"Oh my gosh! Anong ginawa mo?!" Tumakbo ako palapit sa pinto. Nang binuksan ni Anna ng maigi ang pintuan hawak ni Glen si Kevin na duguan ang mukha.
"Ito ba yung g.agong pinagmamalaki mo sakin?!" At tska sinipa ni Glen ang tiyan ni Kevin.
"Get out Glen!" Hindi ko na napigilan at napasigaw ako. inalalayan ko si Kevin papasok ng apartment pero si Anna tila in shock pa siya sa nkita. Nakatayo lang siya sa may door frame at tinitignan ang kasalukuyang itsura ni Kevin.
"J, diba niloloko ka ng gagong yan? Hindi mo ba alam yon?! Mabuti nalang nalaman ko pa sa iba bago ka niya tuluyang masaktan. Kulang pa nga yan!" pumasok si Glen at nakatayo sa harap ko habang iniayos ko si Kevin para mahiga sa sofa. Nagulat ako sa sinabi ni Glen at akmang tumayo ako sa galit.
"Ang kapal din naman ng mukha mo! Bkit?! Anong pinag kaiba mo sakanya Glen?! Ginago mo din ako hayop ka!" Nanginig ako sa galit at sinenyasan ko si Anna para kunin ang first aid kit.
Bumalik ang tingin ko kay Glen na tila nasaktan sa mga binitawan kong salita. Kasi totoo naman. Parehas lang sila. Wala silang pinagkaiba.
"Umalis kana Glen. Ako ng bahala dito. Please wag kanang bumalik dahil wala kang alam.." sinubukan kong huminahon dahil ayoko ng makapagbitaw ng masasakit na salita. Oo nasaktan nila ako pero hindi ibig sabihin na sasaktan ko din sila.
"Jj, you are comparing two different issues. Iba yung noon. Yung satin. Sa ngayon.." nakatingin sa sahig si Glen na tila ba nagsisisi sa ginawa at mga nasabi.
"Walang pinag kaiba yon. Parehas kayong nanloko. Parehas kayong makati. Pareho kayong hindi nakuntento.. lumayas kana.." tumayo ako para ipagbukas siya ng pinto at sumunod naman siya.
Ng nasa tapat ko siya ay bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin saakin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero dahil sa may pinag samahan kami nararamdaman kong nasasaktan at nalulungkot siya.
--
"Ang haba ng hair mo te ha!" Sabi ni Gwen na nag bra-braid ng buhok ko.
"Oo, mahaba talaga yan! Gusto mo bigyan kita?" Mejo sarcastic kong sabi
"Hindi naman literal! G.aga! Ibig kong sabihin dalawang lalake na yung naghahabol sayo noh. Keep in mind ang gwagwapo pa nila!" Masiglang sabi nito
"Oo nga bakla! Nakakainggit naman etong si Jennifer! Sana ako din noh" dagdag pa ni Aries na kumakain ng junk foods kasama naming nakatambay sa living room ni Anna.
"Magtigil nga kayo at baka pektusan ko kayo! Gwapo nga ang kakati naman!" Sagot nitong si Anna na galing kusina at may dalang mga baso ng juice.
"J, simula ngayon iwasan mo na yang dalawang yan ha. Pasalamat nga yang Kevin na yan ginamot pa natin bago pinalayas! Kapal din naman ng mukha!" Dagdag pa nito.
Hindi na ako umimik. Dahil kung tutuusin tama yung sinabi ni Anna. Oo, gwapo pero g.ago. Yung akin lang pano naman kung mahal ko diba? Di naman ganun kadali mag move on.
--
After 2 weeks"J, bahala kana muna dito ha. Ikaw naman kasi may pa-keme ka pa nalalaman e kung sumama ka nalang kasi!" Pag pupumilit ni Anna.
"Kung ikaw ba dinudugo comportable ka magswimming?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Haay! Eto naman. Sige na sige na. Anjan na yung sundo. See you in a week!" Bineso niya muna ako bago siya umalis.
May team outing kasi kaming mga nurse sa La Union. Kaso mas pinili kong magpaiwan kasi nadatnan ako sa mismong araw nung outing. Wala din naman ako sa mood para mag swimming. Alangan namang sumama ako sa resort at tutunganga nalang.

BINABASA MO ANG
Mine Alone!
RandomA woman's story on how to conquer the fear of trusting people. Pano ba mag mahal ulit pag naranasan mo nang ginagamit ka lang ng mga taong minamahal mo. Kung puro mga g.ago yung mga nagiging boyfriend mo, possible pa bang maniwala ka sa LOVE? This s...