nga ako.

"Hoy kayo dyan!"sigaw ng isang teacher kaya napatingin ako.Bumalik ang tingin ko kay Rook habang palapit naman ang teacher namin.

"Are you doing it again Catt.I saw you punched him!" masamang tingin ang binigay sakin ng teacher. Tiningnan ko lang ng walang buhay ang matandang guro.
Eto na nga ba ang sinasabi ko.

"Maam we're just practicing for the roleplay" sabi naman ng lalaki sa teacher. Napatingin ako kay Rook. Pinagsasabi nito?

"Okay kala ko pa naman.Just.Magiingat ka sa batang to!",sabay turo sakin at umalis na. What?

"Isa kang yukon Catt!" sigaw ng lalaki at tinalikuran na lang ako ng basta basta. I left dumbfounded.

Yukon? Ano yun? Ngayon ko lang narinig ang word na yun? Iba rin ang trip ng isang yun.Pwede nya namang sabihin na aswang ako. Baliw.

Naglakad nako papuntang room dahil narinig ko na kanina pa nag buzzer.

Pumasok agad ako ng room at umupo sa tabi ni Ezk.Buti na lang nakatalikod si Maam at hindi nakita ang entrance ko.Strikta pa naman. Ayoko na ng isang gulo pa.

Habang nasa klase ay napaisip ako sa sinabi ni Rook.About sa pagiging malakas ko at matapang and about sa hearing and paningin ko.
Naalala ko bigla yung akala ko nakita ko si mom and dad sa gubat na isandaang metro ang layo pero nakikita at naririnig ko sila.
Imagination parin ba yun? Okay, I should stop thinking those stupid things cause it doesn't help at all.

Hindi ko namalayan ang oras, nakatunganga lang  ako sa buong klase namin.
"HUY!" malakas ang sigaw na yun na gumising sa diwa ko.Si Ezk.

"Huy kanina pa kita tinatawag recess na po.Anong problema at muntanga ka?" nakangising tanong ni Ezk.

"Ahm si Rook kasi-" hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi biglang may kinuha si Ezk sa bag nya.Cellphone. Lumayo sya sakin at may kung ano anong pinindot. Mukhang may tinatawagan.

Nagtaka ako kaya lumapit ako sa kanya. Nakatalikod sya at parang nanginginig.

"Ezk" untag ko sa kanya at nakitang ko kung pano manigas ang katawan nya, sabay baba ng phone nya.Humarap sya saking namumutla.
Whats with the face?

"Catt anong sinabi sayo ni Rook" seryoso nitong tanong nakatingin sya deretso sa mata ko. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Ezk.
Rook? Naiisip ko na naman yung mga pinagsasabi nyang wala namang kabuluhan.

"Wala. Pinagtritripan lang talaga ako nun.Nakadalawa nga ako sakanya e." yung suntok I mean.Ayoko ng ikwento yung mga imbento ni Rook.
Yukon? Nakakatawa.Saan naman nya naman napulot yun.

"Sigurado nga.Yung mukhang yun." Pilit ang mga tawa ni Ezk at parang may pinipigilang emosyon.

"Yup,gutom nako tara kain na" aya ko nalang sakanya at kinuha na namin ang gamit namin at nagpunta sa Canteen.

--

Ty.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon