VII

126 7 0
                                    

Enjoy!
--

Habang kumakain kami ng almusal ay narinig ko ang pagtikhim ni Dad. Hindi ko naman inalis ang tingin ko sa pagkain. Hanggang ngayon ay masama ang loob ko sa desisyon nilang magkaroon ako ng guard. I cant imagine.

"Catt From now on si Mr. Taylor na ang magdradrive for you to school" Seryoso ang tono nya, ibig sabihin  ay wala ng dapat kumontra pa.

Hindi naman na ako nagsalita pa baka bigla na lang sumabog ang kagaguhan ko at kung saan pa mapunta itong usapan nato.

Si Mr.Taylor nga ang naghatid sakin.Sa kotse ay pasulyap sulyap sya sakin habang nagmamaneho.
Hindi ko na lang ito pinansin at natulog na lang sa byahe.

Pagkababa ko sa kotse ay hinintay kong makaalis si Mr.Taylor. Pero hindi man lang to gumagalaw sa loob.

Kinatok ko ang bintana sa driver's seat at binuksan naman nya ito.
"Sige po pwede na po kayong umalis" magalang kong utos dito.

"Haha.Guard mo ako.Kung nasan ka andun ako bata "ngisi nitong sabi. Hindi na ako umangal pa dahil alam kong utos na naman ni Dad iyon.

Naglakad na lang ako papuntang classroom.Pagpasok ko ay nandun na si Ezk at nakaupo.

"Hi Catt!" Masaya nitong bati sakin.

"Kadiri mo!" sagot ko dito at umupo na sa upuan.

"Kadiri ka dyan. Hello dapat sagot mo. Aish!" natatawa nitong sabi sakin.

Hindi ako umimik. At sinalpak na ang headphones ko. Wala pa ang teacher kaya halos nagwawala ang buong klase. Nakakarindi.
Bat ba kasi late na naman yung teacher nayun? Puro kwento na nga lang sa klase late pa. Psh.

Hindi na rin nagsalita si Ezk dahil may ginagawa sya sa phone nya. Hindi ko na pinakialaman at pinikit na lang ang mata ko.

Hindi dumating ang teacher naming 'yun kaya isang oras kaming muntanga.
Sa pangalawang teacher naman namin ay naglesson sya ng isang oras.
Nakakabagot. History kasi yung subject.

Nasa canteen kaming kumakain  ay bigla kong naalala si Rook. Hindi ko alam pero bigla nalang nagpop sa utak ko 'yung mga sinabi nya dati.
'You're a yukon'

"Ezk pano nga kung totoo yung sinabi sakin ni Rook?" sumbalat ko kay Ezk. Napatigil sya sa pagkain at napanganga.

"Anong t-to- too?"- utal nitong tanong.
Acting weird again. Matatakot ba to sakin kung sakaling hindi ako tao ganon?

"Iniimagine ko kasi baka superhero ako. Baka anak ako ng isang hero.Tapos kontrabida pala ako kasi ako yung nambubugbog. Haha.Just imagining!" natatawa kong sabi. Nagsisimula na naman kasing mamutla ang mukha nya.

"Oo nga pano kung anak ka ni Captain Barbell? Haha!" Matagal bago sya sumagot pero sa wakas ay nakisakay na rin sya sa joke ko.

"Ediwow!"  sabay kaming tumawa ng malakas.
Habang tumatawa kami ay may nahagip ang mata kong nakatingin sakin.Tumigil ako sa pagtawa at tiningnan ang babaeng nakatitig kanina sakin. Natigilan ako ng nagiba ang kulay ng mata nya.It turned black to gray? Nang dahil siguro sa light.Masyado kasing maliwanag sa parte kung saan siya nakaupo.

Pinagmasdan ko sya ng mabuti.Wala syang ibang kasama. Well maganda sya, hanggang balikat ang buhok at maputi.

"Hoy sinong tinitingnan mo? Ha? Natotomboy ka na namn e!" napatingin ako kay Ezk.Napatigil kasi ako sa pagtawa dahil sa babaeng nahagip ng mata ko.

"Yung babaeng yun kakaiba sya para bang may iba akong naramdaman nung nakita ko yung mata nya" seryosong saad ko kay Ezk at pinagmasdan ulit ang babaeng yun ngunit patayo na sya sa upuan at tuluyan ng lumabas ng canteen.
Iba talaga e.Kung may ano akong naramdamang nang nakita ko yung mata nya.

"Talaga ba?" tanong ni Ezk.Tumatango-tango siya at ngumiti. Naku baka crush nya.

"Nagagandahan ka sakanya no!" pangaasar ko dito.Kumunot ang noo nya at ngumuso.
Aha! Huli ka balbon!

"Hoy catt wag ka ngang magimagine dyan.Oo maganda sya pero hindi ko sya crush" sagot niya

"May sinabi ba akong crush mo? Ikaw ata nagiimagine dyan e!" natatawa kong sagot
Nako bestfriend!

"Wala kang sinasabi pero yang isip mo malikot." seryoso nyang sabi. Nalaman nya agad nasa isip ko.Haha

"Sus masyado naman tong defensive.Sige na hindi mo nayun crush kasi.Kasi bakla ka!" yan ang sinabi ko at tumawa ng malakas.
Ikaw lang talaga ang nagpapatawa sakin ng ganito.Ang sarap asarin!

Sa sinabi kong yon ay kumunot ang noo nya at pulang pula na ang mukha nya.Maputi si Ezk kaya mahahalata mo na namumula na mukha at tenga nya.
Oh no!Galit na ba sya sa lagay na yan? Haha.

"Anong sabi mo Catt? Bakla? Halikan kita dyan e!" deretso nitong sabi sabay ngisi at nguso sakin.

Pero bago ko pa sya barahin ay biglang kumulog at umulan ng malakas.
Ang ganda naman ng panahon kanina a. Yun din ang sabi ni kuya kim e! Naku naman!

Habang umuulan ay lalong lumakas ang hangin kaya biglang nagbukas ang glass door ng canteen at linilipad ang mga ibang gamit sa loob. May pilit na sinasara ang pinto pero pati sila ay naililipad na rin. May bagyo ba?

Nakatingin lang ako sa entrance ng canteen. Hindi ako makapali dahil sa lakas ng hangin. Nanindig naman ang balahibo ko sa nakita ko.May biglang lumitaw na nakatayong lalaki sa pinto.Matangkad.At ang nakakatakot ay sakin sya nakatingin.Maingay sa loob ng canteen.Nagkwekwentuhan ang mga tao.
Pero mas lalo akong namutla sa nakita kong nangyari sa lalaki sa pinto sa canteen.
Pano? Totoo ba ang nakita ko? Anong nangyari ? Ako lang ba ang nakakita?

Mukhang ako nga lang ang nakakita dahil mukhang normal naman ang lahat.Bumaling ako kay Ezk.Nagulat din ako sa ekspresyon ng mukha nya.Parang kinakabahan at may pagaalala ang nakapaskil sa mukha nya.
Did he saw what I saw?  Its horrible.

Matagal ng wala ang lalaki sa pinto ngunit hanggang nagyon hindi parin ako makakibo.Nakita kong naging tubig ito kanina at bigla nalang naglaho.Paglaho ng tubig nayun ay ang pagtigil ng ulan at pagliwanag ng paligid.
Sinong hindi matatakot dun? I dont think its my imagination.

"Catt did you see anything?!"seryosong tanong sakin ni Ezk.Napatigil ang pagiisip ko at tumingin ako sakanya.

What did I just saw? What did just happen awhile ago? Totoo ba talaga iyon?

Hindi ako makasagot dahil  ngayon lang ata ako nawalan ng tapang.Nanginginig ang tuhod ko at nanunuyo ang lalamunan ko.
Imagination lang ito yun diba?

"Catt Please answer me." nagaalalang tanong sakin ni Ezk.

Hindi ajo makasalita.Iniisip ko parin ang nakita ko.
Naapektuhan ako ng ganito dahil sakin nakatingin ang lalaking yun at nakita kong nakangisi sya sakin.
Tell me how to react on that?

"Catt imagination lang iyon" sabi ni Ezk na aalalayan akong tumayo. Pano nyang masasabing imagination yun kung hindi nya rin nakita?

"No Ezk.Did you saw that also?" Pigil ko sakanya at sa wakas ay nakapagsalita narin ako.

Hinihintay ko lang ang sagot nya.Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita. Titig na titig sya sa mukha ko at parang nagaalinlangan syang sagutin ako.

--
Ty.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon