Chapter 4

271 5 0
                                    

I feel so horrible. I cheated on the person I love. I cheated with the person who cheated on me. Anong klaseng human being ako.

Nakatayo ako sa shower ng mejo matagal na din. May mga 30minutes na siguro ako dito.. Because I felt so disgusted with myself. Akala ko kaya ko but he was able to persuade me to like it..worse..to do it..

Hindi ako plastic. Kasi alam kong nung time na yun ginusto ko talaga siya. Like people always say.. "Don't exchange the happiness you have for a moment of pleasure". I chose wrong. I did wrong. This is my fault. Di ko na dapat siya inentertain nung dumalaw siya dito.

--

Its been a week. My one week off is almost over. Hindi ko macontact si Kevin. He's phone is unattended. Social media sites are also inactive. I wonder. Maybe he found out and felt disgusted about what I did.

Come to think of it. Hindi nagparamdam yung demonyo. He just came to take what he wanted then left. After ng may nangyari samin I passed out. When I woke up I was alone. I had missed 34 calls from the hospital and had to make a good excuse of not being able to enter work.

Not feeling well , believe me is not a valid reason. For Pete's Sake I work in a hospital. If I was sick they had to validate what illness I had. Pero mabuti nalang at saved by Anna ang lola niyo. She knows I never take a leave unless something was really up.

However, naawa ko sakanya almost 24hours siya nag duty. Wonder woman talaga.

Akala ko tuloy na talaga yung out of town namin pero wala. Naghintay ako ng surprise.. wala. I called his friends and wala din daw. I called his office and sabi ng kawork niya he took a leave kaya mas lalo ako nag expect.

Parang alam ko na tuloy kung bakit. Baka umabot sakanya ang kahayupang ginawa namin ni Glen. That a.hole! I ca't stop myself from hating him all over again.

---

Anna: bakla, labas naman tayo. Diba naka leave kapa ngayon?
Me: Anong balak mo? Tinatamad ako.
Anna: Bes.. gusto mo bang hanapin natin si Kevin?
Me: Para saan? Magsosorry ako? Kasi cheater ako?
Anna: Ang drama mo naman bakla! Bakit JJ? Ikaw ba di ka naghihinala di na umuuwi jan yang bf mo, naka-leave pa tapos ikaw nkipag one-night stand ka lang sa ex mo sinisisi mo na sarili mo. Hindi mo ba manlang mapansin na baka hindi lan ikaw ang nakagawa ng masama?
Me: ...

---
"Buksan mo toh oi" ang lakas ng katok sa pinto feeling ko masisira na.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko kay Anna na halos manginig sa galit kakaantay mapagbuksan ng pinto.

"Magbihis ka.." huminahon siya at nakatayo nalang sa harap ko hindi siya makatingin saakin ng direcho.

"Ann.. sabi ko naman kayo nalang. Tska may ginagawa pako.." hinila niya ako bigla. Ang lakas niya. Hindi ko inakala na kayang kaya niya ako kaladkarin ipinasok niya ko sa mini cooper niya tska xa pumasok sa driver's side. Masyadong mabilis ang mga pangyayari para makapag react pako.

"Girl! Haynako. Hindi mo ito magugustuhan!" Napausog ako ng marinig kong nagsalita si Aries sa likod. Bading si Aries. Isa siya sa mga bff ko.

"Get ready mga bakla!" Sabi naman ni Gwen. Isa din xang transgender. Sabi ko nga mga bading ung ibang friends namin.

"Teka! Teka! Ano ba toh? Ang bobongga ng suot niyo halos ako pantulog lang buti nga naligo at nagsipilyo pako" nagtatakang tanong ko sa tatlo na tila naghahandang makipagrambulan dinaig ba ang fraternity sa mga itsura nilang high blood.

"Makakapatay ako ng tao. Di pala tao! Hayop! Tawagin niyo na kong mangangaso simula ngayon dahil magiging lalaki ako ngayong gabi!" Ang galit na pagkakasabi ni Aries.

"Pagsasampalin ko talaga yang taong yan sa ginawa niya sayo! Hindi ko siya mapapatawad!" Sabi naman ni Gwen.

Tahimik si Anna. Di siya kumikibo at seryoso siyang nag dridrive. Galit na galit ba sila kay Glen dahil sa nangyari? Kasi sa loob loob ko.. may nagsasabi saking sana wag nilang saktan si Glen.

Napabasag ang katahimikan nung nagpark si Anna sa harap ng isang restaurant. Tinitigan ko siya at gusto kong tanungin kung bakit niya kami dinala dito akala ko gigimik sila. Suot palang nila halatang bar na ang pupuntahan nila.

Tinignan ko si Aries at Gwen sa likod na nagngingitngit sa galit kaharap ang resto. Tumingin ako sa direksyon ng kanilang natatanaw at dun ko nakita ang kailan man hindi ko inakalang masasaksihan ko..

Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Ang sakit. Para akong nakakaramdam ng matinding heart burn.. Or rather, heart attack. My chest felt so heavy.

"Babanatan na ba namin?!" Galit na tanong ni Aries.

"Sisirain ko yang buong pagkatao niya. Wala ng makakakilala sa kanya pag tinaggalan ko soya ng mukha!!!" Sabat naman ni Gwen.

"iuwo niyo nako please.." sinubukan kong pigilan ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit lapitin ako ng mga gago. Pero this time.. I swear. Hindi na ko magpapaloko.

"Uuwi na? Di pwedeng bugbugin muna natin yang hinayupak mong syota?!" Humarap sakin si Anna. Tila nadismaya siya sa mga sinabi ko.

"Its not worth it. For months akala ko ako yung nagkukulang.. akala ko masyado akong busy.. guys please. Umuwi na tayo" pinunasan ko ang mga natitirang luhang pumapatak pero patuloy silang dumadaloy. Humagulgol ako at naramdaman ko ang group hug ng mga ever supportive kong barkada.

"Bakla iiyak mo lang. Sabi nga nila, after hurting a woman, she blooms like a flower" pag uunawa sakin ni Gwen.

"Oo nga JJ! Who needs an asshole?! Like this Kevin guy?! I can set you up with better men. Just tell me anytime, anywhere!" sabi naman ni Aries.

"Okay guys. Cancel natin ang bar night. Let's go back to her place and have a movoe marathon instead." Napatigil nila akong tatlo sa pag iyak. I gave them a soft smile and wiped all the tears away.

--

8am Kevin: Hey babe? You're not picking up?

8:30am Kevin: Babe? Are you mad? Im sorry :'( I had a lot of things to do. I forgot about my promise. :(

9:10am Kevin: J, please answer my calls.

10am Kevin: Hey. Im coming over.

--

Mine Alone!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon