CHAPTER 2: Boarding House

106 2 0
                                    

"Oh.....Edward!" batid ko. Naka itim na jacket at naka fitted jeans with matching sneakers ang get up ni Edward nang makipag kita saamin nila Yeth at Apol. Napaka simple lang ngunit dahil mestizo at chinito ay bumabagay sakanya ang kahit na anong isuot niya.

"Andito ka na sa wakas! Kanina ka pa namin napaguusapan." Ani Yeth. 

"Talaga ba? Anu naman ang tungkol saken hehe. Topic nyu ba ako lagi? Joke!" Ika ni Edward. Aba! Feeling naman nito siya ang madalas pag usapan hay naku. Kapal muks naman sus (sabi ko sa sarili ko). 

"Oh nagawa mo na ba yung gagawin mo? Nakapagbayad ka na ba sa cashier para sa tuition mo?" tanong ni Apol.

"Ah oo nakuha ko na yung padala saken. Nang galing na ako sa cashier sa kabilang building kaya medyo natagalan ako. pacensya naman" sagot ni Edward.

"Eh di anu pa ba inaatay natin. Tara na! Ikaw Grei tapusin mo na yang meryenda mo kebagal bagal mo kumain daig mo pa kaming babae haha!" Panukso ni Yeth. Binigyan ko lang siya ng isang matalim na tingin. Kilala naman ako ng mga barkada ko na puro biro lang ang mga gestures at ang maganda sa samahan namin ay walang pikunan.

Nag sitayuan na kami upang magtungo sa boarding house ng mga kaibigan naming babae kung saan nag aantay sila Edna at Unity. Habang nag lalakad kami ay napatanong naman si Edward saamin kung saan kami pupunta. "Saan nga ba tayo pupunta?"

"Naku naman para kang pabago bago. Siyempre sa B-Haws ng mga babaeng yan!" Pasungit kong sagot.

Napansin kong umasim ang mukha ni Edward at hindi na kumibo. "Hoy Grei ang sungit mo naman nag tatanong lang si Edward eh. Sorry ha meron atang buwanang daloy tong kasama natin." Patawang sabi naman ni Yeth na tila nang aasar.

Napalitan naman ng ngiti ang mukha Edward sa sinabi ni Yeth ngunit wala pa rin siyang imik. "Kanina mo pa ako dinadale sa mga patutsada mo Yeth ha. Sabunutan kita eh" Ani ko.

Natawa naman si Apol sa sinabi ko. "Mapanakit ka Grei ha!" Patuloy pa rin kami sa pag lalakad hanggang sa malapit na naming marating ang B-haws ng barkada namin.

"Wait lang, bili muna tayo ng meryenda. Baka mag hanap sila Unity at Edna ng makakain eh nakikibisita na nga lang tayo" Batid ko.

"Yan ang pinaka magandang sinabi mo sa buong araw Grei! Salamat! Ikaw na rin ang bumili." Patawang sabi ni Yeth.

"Ako na lang bibili." Maikling sabat ni Edward. Tutal eh mas ma pera at mas nakakaangat sa buhay etong si Edward kaya hinayaan kong siya ang bumili ng meryenda na dadalhin sa boarding house ng barkada.

"Soft drinks na 1.5 at tinapay pwede na yun. Or yung loaf bread. Sigurado ipapalaman ni Yeth ung mantika ng baboy niya na nakatago pa sa baul niya sa ilalim na kama niya" patawa kong sinabi kay Edward. As usual ngumiti lang etong si Edward at tumungo na sa malapit na tindahan. 

"Ang kapal mo talaga Grei. At sinong may sabi na pinapalaman ko yun sa tinapay? hinahalo ko lang yun sa kanin pero yuck sa tinapay? Grabe ka!!!!" sambit ni Yeth. 

Natawa lang kami ni Apol sa sinabi ko at nag tawanan na nga kaming tatlo nila Yeth habang inaantay si Edward. Nang makabili na si Edward ng tinapay at softdrinks ay tumuloy na kami sa boarding house. "Grabe ang tarik naman talaga dito sainyo. Panu na lang pag umulan? Ilang beses na ba kayo nadulas dito pababa ha?" ani ko.

"Ang dami mo reklamo alam mo yun? Ilang beses ka na dumalaw dito eh ngayon ka pa mag rereklamo! Isumbong kita kay manang para ma-Banned ka na dito sa boarding house!" pangontra nman ni Yeth. 

"Alam mo Yeth pag ako di na nadalaw dito sainyo, trust me lulungkot ang boarding house nyu at majority sa inyo eh hahanapin ang presence ko noh kaya wag kang epal jan!" sagot ko. Walang tigil ang halakhalakan namin habang pababa kami ng hagdan. Medyo napalakas ata ang tawanan kaya naman biglang lumabas si Unity sa pinto at agad niya kaming sinalubong ng kanyang pambabaeng husky na boses.

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon