36 Try Unity

45 0 0
                                    

--

Martes ng makasalubong ko sa entrance ng hallway si Prof. Kang. Pumasok tuloy sa isipan ko ang importanteng bagay na sasabihin niya.

"Catt, puntahan mo ako mamaya sa room 53 pagkatapos ng klase mo" Iyon lamang ang nabanggit niya ng nakasalubong ko siya.

Muli ay nakasalubong ko din ang pinakahuling gusto kong makita sa araw na ito. Hindi ko kasabay si Craig ngayon dahil hindi ko siya naabutang naghihintay sa station kanina.

Gusto ko siyang lampasan ngunit hinarangan na niya ang daan bago ko pa man gawin iyon.

"Anyeonghassaeyo!" Napakunot na lang ang noo ko sa bati niya sa akin. Sa tingin ko ay Korean ang ginamit niya na ang ibig sabihin ay "Hello". Mukhang umaga pa lang ay balak na niyang bwisitin ang buhay ko.

Binigyan ko lamang siya ng tamad na ekspresyon. Wala ako sa mood tarayan siya pero nasa mood ata akong sapakin siya. Medyo nangangati na rin kasi ang kamao ko at mukhang siya ang unang una na makakatikim non.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Ayaw ko na sana siyang pansinin kaso talgang nakakainis ang mukha niya.

"Wala ka bang ibang magawa sa buhay kundi mambwisit?"

"Haha. Anong ginagawa kong masama?" Natawa siya sa sinabi ko. Tama wala naman siyang ginagawang masama pero hindi ko alam pero hindi talaga maganda ang tingin ko sa mga ikinikilos niya tungo sa akin. Para bang may mali.

"Anyway, I heard na sa greenexia department ka. So kasali ka sa screening sa Friday?" Malawak ang ngiti niya na mas lalong nakakapakulo ng dugo. Ngunit may alam kaya ito about sa mission?

"Alam mo ba about sa mission na iyon?" Ngayon lang siguro akong nagkainteres na kausapin siya.

"Mmm" Nakahawak siya sa kanyang baba na para bang pinagiisipan iyon. Muli ay nagtaka ako kung ano ba talaga ang posisyon niya dito sa school. Paniguradong hindi siya nagtretraining. Maari ding isa siyang propesor.

" Dahil espesyal ka sa akin ibabahagi ko iyon kapag nakapasa ka." Malapad ang ngiti niyang sinambit iyon na nagpataas ng kilay ko. Hindi talaga bagay sakanya ang magtagalog.

" Isa ako sa mga magsscreen so galingan mo ha!" Hindi na ako nakareact pagkatapos niyang sabihin iyon dahil umalis ito bigla.

Ngayon ay pagdududa na sa akin ang totoong pagkatao ni Louise. I think he is the new Chief that Prof. Kang mentioned last time.

Sumusulpot sa saan at kailan niya gusto pero bakit napakataas na ng posisyon niya gayong napakabata ng itsura niya?

"Catt?" Nagising ako sa pag-iisip sa pagtawag sa akin ng pamilyar na tao. Craig.

"Bakit ka nakatungnga diyan?" Tuluyan na siyang nakaharap sa akin. Tumitig ako sa mukha niyang naghihintay ng sagot ko.

Pansin ko ang naglalakihan niyang eyebags. Hindi kaya siya nakatulog ng mabuti?

Napansin ko rin ang unti unting pagkunot ng noo niya. Pakiramdam ko ay nagslow motion ang lahat kumbaga'y parang ang bagal ng oras.

"Catt, are you okay?" Kinurap kurap ko ang mata ko dahil sa inaasta ko. Ano bang nangyayari sa akin? Ang weird.

"Let's go?" Tumango na lamang ako sa hiya. Gusto kong pagalitan ang sarili ko mukhang nasisiraan na talaga ako ng ulo. Louise. Louise. Isa ka bang spy?

Pagpasok ng klase ay nasa ibang dimensyon na naman kami. Nasa isang malawak kaming complex. Pareho lamang ito sa complex na makikita sa labas ng ville kaya lamang ay hindi open ang field. May bubong itong itim na parang nasa kalawakan ngunit may malaking ilaw sa gitna na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Sa gitna ay ang berdeng field at nakapalibot dito ang ruberized na pink na trackfield. May mga nakatayo ding tent around the oval. Nakaagaw naman ng pansin sa akin ang mga kaklase kong may kakaibang aura sa araw na ito.

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon