Chapter 23

138 4 1
                                        

Jj's POV

Sigurado akong inis na inis na si Glen sa tono palang mg boses niya sa phone. It was his fault. Masyado siyang isip bata. What can he expect from me. Hindi naman dahil exclusive na kami na e mag aala-madre nako.

I think responsibilidad din ng babae na manatiling malinis at maganda kahit na committed sila. Hindi dahil kayo na. Kampante kana. Pwedeng palosyang-losyang nalang.

Hindi ko padin mapigilan ang matawa ng dahil sa mga sinasabi niya kanina. I got lost in my day dreaming ng biglang may kumatok sa pinto ng lumang kwarto ko.

"Oh Manang! May problema po ba?" Nakangiti ito at nakatayo sa harapan ng pinto.

"Wala naman anak. Hapon na kasi. at uhh.." tila nahiya ito bigla at hindi makatingin sa aking mga mata.

"Manang naman may problema po kayo eh" pagpupumilit ko para sabihin niya saakin.

"Pwede bang dito kana muna iha? Hindi daw ulit kasi makakauwi si Rico ngayong gabi" tila malungkot ang boses nito.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Yun lang naman pala po! Oo naman po" tsaka ko siya hinawakan sa magkabilang balikat at nginitian.

She had a wide plastered smile on her face. I was happy to make her happy. Malapit kasi ang loob ko sa mga nakakatanda. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing malungkot sila ganun din ako.

"Sige maghahanda ako ng hapunan. Magpahinga kana muna at tatawagin kita mamaya" pagpapaalam nito at ako naman ay tumango lang.

--

Binuksan ko ang mga cabinet at kung anu ano pamang kahon na naiwan sa kwarto ko. Nakita ko ang mga lumang pictures namin ni Glen. We were so young back then. Young, wild and so inlove. I could not resist reminiscing on what we had in the past.

Ngunit naalala ko din ang mapapait na pangyayati na siyang nagdulot ng paghihiwalay namin. Speaking of which.. I never asked him why. Why did he cheat on me. Was I not enough?

--

Glen's POV

I can't help but think about Jennifer so much. Masyado niya ng sinakop ang kalalimlaliman ng pag iisip ko. I still can't believe I have her back. My Jennifer. My sweet, beautiful Jennifer.

I took a break from reading several contracts and thought about checking up on her.

Hey. How are you? Did you have dinner? -sabi ko sakanya as soon as she picked up the call.

Actually, dito ako sa bahay matutulog tonight. Yes I'm fine. How about California? -I noticed a different tone when she spoke. I even hear her sigh

California is as busy as usual. But never busy for you. What's wrong?

Nothing's wrong. Wow. Never busy huh? Nagtatamad tamaran kananaman e.

Don't change the topic Jennifer. Alam mong magtatamad tamaran ako pag kasama kita -I can feel it. She's hiding something from me.

I promise. Wala talaga.

Spit it out babe. You know you can tell me anything. Napipilitan ka lang bang mag stay jan sa lumang bahay niyo?

Ofcourse not! I missed this place and I'm glad to spend time with Manang Cora. -wow she was defensive.

Sabihin mo na nga kasi.anu ba yun?

Okay. I was looking over some old stuff and I found a lot of memories stacked in boxes. Like pictures and other things.

Oh, so hindi ka masaya sa mga nakita mo?

Hindi naman sa ganun. Natutuwa nga ako. I'm happy I still have them. Its just that..

Just what?

Can I ask you something?

Go ahead.

Bakit ka nambabae nuon?

--
Glen's POV

I couldn't sleep thinking about the conversation we had a while ago. Hindi ko siya nasagot. Bigla kasing dumating yung secretary ko informing me of a meeting.

Alam ko she might be feeling a bit upset. I wanted to give her an answer. I really do. Pero kahit anong pagdadahilan hindi ko maitatanggi na nasaktan ko parin siya.

Jennifer doesn't deserve that. I know I f.cked up but that doesn't mean I can't change. Kaya nga hinanap ko siya ng ganun katagal.

I tried to call her when I got back to my condo but she wasn't picking up. I think I might have upset her. I wanted to go home. I really do. Pero ang dmi ko pang kailangan asikasuhin.

--

I woke up the next morning still with no text nor call from her. I was worried. I sent her a message asking what she was doing. Tapos nakong magbihis at lahat lahat. Nasa opisina nako wala padin siyang reply.

I gave out a sigh. I rubbed my thumb and index finger in between my forehead. I was frustrated. Bakit kailangang sirain ng past kung anong meron kami ngayon.

--

Jj's POV

I was upset. I mean I AM. Hindi ko alam kung bakit.. pero I think that's normal right? Niloko niya ako nuon. Nagtanong ako kung bakit pero hindi ako sigurado kung iniiwasan niyang sagutin yung tanong o talagang busy lang siya.

I wanted an answer. Its something that destroyed us before but why do I feel like its something destroying us NOW.

Nagtext si Glen ng ilang beses. He even called me but I didn't want to talk to him at the moment. I'd rather enjoy my stay dito sa bahay kaysa magalit or mainis sa phone.

Nilibang ko na lang ang sarili ko. Ang dami ko ngang nagawa bago pumatak ang 11 ng gabi. Nalibot ko lahat ng kwarto.

Nakita ko na din lahat ng photo album at nakalkal ang mga lumang gamit ni lolo. I miss him so much. He raised me up because I lost my parents at a young age. Walang kapatid ang papa ko at si mama naman ay wala akong kilala sa mga kapatid o relatives niya.

Masyadong complicado ang love story nila ni papa. Bawal na pag ibig. Kaya nga si lolo ang nag aruga at nagpalaki saakin. Naluha ako habang hawak ang huling polo na suot ni lolo bago siya nawala.

"Iha. Magpahinga kana" a warm smile and a soothing tone came around the room. Si Manang Cora.

"Umiiyak kaba anak? Namimiss mo ang lolo mo?" Napansin niya ito habang siyay palapit.

"Wala ho ito. Sana lang andito pa siya. Para maging proud siya sa kung anong narating ko ngayon"

"Kailan man.. ang lolo mo.. hindi siya nawalan ng dahilan para ipag malaki ka. Mahal na mahal ka ni Don Arturo." Umupo ito sa tabi ko at di ko maiwasang yakapin siya ng mahigpit.

"Salamat po. Bakit gising pa po kayo? Dapat nagpapahinga na kayo ng ganitong oras sa edad niyong yan Manang"

"Itong batang toh talaga. Kaya ko pa naman. Tsaka hinanap lang kita baka gusto mong ipagtimpla kita ng gatas ka-ko" muli niya akong nginitian at ganun din ang ginawa ko pabalik.

Mine Alone!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon