39 Fireworks

42 1 0
                                    

--

Hirap na hirap akong magsinungaling kay Prof. Kang. Hindi siya naniniwalang ordinaryong misyon lang iyon. Hindi ko naman kasi napaghandaan ang magiging sagot ko sa tanong niya dahil biglaan din iyon kaya hindi ko siya masisi.

Ngayon ay pauwi na ako galing weapon training. At ang nakakapagtaka wala na naman si Craig. Two days kaming nanatili sa Charlotte at ni hibla ng buhok niya ay hindi ko nakita at ni hindi nakausap. Feeling ko tuloy ay iniiwasan niya ako. Galit kaya siya sa akin dahil sa hindi ko pagsama sa kanya nung nakaraan?

Habang palakad ako palabas ng gate ng school ay biglang kumirot ang parteng leeg ko. The heck!

Napatigil na rin ako at napahawak sa batok ko. Parang nasaksak sa parteng iyon. Ano bang nangyayari?

"Let's go" Nagulat ako ng may humila sa kamay ko. Nanlaki pa kamay ko ng malaman kung sino iyon. Likod niya lamang ang kita ko dahil nauuna siyang maglakad. Nagpapatangay lamang ako sa paghila niya habang pinagmamasdan ko ang likuran niya.

A moment ago I was thinking about him but now here he is. His body is relax and his hair is a mess. I can't see his face but I know what its look like. Cold.

Bigla ay may kung anong umusbong sa dibdib ko. And I know whats the reason of it. I finally saw him and its a relief na mali ako ng akala na iniiwasan niya ako. Nawala na rin ang kirot na nararamdam ko sa leeg ko. Kung ano man iyon ay hindi ko alam.

Hila hila niya ako hanggang nakarating kami sa station na hindi ko man lang namalayan dahil nakatingin lang ako sa kanya the whole time na I think its crazy.

Una siyang pumasok sa bus.

Hindi pa rin siya umiimik hanggang sa sumakay at lumilipad na ang bus. And I'm worried. Mas malala pa kesa sa feeling na iniiwasan niya ako sa pagiging tahimik niya. Dapat pala sanay na ako dahil ganoon naman siya lagi pero iba kasi ngayon. Yet so near but still so far ganon. Hindi din ako makapagsalita na hindi ko alam kung bakit.

Hanggang sa bumaba kami at nakapasok na sa villa. Napakatahimik ng paligid habang papalubog na rin ang araw. May mga kasabay din kaming naglalakad pauwi.

Nang nasa kanto na kami kung saan lagi kaming naghihiwalay ng landas ay tumigil ako.

"Ahm.."

"Ihatid na kita hanggang sainyo" Hindi niya na ako pinatapos magsalita at kumanan na salungat sa daan niya pauwi.

"Craig!" Habol ko. Tumigil naman siya ng hindi lumilingon.

"Okay na ako. Wag mo na akong ihatid"

Ngunit mukhang wala ata siyang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa bahay. Tigas talaga din ng bungo nito e.

"Ang kulit naman nito e!" Sigaw ko kaya napatigil siya ulit. Ilang sandali pa ay humarap siya. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa. I thought he was cool on that point until he passed from where Im standing without looking at me. His eyes were cold as ice. Napabuka na lang ang bibig ko. Wala talaga siyang manners. Tss.

Naglakad na lang akong nakabusangot. Hindi naman niya sinabing ganoon siya kadaling kausap. Pwede niya namang ipilit na ihatid ako e! Wait! Ano ba tong inaasta ko. Shet!

"Catt!" Ayoko na sana siyang pansinin ngunit nakalapit din siya agad sa akin at sumabay pa sa paglalakad ko.

"Ganyan na naman mukha mo?" Tanong niya. Isa rin tong panira e.

"Wala to. Umuwi ka na" Walang gana kong sagot habang nakabusangot pa rin. Nakakastress ang lahat.

"Ganon talaga si Craig pag nagtatampo" Nagtatampo? Marunong ba siya ng ibang emosyon? Ang alam ko wala siyang pakiramdam. Bato yun e!

My Long Lost  WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon