Chapter 8

190 6 3
                                        

"So, napaka OA naman ng lolo mo!" pagcocomment ni Aries sa kwento ko.

"Oo nga! Agree ako jan! Ano ba yang buhay niyo? Teleserye?!" Dagdag pa nitong si Gwen

"Anong plano mo? Tuloy tuloy na yang pagpapaka-private nurse mo jan sa g.agong Kevin na yan?" May galit sa tono ni Anna. Hindi kasi siya yung tipong naaawa nalang basta basta.

Haay hindi ko nalang sila sinagot. Nakatambay kami sa isang coffee shop at nag focus nalang ako sa pag inom ng kape.

"Ano na bakla? Iinom kanalang bang kape? Di mo na kami kakausapin? Sabi nitong si Gwen

"Oo nga. Di mo man lang ba sasabihin kung gusto mo padin ituloy yang relationship niyo ni Kevin" dagdag ni Aries

"Hindi ko alam. Ako nga hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.. pano ko kayo bibigyan ng kasagutan."

"E kung hiwalayan mo na si Kevin? Niloko ka na nga niya diba?!" -Anna

Tumango naman sina Aries at Gwen. Haay ang hirap talagang kausap nitong tatlo. Maliban sa ang gugulo nila hindi pako makapag isip ng mabuti.

Nagtatalo silang tatlo sa kung sino ang mas gwapo, mayaman, masarap.. blah blah... kina Kevin at Glen ng biglang may nakita ako across the street. Gawa sa glass wall ang coffee shop kaya kita mo ung mga nagdadaan na tao.

Nakita ko si Kevin.. akala ko ba masama padin pakiramdam niya? Nakatayo siya sa tapat ng isang coffee shop din.

Nagsasalita si Gwen pero di ko na siya pinansin hanggang sa nakita niya na din yung nakikita ko.

"Omg mga bakla! Diba si papa K yun? Akala ko ba bedrest siya ng ilang days?" -Gwen

"Ayy! Mukhang may hinihintay! Baka naman nagtext sayo Jennifer!" -Aries

Agad ko namang tinignan yung cellphone ko, wala namang text or call. Umasa ako na ako nga yung tatawaga o itetext niya. Hawak niya din kasi yung cellphone niya.

"J, kailangan na yata nating umalis.." mejo wala sa mood si Anna.

"Ayyy!!!" -Gwen &Aries

Napatingin ako agad kay Kevin. Anak ng! Si Anica! Pumasok silang dalawa sa coffee shop!

--

Kevin's POV

Nabalitaan ni Anica yung nangyari sakin. Kinailangan kong magsinungaling na masama yung pakiramdam ko para hindi muna kami magkita ni JJ.

"I was so worried! Bakit di moko sinabihan agad. Nalaman ko nalang na nasa hospital at nakalabas ka na daw" Anica pouts.

"Sorry na hon. Lam mo naman, kailangan nating wag muna magpakita in public" sagot ko sakanya. Oo mahal ko si JJ.. pero kailangan ko din si Anica.

Lahat ng gusto at pinapagawa ko kay Anica susunod siya. Literal. Init ng katawan. Mas wild siya kay JJ.. aaminin ko.

"Pero okay kana ba? Bakit naman kasi hindi mo na hiwalayan si GIRLFRIEND! andito naman ako.. ni hindi ka nga sa apartment umuwi nung lumabas ka" halatang nagtatampo na ito sakin.

"Hon. Alam mo naman kung bakit diba. Kasi siguradong ipapaalaga ako ni Mama kay JJ. Sa apartment namin ako nag stay pero pwede naman tayong dun nalang muna mamaya" ngumisi ako alam naman na nito kung anong tinutukoy ko.

"E pano si GIRLFRIEND? Andun din siya? Di threesome?! Ayoko nun ha" natawa naman ako sa reaction niya.

"Hahaha! Hindi noh! Mas magaling ka kaya sakanya. Tska wala siya dun. Di pa yata siya ready bumalik."

--

Jj's POV

"Ano na bakla? Hahatakin ko na ba palabas yang higad?!" -Aries

"Isama mo na din yung shokoy! May patawa-tawa effect siyang nalalaman! Ang landi talaga ng lalaking yan!" -Gwen

"Jennifer Joan Santera! Ano ng binabalak mo?! Tatayo nalang tayo sa may poste magtatago, manunuod?!" -Anna

"Umalis na tayo.. mag uusap kami niyan mamaya" yan na lamang ang natatanging sagot ko sa tatlo. Alam ko naiinis sila sakin pero ayoko ng scandalo. Nurse ako. Ayokong binabalita ako ng mga cheap news papers or kinakalat ang video na social media. Uso pamandin sa ngayon ang mga yan.

"Ganun anun na lang?!" Aba, sabay sabay pa sila. Magkakautak talaga tong mga kaibigan ko.

"Oo ganun-ganun na lang.."

--

Glen's POV

"Sir, bumalik na po yata si Ms. Santera sa apartment niya. Dun po siya magdamag. Nilabas na po kasi yung boyfriend niya sa ospital" report sakin ng PI ko. (Private Investigator)

"Ganun ba.. wala bang ibang tao maliban sa kanilang dalawa?"

"Wala naman po sir. Pero napansin ko po hindi pa po yata duon natutulog si Ms. Santera. Kasi di niya pa po ibinalik yung mga gamit niya at umaalis po siya ng mga 9pm at bumabalik ng apartment ni Ms. Gonzales" haay.. sa tingin ko mas pinili padin ni Jennifer yung gagong yun.

"Salamat. Makakaalis kana" at agad namang umalis yung PI ko. Napasandal ako sa swivel chair ng aking opisina. Tumingin ako sa taas.

Binigay ko naman sakanya yung patunay na niloloko lang siya.. bakit hindi niya kayang bitawan yung lalaking yun. Siguro nga.. mahal niya si Kevin. Pero mas mahal ko siya. Kaya kong ibigay lahat ng gusto niya. Akin siya. Akin lang dapat siya.

--

Jj's POV

"Text mo ko agad pag sinaktan ka ha! Physically or emotionally mahahampas ko siya! Or rather siya ang ihahampas ko sa pader!" Pagbibilin ni Anna.

Sinabi ko kasi na babalik na muna ako ng apartment. Gusto kong ayusin yung samin ni Kevin. Gusto ko din malaman kung bakit siya nakipagkita kay Anica.

Ayokong mag isip ng masama dahil tao lang ako. Hindi ako perpekto. Nakokonsenxa padin ako sa nangyari samin ni Glen nung sumugod siya sa apartment.

Hindi ko na muna kinuha ang lahat ng gamit ko sa apartment ni Anna dahil medjo madilim na at mahihirapan akong buhatin at ayusin ito pagbalik ko ng apartment lalo ngayon baka mabinat si Kevin.

--

Nakarating ako ng apartment nung mga 7pm na. Madilim ang buong paligid. Hindi pa nakauwi si Kevin?

Nilibot ko ang bahay at wala nga siya. Isusurprise ko nalang siya. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang adobo.

--

Ayoko siyang itext dahil gusto ko siyang masurprise.. alam kong di niya ineexpect na babalik ako agad dito sa apartment pero 11pm na wala pa siya.

Tinext ko si tita Alice kung nanduon siya pero wala naman daw. Inisip ko nalang baka nagtrabaho o nagreport sa office nila.

--

Nagising ako sa ingay na may kumakaluskos sa pintuan, pagod na pagod ang pakiramdam ko ng biglang may tumatawa...

"Ahh, Kevin.. not here" sabi ng babaeng boses.

Nakahiga nalang ako sa sofa. Patay lahat ng ilaw dahil nga sosorpresa ko sana si Kevin..

"Ang bango mo padin talaga! Kahit galing ka pang trabaho!" May naririnig akong tila naghahalikan at naglalandian papasok ng bahay.

Kinabahan ako! Literal di ako gumalaw ni huminga nahirapan ako! Hindi ko alam kung natatakot akong makita nilang nandito ako o natatakot akong makita ko sila at masasaktan lang ako!

Mine Alone!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon