Nagmamadali nako magbihis at mag ayos ihahatid daw ako ni Glen. S.het di ko mapgilan di isipin ung kanina.
KANINA:
"Uhm, I didn't mean to.." sabay takip niya sa mga mata niya gamit ang mga palad niya.
"Uh-uh.. okay lang yun" Sabi ko nalang pinepeke ko yung ngiti ko kasi alam kong nkakahiya na nakakahiya na talaga. T.ina!
"Ako nga dapat mahiya. Di ko naisip na may bisita ako nakalimutan kong ganito lang yung ayos ko" dagdag ko sabay napatingin nalang ako sa baba namamula-mula
Iniangat niya ang mukha ko gamit ang hintuturo niya tapos tinignan ako ng malalim. Ung para bang nakikita niya lahat ng kung ano ako. Nababasa niya ung isip ko.
"Nakita ko na din yan wag kang mag-alala" sabay ngisi at tawa.
Tinapik ko ang kamay niya tska ako namula lalo. S.het talaga
"Langya ka! Pervert!" Sambit ko tska ko tinignan ng masama. Pero ilang saglit lang mejo natawa ako. Hindi dahil natuwa akong nakita niya yun pero nung nkita ko xang tumatawa parang may kumakabog sa dibdib ko. Ang gwapo niya. Namiss ko din pala siya kahit hindi gaanong maganda yung paghihiwalay namin.
SA KASALUKUYAN:
Nasa loob kami ng sasakyan niya. Isang Silver na Audi R8. Big time na nga siguro siya. Well, wala namang duda kung ikaw ba naman ang galing sa mayamang pamilya.
"Ang lalim yata ng iniisip mo" tanong niya bang nakatingin sa kalsada at hawak ang manubela.
"Di naman. Natutuwa lang ako" ngiti ko sakanya
"Bakit? Kasi ang gwapo ng driver mo?"
"Aba! Hambog! Haha! Di rin, di ko lang kasi inakala na maalala mo pa ko"
"J.. ikaw di ko maalala? Iniwan moko noh, you broke my heart" tumingin siya sakin at agad ding binalik ang tingin sa kalsada
Pimaghahampas ko siya! Langya toh!
"Ang drama mo oy! English-english kapa jan! Dapat nga ako nagsasabi niyan!" Anlakas nanaman ng tawa niya. Eto na nga yung Glen na laging nakangiti, panay tawa, mapang-asar. Yung Glen na minahal ko dati.
"Tama na. Tama na. Nag dri-drive ako haha! Ikaw ang humiwalay noh."
"Kasi niloko moko.. sinaktan moko.. diba?" Mejo sarcastic ang pagkasabi pero nung natapos kong banggitin nakaramdam ako ng sakit. Sakit na di ko maipagkakaila na sumira ng mundo ko nuon.
Tahimik na siya. Kaming dalawa. Bumalik sa pagkaka awkward yung situation. Sana di ko nalang sinabi yun. Traffic pa mandin kaya natatagalan ako dito sa kotse niya.
Rinnngggg.....
"Hi!, uhm oo on the way na nga ako. Kasi naman traffic. Ikaw?.."
"Oh okay sige po, ingat ka. Iloveyou"
"Boyfriend? Kevin perhaps?" Taas kilay na tanong ni Glen na tila di makatitig sakin.
"Yep. " tipid kong sagot
Awkward na masyado yung set up. Para bang nawala yung kakulitan namin. Naisip ko nga pano kung di kami naghiwalay? What if di sya nangaliwa? Kami padin kaya?
Oo nangaliwa si Glen. Ang masaklap nahuli ko pa. Student nurse pa ako nun. Naalala ko pa. Claro yung nakita ko.
FLASHBACK..
Jessica: Beh, bf mo pa ba si Glen?
Ako: Sira, nung klasemg tanong yan?
Jessica: Diba yung Glen yung napakilala mo sakin? Yung matangkad, mejo maputi tapos may pagkachinito?
Ako: Aba! Akin lang yun ha! Hahaha!
Jessica: Nasaan ka?
Ako: On the way nako pauwi ng Baguio. Siguro in 15minutes nasa school na kami. Mag eendorse pa kasi galing akong community duty.
Jessica: Di nga?
Ako: Tatanong di maniniwala -_-
Jessica: Nagiinuman kami ng friends ko. Nasa kubo grill kami.
Ako: Naka uniform pako noh, tska alam mo namang di ako umiinom.
Jessica: May papakita ako sayo... emergency toh, may babae si Glen mo.Pagkababa namin ng school tumkas na ko ng school. Kinakabahan ako. Di ko alam kung totoo ba o biro lang. Di kasi seryoso yung pinsan ko masyado.
Classmate ko din si Kevin nun. Ka group ko siya ng duty kaya nagpaalam ako sakanya tska iniwan muna sakanya mga bagahe ko. Nagtaxi ako nagmadali. Habang nakasakay di ko maexplain yung nararamdaman ko. Para akong nasusuka. Ansama ng tiyan ko.
Ako: dito ko labas
Jessica: w8"Nagbibiro kaba? Yung totoo? Tumakas ako ng endorsement para dito" mejo may pagtataka at inis kong sabi. Hinatak niya ko papasok ng inuman. Sa may di kalayuan may nakita akong 2 mukhang magsyota.
Tinuro ni Jessica yung lalaki pero di ko padin makita ng maayos, mejo madilim at side view.
"Oo yata.." kinakabahan na talaga ako. Tumayo silang dalawa tska hinawakan nung lalaki yung bewang ng kasama niya.
Halos lumuhod ako at umiyak. Kung sasabihin mong kaibigan mo kailangan hawakan sa bewang? Kung lasing kailangan nasa bewang yung kamay? Di pde sa balikat nalang?
Hinatak nanaman ako ni Jessica para magtago. Lumabas sila at across ng bar marami ding mga bar at motel. Akala ko lilipat sila pero hindi...
"Papasok silang --- inn. Diba sa koreano yun?" Tumingin sakin ang pinsan ko. Alam kong kita niya na ang sakit na nararamdaman ko.
"Tara" sabi ko lang
Sumunod kami agad nung nakausap nila yung receptionist. Nagpa log in samin yung receptionist dahil nagdahilan kaming may kakilala kaming naka check in. Binggo! Ginamit ni Glen yung tunay na pangalan niya.
"Room 01 may additional po pag dito kayo mag stay in. Pag more than 2 people kasi may per/head na bayad"
Nagdahilan nalang kaming may kukunin lang. Ayaw kaming papasukin nung una pero pinilit namin at nakalusot. Mga 5 minuto din kami sa front desk.
"Ano? Kakatukin ko na ba?" Ani Jessica
"Natatakot ako. Pano kung may nakahubad?" Nanginginig na mga tuhod ko
"Hanggang dito nalang tayo? Di na natin itutuloy?"
"Hindi..andito na tayo..ituloy na natin.."
"Subukan kong buksan?"
Tumango ako. Sa isip isip ko nanalangin akong sana naka lock pero sa isang banda naman sana nakabukas. Dahan dahan sinubukan ni Jessica ikutin yung door knob.
--
"We're here. Should I open the door? Or baka nanjan si Kevin magselos pa sakin" tanong ni Glen."Ah, kaya ko na. Thanks Glen! It was nice seeing you. Uhm, be safe driving" tsaka ako bumaba di kona siya hinintay sumagot kasi feeling ko napatanga ako sa flashback.
![](https://img.wattpad.com/cover/61046724-288-k616610.jpg)
BINABASA MO ANG
Mine Alone!
DiversosA woman's story on how to conquer the fear of trusting people. Pano ba mag mahal ulit pag naranasan mo nang ginagamit ka lang ng mga taong minamahal mo. Kung puro mga g.ago yung mga nagiging boyfriend mo, possible pa bang maniwala ka sa LOVE? This s...