Hindi ako makatulog kaiisip kung anong gagawin ko. 2 days na ang nakakalipas nung sumugod dito si Glen.
2 days ago.
"Bakit kapa nagpadala ng bulaklak? I'm sorry pero hindi ko alam na sayo galing kaya ko lang naman tinanggap"
"Hindi mo ba nagustuhan? Gusto ko lang naman mag apologize" napaka sincere ng apology niya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Hindi ako naaawa hindi ko na maexplain.
"Jennifer, please let's talk.." dagdag pa nito.
"Glen, I slept with you while I was still dating Kevin. As far as I'm concerned.. mas masama yata yung ginawa natin sa ginawa niya sakin.." naguguilty talaga ako.. kasi ang nakita ko lang naman yung tipong nagdadate lang si Kevin at Anica. Wala akong nakitang pumapaibabaw yung babae kay Kevin. Hindi kagaya ng nakita ko dati kay Glen.
"Jen.. hindi mo naiintindihan.. may dahilan kung bakit ko pinagpilitan yung sarili ko sayo" dumerecho xa, napalakad ako patalikod. Isinara niya ang pinto and he was looking at me.
There was something inside me, telling me I shouldn't belive whatever he's going to say next.
"I don't understand. You came to my apartment. Forced me to sleep with you and you left me." Oo mejo galit ako. Kasi hindi ako yung tipo ng babaeng one night stand lang okay na. Hindi na din ako virgin pero di ibig sabihin na I'd sleep with just anyone. Lastly, may boyfriend ako nun.
"I'm sorry Jennifer. I told you, dad was rushed in the hospital nung time na yun di nako nagpaalam kasi I knew you were tired" naguguilty nanaman siya. Bakit? As far as I'm concerned hindi naman kami. Walang kami. At tapos na yung kami.
"Tignan mo ito.." umupo siya sa sofa at may inilagay na brown envelope sa coffee table.
Kinakabahan ako. Ano bang laman nun?
"Ano yan?" takot kasi akong malaman kung masasaktan ba ako o matutuwa sa laman ng envelope.
"Jen, ayoko ng masaktan ka.. ayaw kitang makitang malungkot.. ayokong nakikita kang umiiyak" he looked at me like his eyes were searching the inside of my soul. Like he can read the pain I'm going through.
Ringgg... rinnnggg...
Ginulat ako nung cellphone ko. Nawala yung momentum. Tinignan ko si Glen at naabuntong hininga nalang siya.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung sinong tumatawag.
Unknown Number
"Uhm, hello?"
...
"Tita Alice! Napatawag po kayo?"
...
"Ha?! Oh sige po, puntahan ko po kayo jan"
...
Nilingon ko si Glen para sana sabihin na sa ibang araw nalang kami mag usap pero nung tumalikod ako para harapin siya, wala ng tao sa sofa.
San naman kaya nagpunta yun? Sinubukan kong tignan ang paligid at baka kung san san napadpad ang lalakeng yun pero wala.
Nagmamadali ako kasi kailangan kong sumugod ng hospital. Nag overdose daw si Kevin. At hindi daw matawagan ng Mama niya (tita Alice) ang number ko sa cellphone ng anak niya.
Malamang break na kami. Blinock ko siya. Pero di ko masabi. Nag-ayos naman ako agad para makaalis na ng makita ko yung brown envelope sa coffee table.
Kinuha ko nalang ito para matignan on the way. Malapit nako sa hospital ng biglang may nagtext..
Glen : Sana you'll choose the right decision. Mahal parin kita.
Hindi ko na nagawang magreply. May naramdaman akong tumutusok sa dibdib ko. Yung parang ang sakit. At the same timw may excitement akong naramdaman. Mahal niya ako. After 2 years. Mahal niya parin ako.
--
Present Time.
Kevin's POV
"JJ.. thank you ha. I can't thank you enough for taking care of me. I love you babe" ngiti ko sakanya.
"Okay lang yun" ngumiti naman siya pero alam ko nasasaktan ko padin siya. Sana mapatawad niya na ako. Oo nagkamali ako pero ngaun ko lang narealize kung gano ako ka swerte na si Jennifer ang girlfriend ko.
"Kevin, alis muna ako ha. Susunod naman si Tita Alice na magbabantay sayo. Okay naman na daw yung vitals mo kaya baka bukas uuwi kana din" inaayos na niya yung mga gamit niya halatang puyat siya. Siya kasi nagbantay sakin magdamag.
Oo nag overdose ako ng gamot. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan para huwag siyang mawala sakin. Tanga na kung tanga. Hindi ako papayag na mawala sakin si JJ.
"Wala nabang 'babe' o kahit goodbye kiss manlang?" Pakunyaring nagtatampo ako.
"Haha! Eto na. Eto na. oh." Sa pisingi niya lang ako hinalikan. Ang sakit. Ang sakit malaman na di niya na ako kayang bigyan ng pansin gaya nung dati..
--
Glen's POV
Hindi man lang ako tinext ni Jennifer kung kumusta na siya. Oo alam ko siya ang nagbabantay sa tarantadong ex niya.
Kung di dahil sa Private Investigator ko di ko malalaman yung mga pinag gagawa ng g.ago na yun.
Oo, nung bumalik ako ng Pinas at binisita ko si Jennifer at malaman kong ay boyfriend siya pinaimbestigahan ko na ito agad.
Nung araw na may nangyari samin ni JJ yun ung araw na nalaman kong may katarantaduhang ginagawa yung syota niya.
Kaya pala di siya umuuwi ng apartment nila dahil may isa pa itong apartment. Siyempre kung ikaw ba naman ang Manager ng isamg call center may pera ka din.
Yung nilalaman ng brown envelope ay mga pictures ng kalaguyo ni Kevin. Nung mag out of town sana sila ni Jennifer si Anica ang kasama niya. Nag Boracay sila.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya ko siya sinugod nun. Gusto ko siyang patayin. Patayin sa suntok. Gusto ko siyang magdusa pero nung mas pinili siya ni JJ.. nasaktan ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy siyang nagpapakatanga sa lalaking yun.
Hinihintay ko nalang si JJ.. dahil kung mas pipiliin niyang manatili kay Kevin.. kailangan ko na siyang pakawalan.
--
JJ's POV
Nakahiga na ako sa kama at hindi padin ako makatulog. Bukas na nga pala lalabas si Kevin ng hospital..
Hindi ako maka-hindi may Tita Alice. Ang alam niya kami padin ng anak niya. Pero sa tingin ko mahal talaga ako ni Kevin.. hindi naman siguro niya gagawin yun kung hindi niya ako mahal.
Nakokonsensya ako.
"Ay! Oo nga pala" kausap kom nanaman yung sarili ko. Naalala ko kasi yung brown envelope. Sinubukan kong hanapin pero wala. Wala na sa bag ko.
San ko kaya nahulog yun? ..
BINABASA MO ANG
Mine Alone!
De TodoA woman's story on how to conquer the fear of trusting people. Pano ba mag mahal ulit pag naranasan mo nang ginagamit ka lang ng mga taong minamahal mo. Kung puro mga g.ago yung mga nagiging boyfriend mo, possible pa bang maniwala ka sa LOVE? This s...
