JJ's POV
Dalawang araw nakong hindi nagpaparamdam kay Glen. Alam ko naman na hindi reasonable kung bakit kami nag aaway o nagtatampuhan ngayon.
Hindi ko talaga alam. Haay! Nasa La Union si Anna kasi may business trip din siya. Ang hilig mag business trip ng mga kakilala ko.
Nanunuod ako ng TV ng biglang may nag doorbell. Wala naman akong ineexpect n darating dahil alam kong busy sina Gwen at Aries.
Isang bouquet ng bulaklak amg sumalubong saakin pagkabukas ko ng pinto.
"Hi JJ!" Nakangiting iniabot ni Kevin ang flowers.
"A-eh Kevin! Napadaan ka? Para saan toh?" In shock na tanong ko.
"Wala naman, off ko kasi. Kaya umuwi ako dito sa Baguio kagabi. May ginagawa kaba? Yayain sana kitang mag coffee" abot tenga padin ang ngiti nito.
Hindi sana ako sasama kaso wala din naman akong ginagawa.
xx
"Talaga? Di ang strikto siguro sa Dubai noh?" Interesadong interesado na pagtatanong ni Kevin
"Hindi naman. Sanayan lang ng lifestyle" ngiting sagot ko.
Inabot kami ng isang araw para mag catch-up. Grabe andami na talagang nagbago. Ikakasal na pala siya next month. Oo kay Anica din. No hard feelings. Kung sila talaga di sila.
It wa almost 9pm galing kami sa dating places na pinupuntahan namin. Wala naman masyadong nagbago.
"Heyy its almost late. I should take you back" alok ni Kevin
"Its okay, I can take a cab hindi naman kalayuan yung apartment" sa totoo lang kaya ko naman. Im a big girl I can handle myself.
"Its okay. I insist Jen. Eto naman you know I care about you soo much kaya kailangan kitang ibalik."
"Hahaha! Anong pick up line naman yan. Parang hindi ako tao a" sabay pahampas na joke ko sakanya.
"Syempre naman kinuha kita sainyo di dapat ibalik din kita diba. Paramg hiniram lang" ngumisi ito at tumawa. Natawa na din ako sakanya. Okay na kasi kami. May proper closure na kami sa mga nangyari at tanggap ko na yung past.
xx
Glen's POV
I was driving my way to Anna's apartment para sunduin si Jennifer. Aalukin ko sanang magstay na siya sa condo ko. Ayokong napapalayo siya saakin at isa pa, gusto kong linawin sa kanya yung mga nangyari nuon.
Malapit nako magpark ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Ipinark ko ng di kalayuan yung sasakyan at nanatili ako sa loob.
WHY IN F.UCK'S SAKE IS SHE WITH THAT A.HOLE! Nandidilim ang paningin ko habang pinagmamasdan silang nagtatawanan at inihahatid niya si Jennifer sa may pinto.
Gusto ko ng bumaba at basagin ang mukha ng lalaking iyon. Nagpipigil ako dahil ayokong madagdagan ang galit saakin ni Jennifer. Ayokong gumawa ng isang bagay na maaring magiging sanhi ng paghihiwalay namin.
Then it happened. They were in eachothers arms. She hugged him. Di ako nagkakamali kahit hindi malapitan alam kong si Jennifer ang yumakap kay Kevin!
Hindi nako nakapagpigil. Idinerecho ko yung sasakyan at binangga yung nakaparadang red fortuner sa harapan ko. Hindi ko na sila tinignan. Nawala na lahat ng excitement kong makita pa si Jennifer.
Agad agad akong nag drive paalis pagkatapos ng ginawa ko.
xx
Jj's POV
"Oh my g.od! Kevin!" Itinuro ko yung mabilis na sasakyang dumerecho sa kotse niya at saktong tumalikod ito ay nasaksihan namin ang pagbangga ng isang puting Audi R8 sa fortuner ni Kevin.
Tumakbo kami patungo sa mga sasakyan ng biglang agad na umalis ang driver.
"F ck man! What the hell!" Sigaw ni Kevin sa humarurot na Audi.
Sa isip isipan ko.. Audi R8.. Di ako pwedeng magkamali. Si Glen!
"Call the cops Jen!" Sigaw ni Kevin habang tinitignan ang damage na nagawa sa sasakyan niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa pinakamalapit na station.
Dumating ang mga pulis kasama ang isang towing truck. Inanyayahan kaming magbigay ng statement sa mga nangyari.
"Kilala niyo po ba yung may ari ng bumangga sa sasakyan niyo sir?" Pagtatanong ng pulis.
"Hindi pero alam kong madali lang natin mahahanap yung taong yun. Its impossible for a small city to own a lot of Audi's" halata sa boses niya ang galit.
"Mam kayo po?" I looked guilty and the policeman was skeptical.
"U-uhm hindi po.." nakayuko ako habang nag iisip. Bakit ginawa ni Glen yun. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya yun.
Natapos ang interrogation at umalis ang mga pulis kasama ang sasakyan ni Kevin para maimbestigahan.
"Di ako mapakali. Pag nalaman ko kung sino yun idedemanda ko siya!" Sigaw ni Kevin.
Nanginig ako sa takot. Takot na maidemanda si Glen. Takot na hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa iyon. Sa pagkakaalam ko I didn't do anything wrong.
"Uhm Kevin.." may bahid ng takot at pag aalala ang boses ko. Tumingin ito at ng makita niya ang itsura ko huminahon siya.
"I'm sorry JJ.. sorry kung napasigaw ako. Im not mad at you.." ibinaba niya ang ulo niya and I know how sincere his words were.
"Hindi iyon.. I have something else to tell you.." nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Pwede bang huwag ka ng magdemanda? Babayaran ko nalang lahat ng damages sa auto mo?" Ako nalang ang nag alok dahil ayoko na sanang lumaki pa yung issue.
"Hey! Are you crazy? Hindi naman ikaw ang nakasira nito"
"Technically, kasalanan ko yung nangyari" hinawakan ko yung kamay niya. Nagmamakaawa nako sa lagay na ito. Huwag naman sana.
"What are you talking about?" He looked at me intently and I just can't say the words.
"Jen, paanong may kinalaman ka dito?" Tanong niya ulit ng hindi ko siya sinagot.
"That.. that was Glen."
xx
Glen's POV
I found myself drinking myself to sleep sa condo ko. It was a painful sight I'd like to forget. Like WTF was she doing with him and why'd she give him physical affections.
Nakakailang baso nako habang nakaupo sa swivel chair ko sa may home office. Ito lang kasi ang kwarto sa buong condo na hindi namin nilagyan ng memories ni Jennifer.
The bedroom, kitchen and other parts reminded me of her. Of how beautiful she is. How her small baby walks made mw want her even more.
"Arghh!" I can't stand the thought of her anymore! Ibinato ko ang baso and it shattered to pieces.
xx

BINABASA MO ANG
Mine Alone!
RandomA woman's story on how to conquer the fear of trusting people. Pano ba mag mahal ulit pag naranasan mo nang ginagamit ka lang ng mga taong minamahal mo. Kung puro mga g.ago yung mga nagiging boyfriend mo, possible pa bang maniwala ka sa LOVE? This s...