Chapter 9

165 6 2
                                    

Glen's POV

"Napatawag ka yata Rob?" Sagot ko sa cellphone kong nagring kanina lang

"Sir, kanina pa po kasing mga 7pm bumalik ng apartment niya si Ms. Santera. Hindi na yata siya aalis duon. Patay na po kasi lahat ng ilaw." -Rob/Private Investigator

"Ah.. ganun ba. This is the last day you'll be following her. Makakaalis kana diyan. Salamat" tska ko ibinaba ang tawag.

Ganun na lang ba kamahal ni Jennifer si Kevin para bumalik sa piling niya? Oo nagkamali ako dati pero ni konting pagtingin ba wala na siyang maibigay saakin?

I think this is it. I have to move on. Total, bumalik lang ako ng Pinas para ayusin yung mga papers ni Dad para maisama ko siya sa California.

"Krishna, mag set ka ng meeting bukas ng umaga. I want it to be done first thing in the morning. Para sa lahat ng heads ng department" sabi ko sa intercom. Naawa din ako sa secretary ko. Yung oras ng pag uwi ko, oras na din ng pag uwi niya.

--

Jj's PO

"Ahh.. Kev.. Kevin!" Ito ang mga katagang naririnig ko mula sa babaeng iniuwi ni Kevin. Nanigas padin ako sa sofa.

Naramdaman kong malapit sila saakin, napahawak pa yung babae sa backrest ng sofa, pinilit kong wag sana gumalaw para hindi nila ako makita.

"Huwag dit...too.. last time we did it here muntik nating mabasag yung vase remember. Dun nalang tayo sa room" Last time?! Last time ba talaga?! Ibig sabihin matagal ng may ginagawang kababuyan tong Kevin na toh?!

"Sure Hon, alisin na din natin toh" sabi nung demonyo habang nararamdaman kong naglalakad sila papuntang bedroom

"Ayyy!" Sa tingin ko. Sa tingin ko talaga naglalampungan pa sila! Gusto ko talagang tumayo sa kinahihigaan ko at balatan silang dalawa ng buhay tska iprito sa kumukulong mantika!

Hanggang sa narinig kong nasa bedroom NAMIN sila.. bakit ganun?.. hindi ko nararamdamang nasasaktan ako.. pero alam kong galit na galit ako..

Tumayo ako ng dahan dahan at kinuha ang bag ko na inilapag ko sa may kusina. I can hear them moaning. Hndi ko na kailangan silipin pa dahil alam ko na ang kalalabasan nito.

I took my stuff. Buti nalang talaga hindi ko dinala lahat ng gamit ko dito. Nagpakahirap akong gamitin yung flashlight ng cellphone ko para hanapin kung san ako dadaan ng walang ingay..

Then I left.
--

1 year later

"Jennifer Joan Santera, hindi mo na ba talaga kami pagbibigyan?" Eto nanaman si Anna e..

"Anong ibibigay ko? Nagpadala nga ko sainyo 2months ago lang. Tapos padala ulit??" -ako

"Umuwi kana ng Pinas, please kahit 1 buwan lang" -Aries

"Mars! Marami kaming ipapakilala sayong yummy!" -Gwen

Nag-skype kaming tatlo at oo eto nanaman sila. Mga makukulit na kaibigan. Pinipilit nila akong bumalik ng Pinas pero sa totoo lang ayoko muna..

Marami akong trabahong tatapusin tska 2 year contract naman itong pag nunurse ko sa Dubai kaya tapusin ko nalang.

--

Glen's POV

It's been a year. Since I came back in California. I wonder how she is. Huling balita ko bumalik na siya kay Kevin.

Matagal-tagal na din kaya siguro kailangan ko ng mag move on. I don't think may mangyayari pa kung aasa nalang ako na one day makukuha ko siya. Yes she was mine, then I made a mistake.

"Excuse me sir, uhm you need to fly in Dubai next week. Ilalaunch na daw po kasi natin yung mini-shops natin duon and kayo ang inaasahan ng employees para magbigay ng opening speech" nabulabog ang pag-iisip ko ng biglang nagsalita yung secretary ko sa intercom.

"Oh yes about that. I'll be looking forward to it" I pressed the intercom ang responded.

Oo nga pala next week na yun. I wish I could just stay here. Nakakapagod na yung laging out of town tapos out of the country naman. I feel exhausted.

--

After a week..

"Krishna, I'm headed to the condotel. Please cancel all my appointments for today. I'm not feeling well and I think its because of the jetlag" I was lying. But I am not feeling well, not because of the jetlag because I'm used to travelling. It's because I feel tired.

Gusto ko munang makapag unwind. Kakarating ko lang trabaho nanaman. I'm afraid I wouldn't be able to relax once I started working.

My place is on the 9th floor. Finally, I reached my room. May veranda and I think the place is nice. It feels like home and everything is neat. I planned to sit down and enjoy the view from the veranda. It would be nice to take time and have a break before I start going back to business.

Pagkaupo ko I saw my neighbor from the other side. I was about to say 'Hi' pero papasok na ito ng kanyang kwarto. She was wearing her nighties and I wonder bakit naman ganun ang suot niya tanghaling tapat. Siguro ay tamad itong kapit-bahay ko kaya kagigising siguro. Sayang, I didn't have a chance to take a look at her.

Mejo malayo kasi ang pagitan ng veranda. Pero sa tingin ko ay dalaga pa siya. Maputi at kasing tangkad ni Jennifer. S.hit. I should really rest. Hanggang dito ba naman naiisip ko padin siya.

--

Jj's POV

Katatapos ko lang magbrunch sa veranda. Sa tingin ko ay may kapit-bahay nako sa floor na ito.

Sa condotel ako nagstay kasi ayokong kumuha ng sarili kong apartment dito sa Dubai. Halos parehas lang kasi ang gastos at kung tutuusin maraming bawal sa dito.

Mas magandang dito nalang ako at alam kong safe sa tuwing tulog ako. Besides, mas naeenjoy ko dito. Mababait yung mga taong dito din tumitira.

Balak ko din namang lumipat sa mas cheap na place, kailangan ko lang munang maging pamilyar sa mga lugar. At pag isipan kung ipupush ko pa ang mag trabaho dito pagkatapos ng 2year contract ko.

Day off ko kasi ng 3 days. Usually, dito nalang ako nagstay. Minsan nag ma-mall din pero uuwi din agad. Wala naman din kasi akong kasama.

Narinig ko sa mga tao dito na may nagpareserve daw na magandang babae sa kabila. Mukha daw itong may kaya. Siguro ay dapat ko siyang i-welcome. Baka maging magkaibigan kami.

--

Kevin's POV

"Anica ano ba! Tigilan mo nga ako!" Ang kulit ng babaeng toh. Masyadong makati.

"Pero Hon, antagal na natin tong hindi ginagawa.." inilagay niya sa harap ng slacks ko yung kamay niya. Hinihimas niya yung harapan ko.

"Not now! Pwede ba! Have some decency?! Nasa opisina tayo!" Galit na paratang ko. Wala talaga ako sa mood para gawin, makita o makausap pa siya. Nakakabadtrip tong babaeng toh.

"Why?! Dati rati sige ka ng sige! You said you loved the way how wild I was fulfilling all your fantasies! Simula nung nawala yung EX mo nagkakaganyan kana!" Galit na galit itong umayos sa pagkakatayo at nakatingin sakin na tila gusto akong pagsasampalin.

"Mahiya ka naman Anica! Iba yung nuon sa ngayon! Mas marami tayong dapat gawin ngayon, nas trabaho tayo ok?! At for your information hindi ko EX si JJ! Girlfriend ko padin siya! Hindi kami naghiwalay!" Iniwan ko siyang nakatanga nalang sa loob ng opisina ko. Siguro ay nasaktan ko siya dahil nakita kong nasa sukdulan na siya ng pag-iyak. Pero wala akong pakialam.

Wala siyang karapatan para sabihin na wala na kami ni Jen dahil wala naman talaga kaming formal break-up.

Umalis lang siya. Alam kong kahit anong mangyari babalik at babalik siya sakin.

--

A/N

Salamat po sa support :) sana dumami pa po tayong mga readers. Ü Vote and comments nalang po thank you 😊

Mine Alone!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon